Katrina Halili becomes "human" again: "Hindi na po ako bato. Tao na ako!"

The new Katrina: "...sabi ko nga sa kaibigan ko, kung papipiliin ako ng Katrina dati at saka ngayon—dati, walang scandal—mas pipiliin ko ang sarili ko ngayon, kasi mas mabuting tao... Hindi ako masama, pero wala akong pangarap."


Isang kontrabida muli ang role na ginagampanan ni Katrina Halili sa bagong primetime series ng GMA-7 na Munting Heredera.

Bilang si Lynette, nabuntis siya ng isang doktor pero ipapaako niya kay Mark Anthony Fernandez (bilang Jacob) ang kanyang anak, dahilan upang lalong magkaroon ng kalituhan kung sino nga ba talaga ang "munting heredera."

Masaya si Katrina na nakasama siya sa Munting Heredera ’pagkat muli niyang makakatrabaho ang naging direktor niya sa Magdusa Ka, si Maryo J. de los Reyes.

"Bago ibigay sa akin ’to, siguro mga two weeks or one week, sabi ko kay Ms. Lilybeth Rasonable [AVP for Drama], ’Gusto kong makatrabaho si Direk Maryo, ulit... Gusto ko po siyang makatrabaho ulit.’

"Tapos, nagulat ako, magkasama kami ulit sa shoot. Tapos, sinabi ko sa kanya [Direk Maryo].

"Tapos, sinabi niya, ’Sinabi ko rin, e!’ Sana makatrabaho raw niya ako ulit.

"Masaya po ako," sabi ni Katrina.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Katrina sa grand launch ng Munting Heredera kagabi, May 3, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

A NEW KATRINA. Kapansin-pansin ang pagiging relaxed ni Katrina habang kinakausap siya ng press kagabi.

Malayo sa pagiging reserved at tahimik niya sa mga nakaraan niyang pakikisalamuha sa press.

Paliwanag naman niya, "Hindi naman po sa sinasadya ko na gusto kong lumabas, or gusto ko nang makipag-usap, or gusto kong maging ibang tao.

"Ganoon po siguro lahat, naging ganoon lang. Siguro dahil na rin sa experience, di ba po?

"Di ba, experience is the best teacher?"

Ang tinutukoy na "experience" ni Katrina ay ang kontrobersiyang idinulot ng sex-video scandal nila ng dating nakarelasyon na si Hayden Kho Jr.

Tanong ng PEP: Ano na ang mga pagbabago sa kanya ngayon?

"Hindi na po ako rock. Hindi na po ako bato. Tao na ako!" natatawa niyang sabi.

Dugtong pa ni Katrina, "Sila nga po sa taping, nagugulat sa akin. Kasi, lumalabas na ako. Nakikipagkuwentuhan na ako sa kanilang lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Three years din daw ang itinagal na tahimik lang siya o nagkukulong lang sa kotse niya kapag may taping.

"Hindi ako nagsasalita, naging bato!" tawa niyang muli.

"Kaya nga kapag naiisip ko, ’Huh, three years na pala! Para akong nakatulog nang mahimbing. Teka lang...’"

Ayaw naman nang pag-usapan pa ni Katrina ang tungkol sa kasong isinampa niya kay Hayden, o kung may plano pa ba siyang ituloy ito o ilaban.

THE TURNING POINT. Sa nakalipas na tatlong taon, saang punto niya nasabing okay na siya at hindi na magiging "taong bato"?

"Actually, hindi ko naman po plinanong lahat," sagot ni Katrina.

"Basta, nag-start po yun ng November [2010]. November 18...may date ako, ha!

"Hindi po ako nag-push ng sarili ko, basta bigla na lang akong naging ganoon. Nakikipag-usap na ako.

"Lahat sa taping, alam po nila yun. Ini-invite ko sila sa bahay.

"Hanggang ngayon, makulit nga ako sa taping."

Aniya pa, "Siguro ang nakapagpabago sa buhay ko, experience ko.

"Lahat ng nangyayari sa atin, yun po ang nagtuturo sa atin. Kung bakit tayo nag-iiba, dahil sa nangyayari sa atin, di ba?

"Nakilala ko rin ang sarili ko. Nalaman ko na, ’Bakit gano’n? Bakit hindi ako nakikipag-usap? Bakit hindi ako lumalabas? Bakit ganito?’

"Noong nakilala ko na ang sarili ko, saka parang naging... Dati kasi, tahimik lang.

"Kung kakausapin mo ako, kung ano lang ang tinanong mo, yun lang ang isasagot ko.

"So, siguro, nakilala ko lang ang sarili ko."

Puwede niya kayang ipakilala sa lahat kung ano naman ang naging pagkakakilala niya sa sarili niya?

"Teka lang ha, kikilalanin ko pang mabuti," nakangiting biro niya.

"Ang tapang... Pero ang dating Kat, nagulat din ako.

"Kasi, namulat ako, pumunta ako sa lawyer ko, binasa ko yung case, dyusko, ang dami palang nangyari sa akin noon!

"Hindi ko alam. Parang nawala ako sa sarili ko. Parang nawindang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May third party. Tinanggalan ako ng show. Nawalan ako ng show for six months. Wala akong trabaho.

"Kinaya ko yun? Grabe naman, ang tapang ko naman pala! Nagulat ako.

"Siguro ngayon, parang ang tawag ko ro’n, catch up. Kuma-catch up ako sa mga dati kong hindi ginagawa.

"Ang tawag ko sa atin, para tayong mga ’unfinished puzzle’, di ba? Yung mga hold back natin, yun ang mga pinupulot natin isa-isa para mabuo.

"Hindi ko sinasadyang pinupulot, pero nilalagay ko ng pagkakataon na, ’Ano ba ’yan, hindi ko nga ’to ginagawa dati!’

"Pero the fact na alam mo yun, hindi mo ginagawa, parang binubuo mo lang ang puzzle isa-isa."

NO REGRETS. Tinanong din ng PEP si Katrina kung may regrets ba siya kapag sinasariwa niya ang mga nangyari sa kanya noon.

"Wala po," sagot niya.

"Kasi ako, sabi ko nga sa kaibigan ko, kung papipiliin ako ng Katrina dati at saka ngayon—dati, walang scandal—mas pipiliin ko ang sarili ko ngayon, kasi mas mabuting tao.

"Hindi ko sinabing masama... I mean, bata, e.

"Hindi ako masama, pero wala akong pangarap.

"I mean, kung ano lang meron, meron. Wala, wala. Walang direksiyon.

"Normal naman yun. Lahat tayo ipinanganak dito, wala tayong alam.

"Kailangan natin hanapin kung sino tayo, di ba?" saad niya.

Nakatulong ba ang mga pagbabagong nakikita niya sa kanyang sarili sa kung ano siya ngayon?

"Siguro po, mas focused ako ngayon. Mas gusto ko ang trabaho. Mas gusto kong pagbutihan ang trabaho ko.

"Gusto kong suklian ang mga taong nagtitiwala sa akin, di ba?

"Kasi dati kapag tinanong n’yo ako, wala, okay lang, uuwi na lang ako ng Palawan kung wala akong trabaho.

"Dati kasi, self lang ako. Parang dati—gusto kong mag-boyfriend, gusto ko niyan, gusto ko nito.

"Ngayon, hindi, e. Parang tapos na ako sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ginagawa ko ’to, tinutuloy ko ang buhay ko para sa iba na. Para sa lahat, like yung mga tao.

"Na-realize ko, napabayaan ko ang sarili ko, kawawa naman ang mga taong nagtitiwala sa ’yo. Yung mga kaibigan mo, yung mga fans mo, di ba?

"Parang hinihintay ko pa na, ’Ay, sandali.’

"Kapag tapos ka na sarili mo, hindi mo na iisipin ang sarili mo, ibang tao na."

NOT YET READY. When it comes to relationships naman, ayon kay Katrina, hindi pa siya ready.

"Siguro po, ang masasabi ko, sa lahat po ng nangyari sa akin, yun po ang nabago.

"Kung dati, yung inspiration ko, hinahanap ko sa boyfriend.

"Ngayon, hindi. Mas gusto kong ayusin ang sarili ko na ako lang.

"Tapos, ang inspiration ko—family ko and friends ko.

"Dati, wala akong masyadong time sa mga friends. Kasi, parang [kung ano ang] naisip ko, doon lang ang utak ko.

"Ganoon po talaga ako. Dati akong hindi masalita, lalo na noong may nangyari sa akin, mas lalong hindi ako nakikipag-usap."

Two years na raw siyang loveless.

"Na-discover ko nga po sa sarili ko na hindi ko naman po kailangang hanapin sa ibang tao para ma-inspire ako.

"Puwede kong ayusin ang sarili ko na ma-inspire lang sa buhay ko, di ba? Sa trabaho ko, or sa mga taong nagmamahal sa akin."

Sa mga nangyari sa buhay niya, naging mapili na ba siya ngayon sa paghahanap ng boyfriend?

"Hindi po ako naghahanap ng boyfriend," sabi ni Katrina.

"Na-realize ko na hindi ibibigay sa ’yo ang love hangga’t hindi ka pa tapos sa sarili mo.

"Like, di ba, may mga mag-boyfriend na palaging nag-aaway? Naghihiwalay, ganyan?

"Kaya tayo sinasaktan, kasi meron tayong kailangang gawin sa buhay natin, di ba?

"Alam mo, pilit ka nang pilit do’n sa lalaki, tapos alam mo yun, sinasaktan ka, kasi nilalayo ka, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron kang kailangang gawin, meron kang kailangang ma-realize.

"So, hangga’t hindi ka pa tapos, hindi ka pa ready sa buhay mo, sa gagawin mo, hindi pa ibibigay sa ’yo yun.

"Kung ipipilit ko ang sarili ko, masasaktan lang ako," matalinhagang pahayag ng 25-year-old StarStruck alumna.

Feeling niya, hindi pa talaga siya ready na ma-in love ulit?

"Kasi kapag ready ka na, may kakalabit na lang sa ’yo, nandiyan na.

"Mararamdaman mo naman yun.

"Alam ko ngayon na hindi pa," sagot niya.

This time ba, kung makikipagrelasyon siya, gusto niya na yun na talaga?

"Oo naman po," mabilis na tugon ni Katrina.

"Nag-aaksaya naman ako ng oras kung hindi.

"Tayo nga, huwag daw tayong gagawa ng pang-sarili natin.

"Like ako, magbo-boyfriend ako, bakit? Hindi pa nga ako tapos sa sarili ko, di ba?

"Masasaktan lang ako. Kailangan yung iisipin mo, para sa lahat."

May mga umaaligid naman?

"Wala po...seryoso talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN