Mayor Patrick Meneses will take legal action against ex-girlfriend Aiko Melendez for allegedly "masterminding" smear campaign against him

Aiko Melendez allegedly hatched a plan to spread rumors that her ex-boyfriend, Bulacan Mayor Patrick Meneses, is gay.


Tiniyak ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na hahantong sa korte ang mga paninira diumano laban sa kanya, at sangkot dito ang kanyang ex-girlfriend na si Aiko Melendez.

"Definitely, pagkatapos nito, paglabas ko dito, kakausapin ko na agad ang mga abogado ko.

"Tinitiyak ko na aabot ito sa korte dahil hindi lang ako ang sinisira diyan, may mga tao rin na sangkot dito.

"Sigurado ako, tinitiyak ko na sa korte kami magkikita uli," ang mariing pahayag ni Mayor Meneses sa host na si Cristy Fermin sa kanyang live guesting kahapon, April 24, sa Sunday showbiz-oriented talk show ng TV5—Paparazzi.

Nag-ugat ang balak na pagdedemanda ni Mayor Meneses sa mga e-mail na kumukuwestiyon sa kanyang kasarian na natanggap ng ilang entertainment writers.

Nang mag-guest si Mayor Meneses sa Paparazzi, ang status ng relasyon nila ni Aiko ang unang itinanong sa kanya ni Cristy.

Ang mga sumusunod ang pag-uusap nina Cristy at Mayor Meneses sa 8 minutes at 30 seconds live appearance niya sa Paparazzi:

Cristy Fermin (CF): "Mayor, February 14 [2011] ng gabi, naghiwalay kayo ni Aiko Melendez. Paano nangyari ang hiwalayan? Paano nangyari ang pag-alis mo?"

Patrick Meneses (PM): "A, Nay, puwede po ba, bakit kami naghiwalay kung ano po ang nangyari? Nag-usap po kami sandali and then, kinausap ko yung mga kapatid niya, yung nanay niya. I kissed the kids goodbye."

Ang tinutukoy ni Mayor Menses ay ang mga anak ni Aiko na sina Andrei, na anak ni Aiko kay Jomari Yllana, at Marthena, na anak naman ng actress-politician kay Martin Jickain.

CF: "Naalala mo pa rin sina Marthena?"

PM: "Hindi naman po mawawala ’yon kasi three and a half years ko silang kasama."

CF: "Mayor, kasi kakambiyo ako... Marami kaming nababasa na blind items. Kailangan kasi lagyan natin ng tuldok ito. Nakakarating ba sa ’yo na naba-blind item ka na bading ka?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PM: "Nakakarating po sa akin ’yon. May mga tao na nagsasabi at may mga taong nagpaparating na may ganoong blind item."

CF: "Anong reaksiyon mo kapag ganoon? Kapag may blind item na lumalabas na kinukuwestiyon ang kasarian mo?"

PM: "Una po sa lahat, Nay, natatawa ako tuwing sasabihin nila sa akin ’yon dahil it’s something na hindi ko naman dapat sagutin. I’m very secured sa aking kasarian..."

CF: "Mayor, ni minsan ba hindi pumasok sa isipan mo na nagmumula sa kampo ni Aiko Melendez ang mga paninira sa ’yo at pangunguwestiyon tungkol sa kasarian mo?"

PM: "Hindi po, Nay, kasi kilala ko po siya. Naghiwalay kami...maayos naman. Napag-usapan namin na we respect each other. Na hindi magsasalita pareho at magmu-move on nang maayos."

CF: "So, pinaninidigan mo ngayon na hindi manggagaling kay Aiko yung mga kuwento tungkol sa kabadingan mo?"

PM: "Hindi po."

CF: "Okey, sandali lang Mayor, may kukunin lang ako... Ito ay itinanong ko na ang Twitter account na ito kung kanino, kung legal, kung ito ay balido. ’Oo’ ang natanggap ko.

"May ipapakita ako Mayor sa ’yo na pag-uusap ng isang babae at ng isang lalake. Kung paano binalangkas ang mga kuwento at kung paanong pinalalabas na kuwestiyonable ang kasarian mo sa mga tabloids.

"Paki-browse mo lang. Ito ba ay kanya? Oo o hindi lang."

PM: "Opo."

CF: "Kilala mo yung pangalawa [na Twitter account]?"

PM: "Kilala ko rin po."

CF: "Kaibigan n’yo? Common friend?"

PM: "Kaibigan po niya."

CF: "Mga kapatid, ang hawak po ngayon na mga dokumento ay pagpapalitan po ng tweet ni Aiko Melendez at ng isa niyang kaibigan na bading.

"Dito po ay makikita natin kung papaano sila nag-usap at kung paano babalangkasin at kung paano sila mag-iimbento ng mga kuwento na kuwestiyonable ang kasarian ni Mayor Patrick Meneses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito po ay nakalagay...ito po ay pumasok sa direct messages. Hindi po ito nabasa ng followers ni Aiko Melendez dahil siya lamang po at ang tao na ka-tweet niya dito ang sangkot dito, at sila lamang ang nakakabasa.

"Mayor, hiramin ko yung kay Aiko. Ang nakalagay dito, ’La Salle days mo pa lang bading ka na.’

"Si Aiko mismo ang nagsabi nito: ’La Salle days ka pa lang, bading ka na.’

PM: "Hindi po totoo ’yan, Nay. Ako, I’m very confident and secure with my pagkalalake."

CF: "May babasahin lang ako diyan... Bakit pati plate number mo ibinibigay? Huwag na nating banggitin yung plate number mo.

"Dito po ay aminado, mga kapatid, na sa kanyang ka-tweet, si Aiko po ay nagbibigay ng mga lugar at mga araw, at mga address kung saan sila nagkikita ng isang pulitiko rin po ng Bulacan.

"So, ang sabi po, ’Sige, I’ll do it. Ako na ang bahala.

"’Alam mo naman ako, creative sa ganyan. I’ll make it sound na totoong na-witness ko ang tagpuan nila.

"’Don’t worry, ako ang bahala, ie-email ko si ___ at si ___, lahat ng mga kilala kong reporters, but I will be incognito. Hindi ako magpapakilala para hindi ma-trace kung kanino galing ’yon.

"’Ano ang kotse ni Pat, color na ginagamit niya nang personal para sa tagpuan nila, e, believable ako?’

"At lumabas po dito mga kapatid na, ’Don’t worry, press release ko naman ang warts niya.’ Parang may lumalabas po dito na naggagamutan pa sila ng warts.

"At ang sabi, e, ang pinakamatindi: ’Magpapanggap ako na roomboy ng resort at sasabihin ko na na-witness ko.

"’Roomboy: Katok, wala, open, pagbukas ko ng pinto, nakita ko may pinapahid sa maselang bahagi. Lumabas po ako agad.’

"’Paglinis ko po, nakakita ako ng gamot, bulak, at buds.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tatanungin kita ngayon, sinabi mo at sinabi ng mga kaibigan natin na ’yan talaga ay ginagamit na Twittter account ni Aiko Melendez, at ito rin ang Twitter account ng bading na ka-tweet niya.

"Ano ang nararamdaman mo ngayon, pagkatapos mo mabasa si Aiko pala ang nagbalangkas at ang kaibigan niya para i-email ang mga reporters? Eto, aminado naman sila dito. Ano ang reaksiyon mo ngayon?"

PM: "Sa totoo po, Nay, I am in awe. Gulat na gulat po ako.

"Pagdating po sa bading issue, sa kasarian ko, alam n’yo naman po na dito sa kultura natin, kung hindi ka babaero, kuwestiyonable ang kasarian. So damn if you do, damn if you don’t.

"Pagdating naman po dito, talaga pong nakakagulat. Hindi ko inaasahan na...

"Kasi po, akala ko po, pulitika ang masyadong marumi, nagbabatuhan ng masasama, ng masasakit, putik sa kalaban.

"Pero sa isang relasyon pala ng dalawang tao na nagmamahalan, maaari pala itong mangyari."

CF: "Heto, sabi niya, sabi nung lalake, yung bading na ka-tweet niya: ’Love you too... O sige, sisimulan ko na ito para bukas ma-send ko na. Ie-email ko sa ’yo ang message na ito. Enough na ’yan.

"’Sige ako na ang bahala na mag-compose ng email. Alam mo naman ako, magaling sa ganyan. Ghostwriter mo ako dati.’

"So, Mayor, maraming-maraming salamat sa ’yo. Alam namin na magbibigay ito ng depresyon sa ’yo, pero ito ang katotohanan. At kung paano ko nakuha [ang kopya ng direct messages], itanong natin sa bulaklak."

AIKO’S RESPONSE. Hindi pa nagbibigay ng sagot si Aiko tungkol sa mga paratang laban sa kanya. Pero nag-post siya ng mensahe sa Twitter account niya, kung saan ipinagtanggol niya ang kanyang sarili:

"It is never my nature to resort to this kind of issues just to be talked about.

"When I’m at fault will admit it. But when I know that I did nothing, will fight this till the end with dignity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will issue a statement in the coming days and will definitely clear my name. Issue here is not invasion of privacy.

"I am still in pain now and shocked with the turn of events.

"Remember, I kept my silence. Wala po kayong narinig na sinabi ko.

"Will prove something on this matter. And i will be vindicated on this. That I guarantee..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN