Jolina Magdangal and ex-boyfriend Bebong Muñoz bump into each other two years after breakup

Jolina Magdangal and Bebong Muñoz were together for eight years before their breakup in December 2008. The ex-lovers accidentally met each other during a music event last April 27.


Dalawang taon matapos nilang mag-break, muling nagkita ang dating magkasintahan na sina Jolina Magdangal at Bebong Muñoz.

Naganap ang pagkikita ng dalawa noong nakaraang Miyerkules, April 27, sa music video launch ng isang bagong artist, na idinirek ng Kapuso talent na si Bianca King, sa isang bar sa Makati.

Kapwa imbitado sina Jolina at Bebong, at hindi nila inasahan na magkikita sila sa venue ng naturang music event.

Maaalalang tumagal ng eight years ang relasyon ng dalawa. Napabalita pa ngang magpapakasal na sila bago sila naghiwalay noong December 2008. (CLICK HERE to read related story.)

Unang dumating si Jolina at ang kanyang current boyfriend, ang Rivermaya drummer na si Mark Escueta, bandang alas-nuwebe ng gabi.

Alas diyes y medya naman ng gabi nang dumating si Bebong, na naimbitahan ni Champ Lui-Pio, dating vocalist ng bandang Hale at co-producer ng music video.

Nilapitan ni Bebong ang table kung saan nakaupo sina Jolina at Mark.

Binati diumano ni Bebong ang common friends nila ni Jolina, subalit nang makita niya ang kanyang ex-girlfriend, umiwas siya at pumuwesto sa bar area katabi ni Bianca.

Matapos ang ilang oras na pag-iiwasan, umalis na sina Jolina at Mark.

Pero nagpaunlak naman si Jolina ng interview sa Showbiz Central before she left the establishment, at ito ang naging reaksyon niya sa encounter nila ni Bebong:

"Hindi ko alam, hindi ko alam.

"Siguro alam namin kung bakit kami nagpunta dito, di ba, and alam mo naman na maraming mga ano, maraming tao."

Ayon naman kay Bebong, na nakausap ng Showbiz Central staff off-camera, binati raw niya sina Jolina at Mark bago sila umalis.

Pero tumanggi muna siyang magbigay ng interview tungkol sa pagkikita nila ng dating girlfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN