AJ Perez remained a true and loyal friend till the end

Gerry Perez told the press how his son, AJ Perez, enjoyed his trip to Boracay a week before the accident that killed the young actor. During this trip, AJ also showed how loyal he was to a friend.


Ihahatid na sa kanyang huling hantungan ang young actor na si AJ Perez sa Manila Memorial Park, Parañaque, bukas, April 26.

Pero napakarami niyang magagandang alaala at anekdota na iiwan sa kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

TRIP TO BORACAY. Isa na rito ang kuwento ng ama ni AJ na si Gerry Perez sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Iisang linggo kasi bago naganap ang aksidente ay nagpunta pa ng Boracay ang Kapamilya young actor.

Unang lakad daw yun ni AJ na mga barkada lang ang kasama at hindi ang parents niya. Selebrasyon din daw ito ng graduation niya ng high school sa La Salle Greenhills.

Sinabi ni Daddy Gerry na bumilib siya sa asal ng anak niya sa pagkakataong ’yon dahil hindi raw ito nang-iwan ng kaibigan.

Si AJ raw kasi ang tipo ng anak na hindi niya idi-disappoint ang magulang at gagawin talaga ang best niya.

Kuwento ni Daddy Gerry, na-late daw si AJ sa airport pabalik ng Manila dahil mabagal yung bangka at kailangan pang punuin.

Kasama raw niya ang isang barkada niya dahil nauna ang flight ng iba nilang friends.

Pinagalitan pa nga raw ni Daddy Gerry ang anak dahil baka gusto lang daw nitong ma-extend ang bakasyon niya sa Bora para gumimik.

Ang ginawa raw ni AJ, ipinasa nito ang telepono sa empleyado ng airline para kausapin ng daddy niya at patunayan na hindi siya nagsisinungaling.

Naghintay sila ng next flight. Pero isang bakanteng upuan lang ang available.

"Mag-alibi ka na lang na may ASAP Rocks ka kinabukasan para mauna ka," utos pa raw ni Daddy Gerry kay AJ.

Pero nagpumilit si AJ na hindi niya puwedeng iwanan ang kaibigan niya. Kawawa naman daw ito na nag-iisa.

Ang problema ay halos ubos na ang baon ni AJ. Samantalang ang kasama niya ay 150 pesos na lang ang naiwang pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magbabayad pa sila ulit ng plane tickets kinabukasan at titira pa sila ng hotel para magpalipas ng gabi.

Dinidisiplina rin kasi si AJ ng parents niya pati sa pera kaya ang laman ng ATM niya ay P7,000 lang. Nagkataong Sabado noon at sarado ang bangko para magdeposito ang parents niya.

Nakahanap naman si AJ ng hotel na matutuluyan, pero kailangang magising sila ng 3 AM dahil first flight sila aalis.

Noong nasa airport sila, kulang na naman ang pambayad ng tickets dahil P150 na nga lang ang pera ng kaibigan niya.

Sabi ni Daddy Gerry, magpaalam na lang si AJ na mauna dahil kasya pa naman ang pera nito sa ATM. Pero matigas pa rin daw si AJ sa pagsasabing hindi niya puwedeng iwanan ang kaibigan.

Hanggang sa huling sandali ay nanindigan ang guwapong young actor na kailangang sabay silang uuwi ng kaibigan niya.

Ang ending, nakagawa sila ng paraan dahil may kaibigan silang nasa Caticlan na nautangan kaya nakauwi sila.

Nang binigyan si AJ ng tribute sa kanyang burol sa La Salle Greenhills ay nagsalita ang kaibigang iyon ng young actor tungkol sa pagiging mabuting kaibigan nito.

Sobrang nag-enjoy raw talaga si AJ sa bakasyon niya sa Boracay at gusto pa sana niyang bumalik doon.

CLOSE FRIENDS. Noong nasa Boracay din si AJ ay bigla siyang ipinatawag ng handler niya dahil makakasama pala sana siya sa serye nina Erich Gonzales at Enchong Dee sa ABS-CBN—ang Maria La Del Barrio.

Akala nila ay hindi na matutuloy ang project na yun for AJ. Kukunan sana sila ni Enchong ng eksena, pero dahil biglaan at kasalukuyang nagbabakasyon ang bagets sa Bora kaya hindi ito nakauwi.

Isa si Enchong sa mga ka-close ni AJ sa Gigger Boys, ang all-male group na binuo ng Star Magic at regular na nagpe-perform sa ASAP Rocks.

Iyak nga raw nang iyak si Enchong nang malaman niyang patay na ang kaibigan. Pinapunta pa ng young actor ang mother niya sa burol ni AJ para makiramay dahil nasa Star Magic Tour pa ito sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Enchong, sina Chris Gutierrez, Sam Concepcion, at Dino Imperial ang super close kay AJ.

"Nagulat nga ako dahil marunong na pala siyang magsigarilyo," nakangiting kuwento ni Daddy Gerry.

Nagtawanan na lang nang tanungin siya kung sino sa mga Gigger Boys ang nang-influence kay AJ.

Kuwento pa ni Daddy Gerry, sinabihan niya si AJ na gumawa ng effort at magsipag sa Twitter para i-promote ang kanyang Maalaala Mo Kaya episode na ipapalabas sa April 30.

Biggest role ito ng young actor pagkatapos niyang maging leading man sa seryeng Sabel.

Aware kasi sila na highest-rating ng MMK ang life story ni Jovit Baldivino.

"Hindi ka controversial kaya mag-campaign ka sa Twitter," sabi pa raw ni Daddy Gerry kay AJ.

Ang nakakalungkot nga lang, ipalalabas sa Sabado ang naturang episode na wala na ang young actor.

Hindi naman alintana ni Daddy Gerry kapag binibiro siyang "stage father." Nandiyan lang daw siya para protektahan ang kanyang anak.

INTERVIEW WITH THE PRESS. Noong April 15, Friday—o dalawang araw bago maganap ang sakuna na kumitil sa kanyang buhay—ay nakausap pa ng writer na ito at iba pang entertainment press si AJ at si Daddy Gerry sa birthday party ni Jobert Sucaldito sa Golden Bay Restaurant sa Macapagal Avenue.

Excited si AJ na ikinukuwento ang Maalaala Mo Kaya episode niya sa April 30.

"Almost five days kami nag-taping sa Quezon at Bicol. Panoorin n’yo MMK, eto po ang biggest role ko," sabi pa niya.

Nabanggit din ni AJ na may movie siyang gagawin na kasama sina Kathryn Bernardo at Julia Montes, ang mga bida sa top-rating primetime series na Mara Clara.

"Ibang istorya ito, hindi Mara Clara. Kasama rin namin si Albie Casiño," sambit pa ni AJ.

Napansin naman ng magazine editor na si Julie Bonifacio-Gaspar na malungkot ang hitsura ni AJ nang gabing yun. Pero binati pa rin ng young actor lahat ng nando’n sa table.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-follow pa siya sa Twitter account ng ibang kasama namin sa table.

Napansin pa niya na nagtu-tweet kami sa iPad ng kaganapan sa party ni Jobert.

"Puwede ka pa lang mag-tweet diyan sa iPad," sabi pa ni AJ sa amin.

Sabi naman ng daddy ni AJ, puwede siyang bumili kung gusto niya. Pero sagot ng binata, iPad 2 ang gusto niyang bilhin.

Bumalik pa sa buffet table si AJ para kumuha ulit ng pagkain. Ang dialogue niya, "Bakit ang luto ng Chinese, kakakain mo lang, gutom ka na naman?"

Nagtanong din sila ni Daddy Gerry sa press ng ruta papunta ng Dagupan City.

Nagdadalawang-isip daw kasi sila kung gagamitin na lang ang sasakyan nila o sasakay sa service ng ABS-CBN. Pero nanaig sa kanila ang paniniwalang mas magaan na sumakay sila sa service dahil kabisado nito ang daan papunta ng Dagupan City.

Ang service van ng ito ng ABS-CBN ang gamit na sasakyan nina AJ nang maaksidente sila ng madaling-araw ng April 17, Linggo, sa Moncada, Tarlac.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN