Shalani Soledad on ex-boyfriend President Noynoy Aquino: "We still communicate, we still text each other."

"Since then hanggang ngayon, I believe na-carry over pa rin yung respeto na mayroon kami when it comes to each other’s work, in each other’s interest," says Valenzuela councilor Shalani Soledad about President Noynoy Aquino.


Sa kabila ng pagkaka-link ni Valenzuela City councilor Shalani Soledad kay Willie Revillame, at nauugnay naman sa iba’t ibang babae si President Noynoy Aquino, sinabi ng politician-TV host sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na bukas pa rin ang komunikasyon sa pagitan nila ng dating kasintahan.

"We still communicate, we still text each other," sabi ni Shalani nang makausap namin siya kahapon, April 24, pagkatapos ng guest appearance niya sa Paparazzi—ang showbiz talk show ng TV5.

Tinanong din namin ang konsehala kung nagbigay ba ng payo sa kanya si PNoy sa kontrobersiyang kinakaharap ng Wiling Willie, kung saan co-host siya ni Willie.

Aniya, "Kami naman ni Noynoy, one thing that we have in common is our respect for our work.

"Since then hanggang ngayon, I believe na-carry over pa rin yung respeto na mayroon kami when it comes to each other’s work, in each other’s interest."

Ano naman ang reaksyon niya sa pagkaka-link ng Pangulo sa iba’t ibang babae? Masasabi ba niya na totally ay naka-move on na talaga siya sa naging relasyon nilang dalawa?

"I will rebuke [sic] my right on that issue," nakangiti niyang sagot.

Marami ang naniniwala na kung naka-move on na si Shalani sa breakup nila ni PNoy, isa sa nakatulong ng malaki dito ay ang panunuyo diumano ni Willie sa kanya.

Balitang may pagkaseloso raw ang TV host, paano kaya kung saka-sakaling mauwi sa kasalan ang anumang namamagitan sa kanila at hilingin nito na sa bahay na lang siya at iwan na ang paghu-host? Papayag ba siya?

"Sabi nga nila, love does not demand, so puwedeng i-compromise ’yan, puwedeng pag-usapan. Keep in mind that love never uses, abuses.

"Whoever that person would be, sana maintindihan niya yung line of work ko," sagot niya.

Pero iginiit ni Shalani na walang ibang namamagitan sa kanila ni Willie kundi bilang magkatrabaho at magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula nang masapubliko ang relasyon nila noon ni PNoy at pasukin niya ang hosting, kabi-kabila na ang intrigang ibinabato sa kanya. Aminado si Shalani na nasasaktan siya pag nakikita niyang naaapektuhan na ang kanyang pamilya.

"Nasasaktan din naman ako lalo na pag nasasaktan ang pamilya ko when they hear negative issues. More than me, mas nasasaktan ako pag nakikita ko silang nasasaktan," saad niya.

WILLING WILLIE RETURN. Matunog ang balita na babalik na raw sa ere ang Wiling Willie sa May 7, Sabado. Hindi man makapagbigay ng kumpirmadong date si Shalani ng pagbabalik nila sa ere, siniguro niya na maraming bago ang makikita sa Willing Willie.

"Madami!" sambit niya.

"We’re very proud sa bago naming flooring, LED screen na siya. And thank you to TV 5 management at ibinigay nila yun.

"Fifty percent of our games ire-reformat namin and LED na rin ang marami sa games para mas maging kaabang-abang, at saka para mas mag-enjoy ang ating mga kababayan.

"Basta abangan na lang nila kung kailan uli kami ipapalabas kasi inaayos pa. But everyone is working hard para mas maganda ang maihandog ng Willing Willie pag nagbalik na kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN