Director Maryo J. de los Reyes talks about the cast of Munting Heredera

"Soap with a malinis na pagkakalahad. Straight drama. Hindi siya nagpapaka-pantasya or anything like that. Rebellious nga siya against the formula of soap, e—family story, family-oriented," says director Maryo J. de los Reyes about his latest project with GMA-7, Munting Heredera.


Ilang pelikula at TV shows na ang pinagsamahan ng original Queen of Philippine Movies na si Ms. Gloria Romero at ng batikang direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Kaya marami ang nag-iisip na posibleng si Direk Maryo ang naging tulay upang gumawa ng teleserye sa kauna-unahang pagkakataon si Ms. Gloria sa bakuran ng GMA-7.

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng marami na halos 24 years nang napapanood sa ABS-CBN ang batikang aktres.

Pero ngayong taon ay masisilayan na ng mga Kapuso si Ms. Gloria sa GMA-7. Ito ay sa pamamagitan ng Munting Heredera na si Direk Maryo ang direktor.

Pero paliwanag ni Direk Maryo, "Meron na siyang pahiwatig sa GMA that whenever she will be available... Kasi marami na ang nag-o-offer sa kanya. Tapos, meron din silang informal agreement.

"And when they thought of having this ano... Actually, ang original title is Cassandra until it developed into Munting Heredera.

"And when they [management] said magkakaroon sila ng telenovela with Gloria, sabi nila, ’Can you wait for it?’ Kasi siyempre, tina-timing pa nila.

"’Okay, fine. Who wouldn’t want to do a Gloria Romero [show]?’

"Kasama ko rin siya sa Magnifico, sa Kamoteng Kahoy. Nagkatugma-tugma, nagkataon-taon.

"Siguro, para naman sa GMA, ipagkakatiwala rin nila sa somebody na nakasama na rin niya. Or kumbaga sa ano, mas kumportable na rin siya sa director."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Maryo sa presscon ng Munting Heredera noong Martes ng gabi, May 3, sa Studio 7 ng GMA Network Center.


STRAIGHT DRAMA. Paano ide-describe ni Direk Maryo ang bago niyang teleserye?

"Soap with a malinis na pagkakalahad. Straight drama.

"Hindi siya nagpapaka-pantasya or anything like that.

"Rebellious nga siya against the formula of soap, e—family story, family-oriented.

"There’s an old woman na, ’Who can take over? Parang, sino sa mga pamangkin ko? E, wala namang maiiwan dito kung hindi mga kamag-anak ko.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito yung inaano niya, yung apo niya, si Mark [Anthony Fernandez], hinahanap niya...

"In so doing, you see a love story na a man who’s looking for a true love and a woman who’s supposedly na meron...may kanya-kanyang story."

Ang tatlong munting heredera sa serye na sina Kyle Ocampo, Barbara Miguel, at Mona Louise Rey ay pawang nakuha through audition. Isa raw si Direk Maryo sa pumili sa kanila.

Kuwento niya, "Minsan nga sa mga auditon, I felt I was torturing the children.

"Siyempre, you have to ask them to emote, make them cry—the acrobatic of performances. Parang guilty ka na you abuse them in a way.

"Kaya lang, that’s part of the training. That’s part of the thing that they want to join in.

"Then, nag-standout yung tatlo.

"So, ibig sabihin, nag-shortlist kami hanggang from hundreds, naging ten, naging five, at hanggang sa dalawang natira. Ginawa na naming support."


MARK, MISSING IN ACTION. Marami naman ang nagtaka kung bakit wala sa press conference ng Munting Heredera ang male lead ng show na si Mark Anthony Fernandez.

Kaya hindi tuloy naiwasang itanong kay Direk Maryo kung kumusta bang katrabaho ngayon ang aktor.

"Alam mo si Mark, may pinagsamahan kasi kami. At naiintindihan ko yung work niya.

"At the same time, he’s a character himself. At the same time, siguro meron kaming respeto sa isa’t isa that he respects me because I understand him.

"So, when other people find him crazy, I find him okay. Because other people cannot understand the kind of personality that he has.

"So, like for example, he can be this way to you. But when he turns to the right, he’s a different person."

"Sinasakyan" lang ba ni Direk Maryo si Mark?

"Sinasakyan, and at the same time, naiintindihan ko siya," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakita ko noong bata pa siya—mula noong Guwapings, Laklak...

"At saka yung experiences niya from separation, to drugs, to all of this heartache, his father, his mother... My god, they have this dysfunctional family!"

Bilang direktor, meron daw siyang nae-encounter na problema kay Mark pagdating sa trabaho kahit noon pa.

"Sa Little Star pa, biglang hindi siya nagpakita. Tulad ngayon. Pero, naiintindihan ko naman.

"Si Mark kasi, may sakit ’yan. Minsan sinusumpong siya.

"Galing siya sa taping ng I ♥You Pare. Hindi naman sa tinatamad siya, kung hindi napapagod siya.

"Pero kapag nag-uusap naman kami, sinasabi ko sa kanya ang totoo."

Napi-feel ba niya na may takot naman sa kanya si Mark?

"Oo. Kasi minsan, tulad noong sinabi sa Little Star, sabi nawawala siya.

"Pero sabi ko, ’Hindi, huwag n’yo siyang aalisin. Ako ang mag-aano niyan, iku-cure ko ’yan.’

"Sabi nga niya, ’May future pa ba ako?’

"Sabi ko, ’Oo. Mag-ayos ka lang.’"

Tinanong ng PEP si Direk Maryo kung sa palagay niya ay may nararamdaman pa ring insecurities si Mark.

"Oo, lahat naman ng artista meron," sagot niya.

"Ang artista, it’s either they are living on the past, or they are insecure over the future.

"Kasi, you’re living on the past na, ’sikat ako dati.’ Yung mga ganoon, di ba?"

Si Mark, ayon kay Direk Maryo, ay may "fear of the future."

"Ang payo ko sa kanya, steady lang siya.

"Mas composed siya with the family. Mas secure siya ngayon na may inuuwian, may trabaho.

"Kasi, kapag wala naman siyang trabaho, naghahanap din siya.

"At saka, iba ang level namin. We go into literature. He’s fond of books.

"He gives me books and we relate on that level na ’Nabasa mo ba?’ ’Nabasa ko.’

"He loves oracles, he loves quotations, he loves mga philosophy. He talks about that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He’s deep, and it’s the side of Mark na hindi kilala ng tao. Akala nila nonsense.

"But, for me, he’s someone with sense. He talks about literature.

"Meron bang nakakapagsalita ng mga Shakespearean verses?"

KATRINA HALILI. Bukod kay Mark, ang isa pang cast member ng Munting Heredera that Direk Maryo is very fond of is Katrina Halili.

"Si Katrina, isa pa ’yan na mahal ko rin ’yan. Magdusa Ka pa.

"Hindi namin alam na ni-request namin ang isa’t isa [for Munting Heredera]."

May nakita na ba siyang changes ngayon kay Katrina?

"Mas relaxed na siya ngayon. Hindi na siya stressed out.

"Kumbaga, yung trauma niya, recovery process... I think, this is one way of giving her confidence again because sayang din naman yung mga artista.

"Ang ibig kong sabihin, ang media, let’s face it, kung anu-anong critics. They can go out as far as humiliation and embarrassment.

"But this is life. Parang tayo rin ’yan.

"It just so happen na nandoon tayo sa likod and they are the ones in front.

"And I feel, you know, ang approach sa kanya should be more on a human level.

"Hindi dahil artista siya. On the level kayo, friend.

"I’m also her director, she also listens to me.

"Sabi ko sa kanya, ’Ituloy mo ang coffee table book mo. Ano ’yan, these are all creative processes na makaka-divert sa ’yo. At past is past, you have to move on. Gawa ka ng ibang proyekto.’

"Sinasabi ko sa kanya, huwag siyang titigil sa ganyan.

"Unang-una, magka-katawan ka ng ganyan.

"Pangalawa, puwede naman siyang umarte. Nasubukan ko naman sa Magdusa Ka. Nakapag-compete pa kami abroad, nanalo pa, na-nominate.

"So, for me, meron siyang talent na hindi dapat pakawalan.

"So, higit sa lahat, ang makakaintindi sa kanila—tayo. Kasi, kasama natin, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AIKO MELENDEZ. Nabanggit din ni Direk Maryo ang isyu ngayon na kinasasangkutan ng isa pa niyang "anak" na si Aiko Melendez. Ito ay may kinalaman sa kasong isinampa ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

"Ako, anak ko rin si Aiko. I can understand also about what is happening, but that’s personal.

"And at the same time, if you are on the side of Aiko rin naman, you can also understand yung ating kalandian. Kung anu-ano ang pinagsasabi natin.

"Maaaring hindi totoo, maaaring biro, pero tayo-tayo ang nakakaintindi kasi language natin ’yan, e.

"Family ito, e. Itong industry natin, hindi naman katulad ng industry abroad na ang laki-laki, like Hollywood.

"They don’t know what’s happening in L.A., in New York.

"But for us, it’s just a small industry. As a matter of fact, you bump into each other almost every day. Whether at work or at play."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN