Charice will sing the National Anthem at Manny Pacquiao’s fight against Shane Mosley

Filipino international singing sensation Charice was personally chosen by boxing champ Manny Pacquiao to sing the National Anthem in his fight against American boxer Shane Mosley on May 7.


Ang Pinay international singing sensation na si Charice ang kakanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa laban ni Manny Pacquiao kontra sa American boxer na si Shane Mosley.

Gaganapin ang laban nina Pacquiao at Mosley sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada sa May 7.

Gaya ng mga nauna niyang laban, ang Pambansang Kamao at congressman ng Sarangani Province mismo ang pumili kay Charice upang umawit ng "Lupang Hinirang" sa kanyang muling pagtuntong sa boxing ring.

Ayon sa adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz, kinausap nila si Charice sa Los Angeles tungkol sa pagkanta ng ating Pambansang Awit.

Sabi pa ni Koncz, "excited" na si Charice na kumanta sa harap ng milyun-milyong tagahanga ng boksing mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Dagdag pa niya, malaking karangalan para sa Team Pacquiao ang pagpayag ni Charice na kumanta sa laban ng Pambansang Kamao.

Si Charice, itinuturing na isa sa most promising talents ngayon sa U.S, ay minsan nang nagpahiwatig ng kanyang kagustuhang umawit ng National Anthem sa isa sa mga laban ni Pacquiao.

Sa pamamagitan naman ng kanyang Twitter account ay nagpasalamat ang 17-year-old singer sa pagpili sa kanya ni Pacquiao na umawit sa kanyang laban.

Ani Charice, "Thank you Sir Manny Pacquiao for choosing me to sing the Philippine Nat’l Anthem for your fight. Feel really blessed :)"

Sa kasalukuyan ay nasa U.S. si Charice kung saan abala siya sa kanyang international recording career.

Muli rin siyang mapapanood sa sikat na show sa Amerika na Glee, kung saan ginagampanan niya ang papel ng Filipino exchange student na si Sunshine Corazon.

Sinimulan na rin ni Charice ang shooting para sa Hollywood movie na Here Comes The Boom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN