Aiko Melendez denies masterminding blind item implying Mayor Patrick Meneses is gay

"Mas masakit po kesa sa sobrang nagulat ako. Kasi, parang sinisisi ko ang sarili ko ngayon na, ’eto ba ang kapalit ng pananahimik ko? Na pagbibintangan n’yo ako? Na aakusahan ako ng isang bagay na hindi ko ginawa?" says Aiko Melendez about ex-boyfriend Mayor Patrick Meneses’s decision to sue her for libel.


Tatlong araw pagkatapos sampahan ng kasong libel ng ex-boyfriend niyang si Mayor Patrick Meneses, nagpaunlak ng interview si Aiko Melendez sa TV host at talent manager niyang si Boy Abunda sa The Buzz kahapon, May 1.

Matatandaang sinampahan ng libel ni Mayor Meneses ng Bulacan, Bulacan si Aiko sa Malolos Regional Trial Court noong Huwebes, April 28, dahil diumano sa paninira ng actress-politician sa dating kasintahan. (CLICK HERE to read related story.)

MORE THAN THREE YEARS. Sinimulan ni Boy Abunda ang interview sa pagtatanong kung kumusta ang naging relasyon nila ni Mayor Meneses, na umabaot ng three and a half years.

"In fairness, our relationship was really good and I thought... In every relationship naman, you always think and hope that it’s forever, and it’s going to be the last.

"Of course, there’s ups and down, but we managed to talk about it," sagot ni Aiko.

Mismong Valentine’s day, February 14, ng taong ito nag-break sina Aiko at Mayor Meneses.

Pero days, weeks, or months before that, may mga indication na ba na may problema sa relasyon nila?

"December of last year, sa sobrang busy niya sa work niya, yung communication that we had before, wasn’t the same anymore.

"And then, come January, medyo padalas na nang padalas ang away namin.

"Come February, Feb 12... I think it was ABS-CBN who covered the concert of Sarah [Geronimo] and Martin [Nievera], we were even there because I was trying to save the relationship.

"And then, that night, I just thought it’s not gonna go anywhere, anymore.

"I told him that, ’I don’t think it’s gonna work.’ So, I told him na, ’Let’s stop it na. It’s not gonna go anywhere.’

"And then he said, ’No, let’s work things out.’

"So, we did," kuwento ng dating konsehala ng Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE BREAKUP. Noong February 14 mismo ay nag-attempt pa raw si Aiko na sorpresahin ang boyfriend, manonood sana sila ng concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum.

Pero sa bahay pa lang daw, nagkaroon na sila ng malalang pagtatalo na isa sa dahilan daw ay ang selos. Wala na raw kasi halos time ang alkalde kay Aiko, at nagbabago na rin daw ang pakikitungo nito sa kanya.

Ayon pa kay Aiko, "And then, our fight became—for the first time—yung sigawan po. Sigawan po talaga kami.

"And then, sabi niya, ’I don’t want this anymore. I want an option.’

"Normally, when we fight, I ask him why. He didn’t want me to give any reason."

Sabi pa ni Aiko, nagkaroon daw sila ng kasunduan ni Mayor Meneses na huwag na lang ilabas sa media ang nangyari at ang naging hiwalayan nila.

Pero nagulat na lang daw siya nang lumabs sa isang radio program na hiwalay na sila.

"It would not definitely come from me. Kasi nga, usapan namin, ayaw kong lumabas po ’to," sabi ng aktres.

Ang hindi ba pagsasalita ni Aiko na hiwalay na sila noon ay may hope pa sa kanya na magkakabalikan pa sila?

"Yung totoo po, Tito Boy? Oo," sagot ni Aiko.

"Kasi, three years is three years.

"Kahit yung huling baraha ko po, tinaya ko kay Patrick, which I never did doon sa dalawang exes ko po na naging tatay ng anak ko."

Ang tinutukoy rito ni Aiko ay ang mga dati niyang asawa na sina Jomari Yllana at Martin Jickain.

"Kay Patrick po, hindi ako nagtira kahit na katiting para sa sarili ko po," sabi pa ni Aiko.

THE LIBEL CASE. Nagulat ba siya nang sampahan siya ng kaso ni Mayor Meneses? Ine-expect niya ba yun?

"Hindi po," tugon ni Aiko.

"Mas masakit po kesa sa sobrang nagulat ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, parang sinisisi ko ang sarili ko ngayon na, ’eto ba ang kapalit ng pananahimik ko?

"Na pagbibintangan n’yo ako? Na aakusahan ako ng isang bagay na hindi ko ginawa?

"Tito Boy, common sense, sino po ba ang unang nagpa-interview? Ako po ba?

"Sino ho ba ang nagpa-interview sa kabilang show [Paparazzi]? Di ba si Patrick?

"Kung hindi naman po siya nagpa-interview, hindi naman malalaman kung ano talaga ang nangyayari sa amin.

"Ngayon, ang ikinasasakit ng loob ko po... Here you go, filing a case against me na libel because you’re accusing me that through a direct message [DM] sa Twitter ay nag-create ako ng script para maibagsak ang pagkatao ni Patrick."

THE ACCUSATION. Inisa-isa ni Aiko ang points kung bakit malabo na siya ang nagsimula ng mga paninira diumano sa dating kasintahan.

Una, alam daw ni Patrick ang kanyang password at email address na ginagamit niya sa Twitter account. Kaya malabo raw niyang gawin yun dahil posibleng malaman ito ni Patrick.

Pangalawa, dahil 140 characters lang ang kaya nilang i-type sa Twitter ay malabo raw na magawa nila ang sinasabing script ng paninira kay Patrick. Limitado na raw para makabuo ng script ng paninira.

Pangatlo, ang sinasabi raw na kaibigan niyang kasabwat niya sa Twitter na si Cesar Gella ay nagtanong lang kung totoong hiwalay na sila ni Patrick, at sinagot lang niya lang daw ito ng "oo." After that, sa telepono na raw sila nag-usap.

Ani Aiko, "Ang sabi nila, nagpakalat daw kami ng email. Yung parang siraan si Patrick.

"Ang pinagseselosan ko po noon ay babae. Bakit ngayon, parang iniisyu, lalaki na?"

Hindi na rin napigil ni Aiko na isiwalat ang nararamdamang sama ng loob sa dating boyfriend.

"Noong iabot pa lang sa kanya ang envelope [sa Paparazzi], in two seconds, hindi pa niya nababasa or naba-browse yung content noon, sinabi na niya na isu-sue niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasaan yung tatlong taon na pinagsamahan po namin? Parang nabale-wala, itinapon lang niya sa bintana?

"Naniwala siya sa isang bagay na wala man lang siyang basehan," mariing sabi ni Aiko.

THE GAY RUMOR. Nanggaling nga ba kay Aiko, o sa kampo niya, ang blind item na diumano’y nagsasabing bakla si Patrick?

"Hindi manggagaling ’yan sa akin," diin ni Aiko.

Bakit kailangang maniwala sa kanya?

"Una po sa lahat, hindi po ba katawa-tawa na malaman ng tao, on national TV, na ipinagpalit po ako sa isang lalaki?

"Hindi po ba kasiraan din po sa akin yun, at ako’y may anak, dalawang anak ko po, na pag-usapan ng ganoon kasiraan?

"Sana naisip ni Patrick, this could be politically motivated also. At hindi ba niya naisip na baka nagamit lang ako ng kalaban niya sa pulitika ngayong hiwalay na kami?"

Yung script na sinasabing nagplano, nag-script, yung roomboy, resort, pagbukas nahuli, na-involve ang kanyang kaibigan, dine-deny ba niya na hindi galing sa kanila ang lahat ng mga ito?

"Yes, I deny it," mabilis na sagot ni Aiko.

"Mata sa mata po, puso sa puso, dine-deny ko po ’yan. Dahil ako, that’s not how I play my games."

Maging ang pagkakaugnay ni Aiko sa reporter na nagsulat daw ng blind item against Patrick ay sinagot ni Aiko.

"I think, it was written by Pete Ampoloquio," banggit niya.

"Ang ini-imply po ni Patrick, bayad ko po si Pete Ampoloquio.

"Tito Boy, I swear [on] my father’s grave, I haven’t spoken, I haven’t talked to Pete Ampoloquio.

"Ang blind item could be anyone. Like I’ve said, blind item is blind item.

"Kapag blind item, hindi ka magre-react kung hindi ka guilty po."

Diretsahang tanong ni Boy kay Aiko: Is Mayor Patrick Meneses gay or not—yes or no?

"No," sagot ni Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Now, it’s coming from my mouth— no.

"I never doubted his gender—no."

SHOW OF SUPPORT. Ano naman ang naging reaction ni Aiko nang makita niyang mahigit 20 mayors ng Bulacan ang kasama ni Patrick nang magsampa ito ng kaso? (CLICK HERE to read related story.)

"Natakot po ako, hindi para sa sarili ko," sagot niya.

"Sila po yung nasa posisyon ngayon. Sa tingin n’yo po ba, kaya kong labanan ang lahat ng mayor na ’yan?

"Tapos ngayon po, may ’persona non grata’ po ako. Wala po akong sinabing pangit sa Bulacan. Wala po akong sinasabing nakakadilim sa imahe ng Bulacan.

"Ito po ay between me and Patrick."

Lalaban ba siya?

"Nasubukan ko na pong tumahimik, pero inapi pa rin ako.

"Dahil sa trauma na ibinibigay po nila sa mga anak ko po, ipaglalaban ko po hanggang sa huling centavo po na meron ako sa bulsa ko po ngayon.

"Kahit ipangutang ko pa po ito, gagawin ko po para lang lumabas ang katotohanan para sa mga anak ko."

Her final message?

"Sana man lang, Patrick, sinasabi mo on national TV na minahal mo ang dalawang anak ko.

"Sana kapag naging tatay ka, maintindihan mo at maramdaman mo na noong nag-file ka ng libel, sana, laban na lang nating dalawa."

Sa kabila ng mga nangyari, umaasa pa rin ba siya that one day, she and Patrick would be friends?

"I hope so. Let’s just hope and pray. I know God is listening to me right now.

"I just hope and pray that Patrick would think and would be enlightened, na sa tatlong taon namin at kalahati na nagsama, kilala niya ang pagkatao ko."

FAILED RELATIONSHIPS. Tatlong failed relationships na ang pinagdaanan ni Aiko. Bagamat sa tatlong yun, madalas niyang sinasabi na kapag pumapasok siya sa isang relasyon, ang nasa isip niya ay pangmatagalan or panghabambuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After all her experiences, takot na ba siyang ma-in love muli?

"Honestly, this is so traumatic," sambit niya.

"But this will never stop me from loving again because I know life is beautiful.

"And I know, siguro kahit maka-strike 10 ako, I know, there’s someone out there really meant for me.

"And siguro, hindi naman po nila dapat isisi sa akin na nagkamali ako ng tatlong beses, e, kasalanan ko na po.

"Aaminin ko po, malamang po, malas lang ako sa pag-ibig."

May sinisisi ba siya? Like she didn’t grow up with her father—the late Jimi Melendez?

"You know, I took up Psychology. Of course, that’s a factor.

"There are things na hinahanap ko sa isang tao. Ang tao kasi, human nature na gusto mong hanapin sa isang tao lang, which is impossible.

"So, kapag may nakikita akong kakulangan sa isang tao, hinahanap ko sa iba. Sa ibang paraan.

"So ngayon, lahat ng ito, the choices that you make, it’s just yourself doing it. Yun ang choices ko po, e."

May time ba na nagalit siya sa kanyang mga magulang because of what happened to them?

"Hindi po, naunawaan ko yun," sabi ni Aiko.

"Kasi po, kung may galit po ako sa sitwasyon nila, e, di sana, nagrebelde po ako."

Saan niya nahugot ang tapang, ang pagiging maayos?

"Sa pagpapalaki po sa akin ng aking ina [Elsie Blardoney]. Kasi po, pinalaki po ako ng nanay ko na may takot sa Diyos, e."

Kung tatanungin siya tungkol sa pag-ibig, ano ang magiging sagot niya?

"Opo, buong-buo pa rin po ang paniniwala ko.

"But this time around, I want myself better than anybody else.

"And my priority would be God, my children, my career, myself.

"Ang lovelife ko ang last priority ko ngayon," sagot ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN