Kris Bernal says Aljur Abrenica is always in her heart

"Si Aljur kasi, siyempre lagi namang nasa puso ko si Aljur. Kasi naging parte talaga ng buhay ko si Aljur," says Kris Bernal about Aljur Abrenica.


Si Kris Bernal ang sumalang sa "Don’t Lie to Me" segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central kahapon, April 24.

Ayon kay Sweet, sa isang recent episode ng StarBox—ang morning talk show ng GMA-7—ay isang matamis na ngiti lamang ang isinagot ni Kris nang tanungin kung nagkaroon ba sila ng relasyon ni Aljur Abrenica.

Kaya ang unang tanong ni Sweet kay Kris ay kung ano ang ibig sabihin ng pagkatamis-tamis na ngiting ’yon ng young actress.

Naging mag-on ba sila ni Aljur?

"No" ang sagot ni Kris at "Truth" ang naging resulta nito sa digital truth verifier machine.

Sa three years na magka-loveteam sila ni Aljur ay hindi sila na-in love sa isa’t isa?

"Wala po talaga kaming inamin ni Aljur kahit noong loveteam kami, wala kaming inaamin na kami.

"Pero yun nga, umabot po talaga kami dun sa point na MU-MU [mutual understanding], ganyan, pero trabaho kasi, e.

"Hindi formal, parang wala lang. Parang sweet lang talaga kami sa isa’t isa," paliwanag ni Kris.

Kahit hindi sila naging mag-on ay naging matibay at sikat ang loveteam nila. Nagkaroon din sila ng matinding rapport at chemistry, at nag-rate ang mga shows nilang dalawa.

Dagdag naman ng young actress, "Kaya malaki yung pasasalamat ko sa supporters namin, kasi kahit alam nilang magkahiwalay kami at may kanya-kanya kaming buhay minsan, nandiyan pa rin sila."

Saan nanggagaling ang magic nila ni Aljur?

"Siguro sa mata niya!" ang tumatawang sagot ni Kris.

Nagte-text-an sila ni Aljur at hinihingi ang approval tungkol sa mga taong nali-link sa kanila bilang very close pa rin sila sa isa’t isa.

Si Aljur ay kay Kylie Padilla iniuugnay lately. Sa tingin ba ni Kris ay hindi mapapantayan ni Kylie ang naging closeness nila ni Aljur noon?

"No" ang sagot ni Kris at "Truth" muli ang naging resulta nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit sa palagay niya ay hindi iyon mapapantayan?

"Hindi, sa totoo lang, nag-a-agree ako—mapapantayan o mahihigitan pa," paglilinaw ni Kris.

Pero sa ngayon ay hindi pa?

"Hindi ko alam kay Aljur. Kasi si Kylie kasi, ang pagkakakilala ko sa kanya, mabait siya, e, very lovable, ang ganda-ganda. So, posible talagang ma-in love din si Aljur sa kanya."

Si Aljur pa lang daw ang lalaking ipinakilala ni Kris sa kanyang mga magulang. Nalaman din ng Showbiz Central na hanggang ngayon ay iniingat-ingatan ni Kris ang kuwintas na bigay sa kanya ni Aljur.

Pero totoo ba na may kapalit na si Aljur sa puso ng dalaga?

"No" ang sagot ni Kris at "Lie" ang naging resulta nito.

Paliwanag ni Kris, "Hindi... Si Aljur kasi, siyempre lagi namang nasa puso ko si Aljur. Kasi naging parte talaga ng buhay ko si Aljur."

Nasa puso pa rin ni Kris si Aljur, pero may nadagdag at hindi naman napalitan?

Tulad ng alam ng lahat, balitang ang singer na si Jay Perillo ay espesyal sa buhay ng dalaga ngayon.

Tumawa muna si Kris bago sinabing, "Puwede namang marami kang love, di ba? Isa si Aljur talaga. Mahal ko talaga yun."

Muling mapapanood ang tambalan nina Kris at Aljur sa Spooky Nights Presents The Ringtone ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN