ABS-CBN stars reveal vacation plans and traditions this Holy Week

Happy Yipee Yehey hosts (From left) Randy Santiago, Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga and John Estrada have different ways of celebrating Holy Week. Read on to find out how they and other ABS-CBN stars are spending the holidays.


Isa sa mga pinakamahabang bakasyong inaabangan ng mga artista ay ang Semana Santa, dahil bukod sa ito ang time nila para magnilay-nilay ay ito rin ang time nila para makapagpahinga kasama ang kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na matanong sila kung paano nila ii-spend ang kanilang Semana Santa Vacation at ano ang kanilang mga tradition pag Holy Week?

TONI GONZAGA: "Di kasi kami umaalis pag Holy Week, kasi meron kaming ginagawa sa aming Church. Umaatend kami ng services.

"Tapos yung Daddy ko, napili siyang isa sa mga magbibigay ng inspirational messages sa aming simbahan para sa Good Friday. Kaya, ayun, di talaga kami pwede umalis."

LUIS MANZANO: "Definitely, I’m in Punta Fuego sa Batangas kasama yung barkada. We will have bonding with my family and some of my friends.

"There’s no particular tradition naman talaga ako pag Semana Santa. I consider na rin ito para sa oras ng aking pahinga.

"May mini-tradition pag Good Friday yung alas tres...kailangan nasa dagat ako at nagdarasal. Di ko alam kung bakit? Basta sa dagat ako nagdarasal."

RANDY SANTIAGO: "Sa totoo lang, pinaplano palang naming mag-asawa at mga anak ko kung saan kami pupunta this Semana Santa.

"And importante ay magkakasama kaming magpapapamilya this vacation. At kung saan man kami pupunta ay siguradong mag-eenjoy kaming lahat."

MATTEO GUDICELLI: "Pupunta ako ng Cebu, kasama ko ang buong family ko. Mama ko, Papa ko, brother and sister ko, mga lola at lolo ko.

"Lahat kasi sila nandun. Magkakasama kami. Gather kaming buong pamilya, kain-kain kaming lahat, bonding.

"Go to Church. My grandma si very religious, so we do Visita Iglesia."

MELAI CANTIVEROS: "Pupunta kami ng Baguio kasama ko ang buong pamilya ko. Igagala ko sila sa Baguio ngayong Semana Santa.

"Ngayon lang kasi yung freetime ko. Baka dun na rin kami mag Visita Iglesia."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIANCA MANALO: "We are going to Palawan, kasama ko yung ibang beauty-queen friends.

"First time naming ’tong gagawin na magkakasama kami pag Holy Week, all together. Pupunta kami sa isang private island for bonding."

MARIEL RODRIGUEZ: "Robin and I will go to Macau. First time naming magho-Holy Week ni Robin together. Pupunta kami dun to relax...pamasahe [massage].

"Kasi yang si Robin masyadong workaholic. Since umuwi kami from India, tuloy-tuloy na siya ng trabaho for Tum: My Pledge of Love namin. So he deserves a little break."

JOHN PRATS: "Magho-Holy Week ako sa bahay with my family. Sa bahay, kasama yung buong family ko.

"Tapos siguro baka mag-Visita Iglesia kami. Tapos may araw na di maliligo daw pag Good Friday. Kasi yun daw ang tradisyon." Sabay biro at tawa ni John.

JOHN ESTRADA: "Dito lang kami with my family. Siguro magsasama kami isang araw ng Happy Yipee Yehey family.

"Kasi marami pa kaming planong gawin sa show na ito. Siguro magkikita kami ng Wednesday bago magbakasyon."

VILMA SANTOS: "Family get-together around Manila lang and maybe in Batangas lang. We will pray together. Yun na rin yung bonding ng buong pamilya namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN