Kim Chiu celebrates her 21st birthday in New York

Kapamilya young actress Kim Chiu turned 21 last April 19, and for the first time celebrated her special day in New York.


Noong April 19 ay ipinagdiwang ni Kim Chiu ang kanyang 21st birthday.

Pero kahit wala siya sa Pilipinas noong espesyal na araw na yun, siniguro ng kanyang Star Magic family na masaya ang magiging selebrasyon ni Kim ng kanyang kaarawan.

Kasama si Kim sa Star Magic artists na nagpunta sa US noong nakaraang buwan para sa series of shows nila roon.

Sa kanyang birthday presscon kaninang tanghali, May 3, sa 14th floor ng ELJ Bldg., ikinuwento ni Kim sa PEP.ph at iba pang invited press na ito ang kanyang first time na mag-celebrate ng kaarawan sa New York.

"New York mismo!" bulalas niya.

"E, nagkataon free day namin. Magkakasama kami nila Angelica [Panganiban], ako, ’tsaka si Maja [Salvador]."

Sa tatlong araw nilang pamamasyal sa US, halos gabi-gabi raw ay sine-celebrate nila ang kanyang birthday.

Hindi rin daw mawawala ang pag-blow ng candle matapos nila maghapunan.

"Every night na kumakain kami sa labas, laging may pumapasok na waiter, kumakanta ng ’Happy Birthday’...

"Every night, nagbo-blow ng cake, natutuwa naman kami!"

POST-BIRTHDAY CELEBRATION. Pero kahit sa US nag-celebrate si Kim ng kanyang mismong kaarawan, nagdaos pa rin siya ng post-birthday celebration dito sa Pilipinas.

Una ay ginanap sa kanyang bahay sa Loyola Heights.

"Noong Sunday [May 1], nagkaroon ako ng birthday [party] sa bahay ko," banggit ng young actress.

"Madami naman silang pumunta—sila Maja [Salavador], sila Matteo [Guidicelli], sila Gerald [Anderson]... Tapos, yung ibang taga-Star Magic na handlers."

Bukod sa pagdalo ng kanyang ilang kaibigan sa industriya, nakatanggap din siya ng regalo mula kina Maja at Gerald.

"Si Maja, yung photo booth nung birthday ko. Tapos si Gerald naman, yung salad master na lutuan," banggit ni Kim.

Hindi rin nawala sa plano nito ang mag-celebrate ng kanyang kaarawan sa isang charity institution.

Simula raw nang lumabas siya sa PBB house, tuwing kaarawan niya ay gumagawa siya ng charity work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa taong ito, ang Grace To Be Born Shelter ang napiling puntahan ni Kim.

Sa dami daw ng kanyang pinagpilian na orphanage, ito ang pinaka-hindi nabibigyang pansin at may malaking kakulangan sa supply na ibinibigay para sa mga batang kinakalinga rito.

"Ang dami namin ni-research, parang sila lang yung konti ang supply na nakukuha, tapos konti lang yung bumibisita sa kanila.

"So, parang sabi ko, ito na lang. Kasi parang mas kawawa sila, kasi hindi sila nabibigyan ng opportunity na mabigyan ng mga ganitong gamit, mga gatas.

"Kawawa din naman yung mga bata."

Nang tanungin naman ang dahilan niya sa pagsasagawa ng charity work tuwing kaarawan niya, ito ang naging paliwanag ni Kim:

"Siyempre, hindi lahat ng kinikita ko para sa akin lang. Siyempre meron din part na para sa ibang tao."

Pagkatapos ng presscon kanina ay dumiretso na si Kim sa Grace To Be Born Shelter upang mamahagi ng tulong at kasiyahan sa mga sanggol at batang naroroon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN