AJ Perez chose a fan from the crowd in his last show in Dagupan who was his mom’s namesake

Mr. Gerry Perez (left) sprinkles Holy Water on the coffin of his son, AJ Perez, on Good Friday, April 22. On the same day, he revealed that AJ sang to a 15-year-old fan named Maria Victoria Perez during his last Kapamilya Karavan show. Maria Victoria happens to be the name of his mother, whose nickname is Marivic.

(Trace AJ’s career through these galleries:


Coincidence bang maituturing ang insidenteng ito: Sa huling Kapamilya Karavan show ni AJ Perez, sa dinami-rami ng mga fans na nagnanais na mapili upang kantahan niya onstage, pinili ni AJ ang isang dalaga na kasing-pangalan ng kanyang ina.

Ito ang naging salaysay ng ama ni AJ, si Gerry Perez, sa burol ng kanyang anak kagabi, Good Friday, April 22.

Ang kuwento ng tatay ng yumaong aktor: "Pinabasa lang sa akin ang Entertainment page ng Philippine Daily Inquirer (na lumabas noong April 20). Yung report ni Yolanda Sotelo ng Inquirer Northern Luzon at ni Bayani San Diego Jr. about dun sa babae na kinuha ni AJ sa stage para kantahan niya.

"Di ko alam na kapangalan pala ng mommy niya yung girl—Maria Victoria Perez din ang name.

"Akalain mo yun, na sa dinami-rami ng babae makukuha ni AJ dun sa show, kapangalan pa ng mommy niya yung makukuha niya.

"Talagang me gustong ipahiwatig si AJ sa mommy [niya] bago siya mawala."

Ang palayaw ng ina ni AJ ay Marivic.

FIRST AND LAST ENCOUNTER WITH AJ. Maria Victoria Perez (not related to AJ) ang pangalan ng 15-year-old fan na pinili ni AJ noong Sabado, April 16, sa Dagupan City Plaza, para sa Kapamilya Karavan show.

Habang nagso-show si AJ, nagkaroon ng pagkakataon ang fan na makasama si AJ sa stage.

Lumuhod pa daw si AJ sa harap ng fan niya habang kinakanta niya ang "Alipin."

Niyakap at hawak-hawak pa nito ang kamay ng fan sa buong performance niya.

Tuwang-tuwa ang fan na nagkaroon siya ng pagkakataon na makasalamuha ang kanyang idol.

Sabi pa ng mga kamag-anak ng 15-year-old fan, hindi maipaliwanag ang kasiyahan nito nang umuwi sa bahay at ’kinuwento pa sa kanyang mga pinsan at kapatid na tuwang-tuwa siya na kinantahan siya ni AJ.

Noong gabi din daw na yun ay excited na nilagay ng fan ang kanyang picture with AJ sa Facebook, kuha noong kinakantahan siya sa Dagupan show na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong umaga daw na nagbe-breakfast na ang dalaga kasama ang kanyang pamilya, binalita ng uncle sa dalaga na patay na raw si AJ.

Di pa raw makapaniwala ang dalaga, kaya nag-check siya ng kanyang Facebook account.

At nakita niya na niyang sa photo nila na AJ ay may mga comments ang mga ka-Facebook niya na "Patay na si AJ!"

Ayon kay Jessie, ang tatay ni Maria Victoria, iyak daw nang iyak ang anak niya nang malaman niyang namatay ang idol niya.

Kuwento pa ni Jessie, bago pa man daw yung show nina AJ sa Dagupan ay kinukulit na daw siya ng kanyang anak na dalhin siya nito sa Dagupan dahil magso-show nga daw si AJ dun.

Fan na fan siya talaga ni AJ.

Noong nasa biyahe na nga daw sila pauwi pagkatapos ng show nina AJ, sabi pa daw ng anak niya na "kunin naman daw namin si AJ na mag-escort sa debut niya three years from now."

Ngunit, sa kasamaang palad, ang Dagupan show na pala ang first and last encounter ni AJ at ng masugid niyang fan na si Maria Victoria.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN