Sunshine Dizon on being a new mother: "Sobrang excited, at the same time a little bit scared..."

"He’s very excited. Hindi pa siya masyadong magaling maghawak ng baby, pero he’s trying his best naman," says Sunshine Dizon about husband Timothy Tan’s efforts as a dad.


For the first time pagkatapos niyang manganak ay nagpaunlak ng phone-patch interview si Sunshine Dizon ngayong gabi, April 25, sa showbiz talk show ng GMA News TV Channel 11, ang Tweetbiz Insiders.

Nagsilang ng baby girl si Sunshine Dizon last April 18, 2011 via caesarean section.

Lorraine Isabel ang pangalan ng 6.8 pounds baby ni Sunshine sa kanyang asawang si Timothy Tan.

Matapos i-congratulate si Sunshine ay kaagad tinanong ng Tweetbiz Insiders host na si Tim Yap ang mga detalye sa panganganak nito.

"I gave birth Monday, April 18, at exactly 6:36 in the evening," unang sabi ni Sunshine.

Ano ang feeling na isa na siyang mommy?

"Sobrang excited, at the same time a little bit scared because sometimes when she cries, parang you don’t know what to do.

"But I’m very happy naman because she’s on schedule. Like I know exactly... Like kunwari nag-feed siya ng dalawang beses, automatic magpu-poo siya after noon, parang ganun.

"Hindi naman siya iyakin. She only cries when she’s hungry and pag may poo-poo sa diaper," kuwento ni Sunshine.

REALIZATION. Kakabit daw ng kasiyahang nadarama niya ngayong isa na siyang ganap na ina ay ang realization ng mga naging sakripisyo naman sa kanya ng ina niyang si Mommy Dorothy Laforteza.

"Sobrang masarap. At the same time, na-realize ko yung lahat ng sacrifices ng mom ko for me. Lahat ng ginagawa niya for me.

"Talagang ganung-ganun yung iniisip mo para sa anak mo," sabi niya.

Kumusta naman ang asawa niyang si Timothy?

"He’s very excited. Hindi pa siya masyadong magaling maghawak ng baby, pero he’s trying his best naman."

Kailan ang binyag?

"Siguro after a month or two. I’m just resting lang muna kasi nga C-section."

Kailan naman nila susundan si Baby Lorraine?

"Hindi naman agad-agad. Siguro mga after two years.

"Kasi masyado pa siyang maliit. Tapos baka mawala yung atensyon sa kanya pag nasundan kaagad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Babalik pa rin naman daw si Sunshine sa showbiz. Kailangan lang niyang magpahinga ng ilang buwan pa.

Gusto rin niya munang i-enjoy ang pag-aalaga sa kanyang baby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN