Coney Reyes considers 100 Days To Heaven an "answered prayer"

"Dito sa show na ito, ipapakita natin na kailangang alisin na natin yung poot at galit sa puso natin. Magtulungan na tayo, magmahalan. Tama na yung parang laging may galit, laging may unforgiveness sa puso. This is what 100 Days in Heaven is all about. So I feel so excited," says Coney Reyes about her latest primetime series on ABS-CBN.


Being a devoted Christian, naniniwala si Coney Reyes na isang "answered prayer" ang role niya bilang Anna Manalastas sa bagong primetime series ng ABS-CBN, ang 100 Days in Heaven na magsisimula na sa May 9.

Naniniwala rin si Coney na napapanahon ang tema ng 100 Days in Heaven sa mga nangyayaring pagbabago at mga kalamidad ngayon sa mundo.

Aniya, "I’ve been praying for a show na, ’Lord, yung show na magbibigay ng pag-asa sa tao sa dami ng mga nangyayari sa buong mundo.’

"Nakikita natin na wala na, only God is in control. Wala tayong control sa nangyayari sa mundo.

"Kasi ang mga tao, nadi-discourage, nadi-disillusion, in despair na."

Nakausap ng PEP.ph si Coney sa special screening ng 100 Days To Heaven sa Cinema 7 ng Robinson’s Galleria noong Linggo, May 1.

"Dito sa show na ito," patuloy niya, "ipapakita natin na kailangang alisin na natin yung poot at galit sa puso natin.

"Magtulungan na tayo, magmahalan. Tama na yung parang laging may galit, laging may unforgiveness sa puso.

"This is what 100 Days in Heaven is all about. So, I feel so excited.

"I’m so blessed. I feel so honored to be part of this show, lalo na yung mga kasama ko, ang gagaling!"

XYRIEL MANABAT. All praises din si Coney sa husay na ipinakita ng kanyang co-star sa serye na si Xyriel Manabat, na siyang gumaganap bilang batang Anna.

"Si Xyriel, napapanganga ako kay Xyriel, ang galing-galing niya!" bulalas niya.

"Super-sarap to work with her. It’s like playing around the set.

"Tapos, ang batang-bata niya, pero nakikita mo na love na love niya yung ginagawa niya."

Inilarawan din ni Coney ang roles na ginagampanan nila ni Xyriel sa serye.

"Si Xyriel at ako ay iisa lang—iisang tao lang kami.

"Siya yung maliit. Tapos si Shaina [Magdayao] nung nagdalaga, nung 20s. Tapos nung tumanda, ako na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Something happened, namatay ako. Nabigyan ng pangalawang pagkakataon uli na bumalik para [itama] ang mga naging pagkakamali ko, humingi ng tawad sa mga nasaktan ko—pero bilang si Xyriel."

Sabi pa ni Coney, ang 100 Days To Heaven ay isang serye na dapat abangan ng publiko at subaybayan.

"I’m sure matutuwa kayo, masisiyahan kayo, mai-inspire kayo, makakapulutan ninyo ito ng aral. Kaya sana suportahan ninyo at abangan," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN