Carlo Aquino happy with his current lovelife; talks about ex-girlfriend Angelica Panganiban

"Magna-nine months na po kami. Sa Viva kami nagkakilala. Maalaga siya, matiwala. Basta masaya ako ngayon sa lovelife ko. Basta espesyal siya para sa akin," says Carlo Aquino about girlfriend Kristine Nieto of Eurasia (inset).


Huling napanood sa big screen ang dating child actor na si Carlo Aquino sa 2010 Metro Manila Film Festival entry na Ang Tanging Ina Mo (Last Na ’To) ng Star Cinema.

Ngayon naman, muli siyang mapapanood sa bagong horror movie ng Viva Films na Tumbok, katambal si Cristine Reyes.

"Isa akong police photographer dito, asawa ko si Cristine Reyes.

"Kaya kami napalipat sa tumbok na bahay na ito, kasi pinamana sa akin yung bahay ng dad ko, played by Jao Mapa," paglalarawan ni Carlo sa kanyang role.

Nakausap ng PEP si Carlo sa presscon ng kanyang bagong pelikula sa City Best restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong Miyerkules, April 27.

CRISTINE REYES. Kapansin-pansin na naging very close sila ni Cristine habang ginagawa nila ang Tumbok. Wala bang dapat na pagselosan ang boyfriend ng young actress na si Rayver Cruz?

"Wala, wala naman. Kasi magkaibigan naman kami ni Rayver.

"Actually, bumibisita siya sa set namin. So, hinahayaan ko muna silang dalawa mag-usap.

"Di pag take na, kami naman ni Aa [palayaw ni Cristine] ang magkasama."

Kumusta katrabaho si Cristine?

"It is my first time to work with Cristine," banggit niya.

"Masarap siya katrabaho. Masaya!

"Kain lang kami nang kain pag walang ginagawa. Pag walang take, kanta lang kami nang kanta. Tawanan!

"Saka madaling-madali katrabaho si Aa. She is a very professional actress."

Kung wala bang lovelife si Cristine ngayon, at wala rin siyang lovelife, posible ba na ma-in love siya kay Cristine?

"Oo naman, puwede!" mabilis na sagot ni Carlo.

THE ACTOR. Ilang pelikula na ang nagawa niya mula noong bata pa siya? Ano yung mga hindi niya malilimutang pelikula?

"Almost 20 pelikula na po siguro.

"At sa 20 na yun, ilan sa mga favorite ko yung Bata, Bata Paano Ka Ginawa? at Bagong Buwan, dahil sa pelikulang ito po ay nagkaroon ako ng award."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong ito ng career niya, may minimithi pa ba siyang role na gusto niyang gampanan?

"Hanggang ngayon, hindi ko pa nagagampanan yung role na may dual personality. Gustung-gusto ko yung ganung role. O kaya yung may Parkinson’s [disease]."

Willing ba siyang tumanggap ng sexy role being a mature actor? And how far can he go?

"Okay lang naman, basta maganda yung istorya," sagot niya.

"Butt exposure, puwede rin.

"Yung limitation lang siguro, huwag lang siguro yung kissing with same guy. Di ko siguro kaya yun.

"Bahala na, basta tingnan natin. Kung maganda naman yung script..."

Saang network siya ngayon connected?

"Non-exclusive ako ng TV5, pero I am still with Viva.

"May show po ako dun, yung Utol Kong Hoodlum. Kontrabida po ang papel ko sa teleseryeng ito.

"This is a dream come true for me, kasi matagal ko nang pangarap na maging kontrabida.

"Kadalasan kasi, ako yung inaapi at sinasaktan. This time, ako naman ang mananakit at mang-aaway."

CARLO’S GIRLFRIEND. Kumusta ang lovelife niya?

"Masaya po ako sa lovelife ko ngayon," sagot niya.

"I have non-showbiz/showbiz girlfriend now. She is part ng Eurasia, si Kristine Nieto.

"Magna-nine months na po kami. Sa Viva kami nagkakilala.

"Maalaga siya, matiwala.

"Basta masaya ako ngayon sa lovelife ko. Basta espesyal siya para sa akin."

ANGELICA PANGANIBAN. Alam ng marami na ang first love ni Carlo ay si Angelica Panganiban. Mahigit na anim na taon ang itinagal ng relasyon nila.

Kumusta na sila ngayon? May communication pa ba sila?

"Meron pa naman, sa text, sa chat, sa Twitter.

"Basta kinakumusta ko lang sila ni Derek [Ramsay, Angelica’s boyfriend]. Kung okay lang naman ba sila. Kung masaya ba naman sila."

Ano ang masasabi niya sa mga isyung kinasangkutan noon ni Angelica, kasama na ang pakikipagtalo nito noon sa isang fan sa Twitter dahil kay Phil Younghusband? (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yan kasing si Angelica, ayaw na ayaw niyang nagpapatalo, e. Ever since naman ay ganun na siya, e.

"Marami akong natutunan sa kanya in our six years.

"Pero ’yang si Angelica, kahit pasaway ako nun at pilyo, ipinaglaban ako niyan. Napagod lang siguro siya.

"Yung sa Twitter issue niya, opinyon niya kasi yun, e.

"Saka ano namang masama dun sa sinabi niya? Wala naman akong nakikitang masama dun sa tweet niyang yun.

"Nakita ko kasi yung tweet nung fan, e. Sobra naman kasi yung tweet nung fan na yun.

"Bakit mo naman itu-tweet yun, e, di mo naman kilala yung tao? So I’m just concerned to her bilang kaibigan"

Ano yung mga pagbabagong nakita niya kay Angelica ngayon kumpara noong sila pa?

"Matindi yung paninindigan ni Angelica ngayon. Kung may gusto siyang gawin, talagang gagawin niya yun.

"Dati, nahihinaan pa yun ng loob. Ngayon, mukhang palaban na siya sa mga paninindigan niya."

MAJA SALVADOR. Ano na ang nangyari sa kanila ni Maja Salvador? Naging sila ba?

"Yung kay Maja, siguro nag-grew apart lang. Siguro iba yung gusto niyang tahakin na maturity, iba naman yung gusto kong tahakin na maturity," sabi ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN