Cristine Reyes hopes to settle down with Rayver Cruz by the time she reaches 30

Cristine Reyes denies rumors that she and Rayver Cruz are already planning to get married. "Siguro kasi napapansin lang ng mga tao na masaya kami pareho, to the point na iniisip nila na magpapakasal kayo at nagbibiro sila ng gano’n!" she says with a laugh.


"I hope so."

Tugon ni Cristine Reyes nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kung nakikita na niya ba si Rayver Cruz bilang lalaking pakakasalan niya.

Naging maluwag ang dalagang aktres sa pagsagot ng mga katanungan tungkol sa kanila ng kasintahang si Rayver sa press conference ng bago niyang pelikulang Tumbok. Ginanap ito kagabi, April 27, sa City Best Seafood Garden sa Tomas Morato, Quezon City.

Bagamat sabi ni Cristine na sa gulang na 30 niya balak magpakasal, hindi naman niya itinanggi na gusto niya na sila pa rin ni Rayver sa panahong yun.

"Kasi, kung sino ang lalaking karelasyon ko, iniisip ko, siya na. Ayaw ko ng papalit-palit," paliwanag ni Cristine.

Isa pang dahilan, ayon kay Cristine, "Gusto kasi siya ng mommy ko, e. And ang mommy ko, sobrang kumilatis ng lalaki.

"Para sa akin, basta gusto ng mommy ko, okay sa akin."

Gayunman, nilinaw ni Cristine na hindi totoo ang balitang magpapakasal na sila ni Rayver. Hindi pa raw talaga nila naiisip ang mga bagay tungkol dito.

"Siguro kasi napapansin lang ng mga tao na masaya kami pareho, to the point na iniisip nila na magpapakasal kayo at nagbibiro sila ng gano’n," sabi niya.

NOW FRIENDS WITH SARAH. Ilang buwan na ang nakalilipas ay naging mainit ang kontrobersiya sa pagitan ni Cristine at ng dating girlfriend ni Rayver na si Sarah. (CLICK HERE to read related article.)

Pero natuldukan na ito noong nakaraang buwan nang makipagbati si Sarah kay Cristine sa backstage ng ASAP Rocks. (CLICK HERE to read related article.)

Ang pag-aayos ng dalawa ay nagbunga naman ng isang magandang relasyon ng pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang Kapamilya aktres.

Bagamat iwas si Cristine na pag-usapan pa kung kumusta na ang relasyon nila ni Sarah, siniguro naman niya na, "Okay naman. Okay na ang lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi niya rin na nagkausap na sila ng Pop Princess tungkol sa Twitter posts niya noon, na naging sanhi ng kontrobersiya.

Sabi niya, "Pinag-usapan namin ’yan at ine-explain ko naman kung bakit. Alam na niya talaga."

Katulad ni Sarah, nais din ni Cristine na maging pribado na lamang ang pagiging magkaibigan nila ni Sarah.

Natutuwa siya na sa kabila ng nangyari ay nauwi sa bagong maayos na samahan ang nakaraang hidwaan nila.

"Actually, okay naman na kami ngayon, e, magkaibigan na kami.

"Pero before naman, hindi pa ito nangyayari, okay naman din.

"Pero parang mas close ngayon kasi parang mas nakakausap ko na siya.

"Siguro ano, nangyari lang ’yong mga bagay na hindi dapat mangyari. Kaso, hindi na natin mapipigilan ’yon."

Sa mga pangyayaring ito, ayon kay Cristine, natuto na rin siyang pigilin ang sarili sa paglalabas ng anumang negatibong emosyon.

Aniya, "Medyo magkokontrol na ako ng emotions.

"Kokontrolin ko na ang emotion, hindi na ako magpapakita ng sama ng loob.

"’Yon ang tinuturo nila sa akin, e.

"Hindi naman sa nagbabago ng image. It’s more of sana maging peaceful na ang lahat.

"Kasi, ang hirap ng mayroon kang hindi kasundo, mabigat sa loob at mahirap magtrabaho."

ON DENNIS TRILLO. Samantala, hindi naman naiwasan na matanong si Cristine tungkol sa paghihiwalay nina Jennylyn at Dennis Trillo, na dati niyang boyfriend.

"Wala na ’yan. Para sa akin, tapos na," sabi ni Cristine, na tila di na naapektuhan sa anumang balita tungkol sa kanyang dating boyfriend.

Nang subukan ng press na tanungin pa siya tungkol sa mga isyung lumalabas kaugnay ng hiwalayang Jennylyn at Dennis, ito ang naging pahayag ni Cristine:

"Ang off para sa akin na mag-comment about Dennis dahil may kanya-kanya na kaming buhay.

"So, as much as possible, ayaw ko po muna sagutin ang questions about him."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN