Jackie Rice and non-showbiz boyfriend bond with her family in Boracay during Holy Week

"Mabait, mabait! Parang...ginagawa niya ang lahat para sa akin, nakikita ko yung effort niya. Pumupunta siya sa taping, dumadalaw siya sa bahay namin... Alam mo yung ganun? Mas close pa yata siya sa family ko kesa sa akin!" says Jackie Rice about her non-showbiz boyfriend.


Nagbakasyon sa Boracay si Jackie Rice kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend noong Holy Week.

Bukod sa kanilang dalawa, kasama rin nila ang buong pamilya ni Jackie, kabilang na ang kanyang foreigner na ama.

"Nag-birthday kasi siya [her dad], so parang gift ko na din sa kanya," kuwento ni Jackie sa panayam sa kanya ng Showbiz Central.

Todo-bonding ang boyfriend ni Jackie with her family kaya naman masaya ang StarStruck Season 3 Ultimate Female Survivor.

"Mabait, mabait! Parang...ginagawa niya ang lahat para sa akin, nakikita ko yung effort niya.

"Pumupunta siya sa taping, dumadalaw siya sa bahay namin... Alam mo yung ganun?

"Mas close pa yata siya sa family ko kesa sa akin!" ang tumatawang sabi ng young Kapuso star tungkol sa kanyang boyfriend.

Pero tumanggi si Jackie na sabihin kung ano ang pangalan ng kanyang boyfriend.

SISID. Kasama rin sa mga dahilan ng mga ngiti ni Jackie ngayon ay ang nalalapit na pagsisimula ng pagbibidahan niyang soap opera sa GMA-7—Sisid.

Sinamantala nga ni Jackie ang pagbabakasyon sa Boracay para kahit paano ay makapag-practice sa paglangoy.

"Actually, marunong na ako, so i-enhance ko lang," sabi niya.

"Talagang pinaghirapan ko talaga ’yang paglangoy-langoy na ’yan, from wala talagang alam sa swimming.

"Pinaghirapan ko siya, pinag-aralan ko siya.

"And sa acting, from kontrabida to mabait, di ba? Sobrang best effort talaga ang ginawa ko."

Marami na raw silang eksenang nai-taping for Sisid na mapapanood na sa May 30.

"Marami na kaming nagawa, marami na kaming nagawang madudugo!

"Actually mahirap, pero lahat naman, maganda ang kinalabasan," sabi ni Jackie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN