Neil Coleta gets major projects in ABS-CBN after appearing in a popular commercial

"Masaya ako na napasama ako sa ganito kalaking teleserye. Na bukod sa bigatin ang mga kasama ko, bigatin din itong ipapalabas sa primetime ng ABS-CBN. Ang sarap, kasi yung mga kasama ko, super close na kami. Pagdating sa set, talagang nandun na yung kulitan," says Neil Coleta about being part of 100 Days To Heaven.


Kasama ang young actor na si Neil Coleta sa bagong primetime series ng ABS-CBN na 100 Days To Heaven.

Pero bago ito ay nakilala siya ng publiko bilang si Nikos sa isang iced tea commercial. Dahil sa series of commercials na ito ay nagkaroon siya ng recall sa maraming manonood.

Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit kinuha siya ng Kapamilya network para mapabilang sa cast ng 100 Days To Heaven, na pinagbibidahan nina Coney Reyes at Xyriel Manabat.

Sa special screening ng ABS-CBN primetime series na ito noong Linggo, May 1, sa Robinson’s Galleria Cinema, ay nakausap ng PEP.ph si Neil.

Ano ang role niya sa 100 Days To Heaven?

"Magkakaibigan po kami nina Smokey [Manaloto] at Jodi Sta. Maria dito. Scammer kami dito na gagawin ang lahat ng kabulastugan para kumita ng pera.

"Pero kami yung tutulong kay Anna [Coney/Xyriel] para sa kanyang misyon bago mag-100 days," paglalarawan ng binata.

Paano niya pinaghandaan ang role niya?

"Nag-workshop ako with Tita Malu Sevilla, yung director po namin dito," sagot ni Neil.

"Every detail nung karakter ko, dumaan sa workshop with my director. Mga apat na sessions po yun. Hanggang ngayon, patuloy po yung workshop namin.

"Pero yung workshop namin, not just dun sa karakter, lahat ng klase ng acting workshops po.

"Marami po kami, kasama ko yung ibang Star Magic artists."

Ano ang pakiramdam na may teleserye na siya?

"Nagulat nga ako na may ganito, e," sambit ni Neil.

"Masaya ako na napasama ako sa ganito kalaking teleserye. Na bukod sa bigatin ang mga kasama ko, bigatin din itong ipapalabas sa primetime ng ABS-CBN.

"Ang sarap, kasi yung mga kasama ko, super close na kami. Pagdating sa set, talagang nandun na yung kulitan.

"Kung ano yung ibinibigay sa aming eksena, ini-enjoy lang namin."

JODI STA. MARIA. Halos lahat ng eksena ni Neil sa 100 Days To Heaven ay si Jodi ang kasama niya. Hindi ba siya kinabahan sa mga eksena nila, lalo na’t isa sa itinuturing na pinakamahusay na batang aktres si Jodi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung una, kasi alam naman natin kung gaano kagaling si Ate Jodi," pag-amin ni Neil.

"Nahihiya ako nung una, pero nung tumagal-tagal ay naging okay na.

"Kasi nag-uusap usap kami about our characters. Sabi niya sa akin, ’Huwag kang mag-alala, tayo ang magkakasama dito sa eksena.’

"Alam mo yung parang nagkaroon na kami ng tandem, na pag nagkatinginan pa lang, alam na namin yung aming gagawin.

"So, pagdating sa eksena namin, lalabas na yung natural. Hindi yung parang ilang kami sa isa’t isa."

TEEN SHOW. Bukod sa 100 Days To Heaven ay may gagawin ding "teen show" si Neil sa ABS-CBN.

"Parang Tabing Ilog style," banggit niya.

"Hindi ko pa po yata puwede i-reveal yung title at kung sino yung makakasama ko rito, e. Pero abangan n’yo na lang po.

"Yung karakter ko rito, kumbaga sa barkada, ako yung masayahin na barkada nila.

"Si Direk Lino Cayetano ang magdidirek ng teen show na ito."

MATTINA. Tinanong din kay Neil ang balitang sila dapat ng kapareha niya sa iced tea commercial na si Coleen "Mattina" Garcia ang magkatambal dito sa 100 Days To Heaven.

"Oo, dapat kami talaga yung partner dito sa 100 Days, saka dun sa bagong teen show namin," pagkumpirma niya.

"Kaso, parang bawal pa yata sa Nestea. Bawal daw kasi parang sabik yung mga nanonood sa commercial.

"Pag pinag-partner kami sa teleserye, parang wala nang twist yung commercial.

"Yun nga, nag-usap kami ni Coleen, kasi big break sa amin pareho ’to, e. Sabi niya sa akin, ’Sige, ikaw sa 100 Days.’

"Pag may pumasok na bagong show uli na kami ipe-pair, ako naman maggi-give up.

"Kaso, nung kunin kami uli pareho dun sa bagong teen show, ako lang ang kinuha at natanggal si Coleen.

"Nahihiya na tuloy ako sa kanya kasi dalawang shows nawala sa kanya. Hindi naman ako puwede tumanggi kasi trabaho yun, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sayang talaga na hindi kami nagkasama.

"Pero para sa akin, okay kami ni Coleen, close ko na siya. Magaan katrabaho.

"Kaso, wala kami magagawa. Nagpaalam na nga kami sa Nestea, wala pang sagot. Di ko alam kung papaano," saad ni Neil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN