Camille Prats astonished by her lead role in Munting Heredera; does not mind being second choice for the role

"It really doesn’t matter kahit pang-sampung choice pa ako. At least sa character na ito, naisip pa din nila ako at ang pangalan ko na mag-play ng role na ito. It’s not really a big deal kung pang-ilan ka. What’s important is ako yung nakuha at ako yung gumaganap," says Camille Prats about being the second choice to play Sandra/Susan in Munting Heredera.


Pagkatapos niyang gumanap bilang kontrabida sa highly-successful early primetime series na Bantatay, isang lead role ang ibinigay ng GMA-7 sa dating child star na si Camille Prats.

Ito ay sa bagong primetime series na Munting Heredera. Gagampanan niya rito ang papel ni Sandra/Susan, ang ina ng nawawalang tunay na heredera.

Hindi nga raw inaasahan ni Camille na ganun kalaki pala ang role na gagampanan niya sa teleseryeng ito ng Kapuso network.

"I wasn’t really aware of it. So, nabigla lang po ako and the same time, very happy and very excited na I’m back doing drama again," sabi ni Camille.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang dating child star sa grand launch ng Munting Heredera noong Martes ng gabi, May 3, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Ang huling lead role na ginampanan ni Camille ay sa afternoon soap na Gaano Kadalas ang Minsan? noong 2008. Dito ay ginampanan niya ang role na unang ginampanan ni Vilma Santos sa 1982 film.

"But it was way back 2008, right after I gave birth," banggit niya.

"Tapos, for two years po, I was doing a lot of things din. Hindi rin ako ganun ka-active in showbiz.

"So, this is most likely my comeback in drama.

"So, siyempre, I’m very honored and very excited, and at the same time kinakabahan sa pressure na nakapatong sa amin."

Aminado naman si Camille na hindi siya ang original choice na gumanap bilang Sandra/Susan sa Munting Heredera.

Ang first choice na si Carmina Villarroel ay nag-back out dahil sa dami ng ginagawa nito.

Ani Camille, "What I heard po is that it was first offered to Ms. Carmina Villarroel.

"I think she’s too busy doing other things also so she couldn’t really do a soap opera.

"Then it was offered to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, I heard about that kasi may nagkuwento na din sa akin.

"At para sa akin, it really doesn’t matter kahit pang-sampung choice pa ako.

"At least sa character na ito, naisip pa din nila ako at ang pangalan ko na mag-play ng role na ito."

Dagdag niya sa PEP, "It’s not really a big deal kung pang-ilan ka. What’s important is ako yung nakuha at ako yung gumaganap."

WORKING WITH CHILD STARS. Dahil nagsimula rin bilang isang child actress si Camille, nakaka-relate siya sa tatlong batang tampok sa Munting Heredera—sina Mona Louise Rey, Kyle Ocampo, at Barbara Miguel.

Naaalala pa nga ni Camille na minsan ay gumanap siya bilang si Sarah, ang Munting Prinsesa. Ngayon ay mga "Munting Heredera" naman ang mga kasama niya.

"Siguro, it was just a coincidence, if I may say," sambit niya.

"Kasi, dahil sa nagsimula din ako as a child star, I somehow know how they feel, e, kung paano sila magtrabaho.

"So siguro, ako po, ang maganda lang dito is that I help them with everything that they do.

"Kasi sometimes, at their age, hindi nila ma-distinguish kung ano yung totoo sa acting. So I explain it to them.

"Siyempre, medyo matagal bago nila maintindihan, pero alam ko kasi.

"Maski si Kuya Dick [Roderick Paulate] nga, pag nagkukuwentuhan kami, alam namin kung ano pinanggagalingan nila, di ba?

"So, it’s a matter of supporting each other, di ba, especially we have three herederas.

"Kasi, they’re very young. May six years old, may five years old, may seven years old. So, napakababata po talaga."

Si Camille ay nagsimulang mag-artista noong seven years old siya. Kaya alam daw niya kung ano ang conflicts na pinagdadaanan ng mga kasama nilang child stars.

"Yes po, I did.

"But kasi, yun nga lang po kasi, tinatanong nga po ako ng parents nila kung pag-aartistahin ko daw ba yung anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sabi ko, ’Naku, mommy, baka hindi po.’

"Tapos sabi niya, ’Bakit naman?’

"Sabi ko, ’Kasi nakita ko kung gaano nahirapan yung nanay ko nung nag-aartista ako, na talagang iniiyakan niya lahat.

"Andiyan yung may nakaaway na siyang direktor, galit na sa kanya lahat ng mga tao, na kesyo ayaw na akong kunin... I know now how she feels.

"Kaya lang, wala lang siya nagawa kasi gusto ko talaga mag-artista.

"Kasi, nagwawala po ako pag hindi ako mag-o-audition, or hindi ako sasali.

"So, you know, I know how she felt, and siguro mahirap din.

"Well, ngayon naman po, ang GMA, especially Direk Maryo [J. de los Reyes], talagang ano kami, pagdating sa mga bata—if they need to take a rest, if they need to take a nap, they need to go home early, lahat yun binibigay sa kanila.

"So it’s just wonderful na ganun yung sistema natin," saad ni Camille sa PEP.

Hindi naman ba sila nahirapan in dealing with the children?

"No, not at all. Ito pong si Mona, sobrang bait niyan, sobrang biba!" papuri ni Camille sa baguhang child star, na katabi lang niya habang kausap namin siya.

Si Camille at ang kanyang mister na si Anthony Linsangan ay may isa nang anak, si Nathan.

MARK ANTHONY. Ang kapareha ni Camille dito sa Munting Heredera ay si Mark Anthony Fernandez.

Kumusta ang working relationship nila ni Mark?

"Kami naman ni Mark, okay naman. First time namin to work with each other," sagot ni Camille.

"Nung nakilala ko kasi si Mark, I think I was eight or nine years old.

"I used to work with Ate Claudine [Barretto], di ba, kasi nung Oki Doki Dok? So, I would see him a lot."

Si Mark ay naging boyfriend noon ni Claudine.

"So, parang kuya-kuya, tapos fan na fan ako ng Guwapings! Nakipila din ako nung time na pinalabas yung pelikula nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So now, I’m being paired off with him. So siyempre, parang nahihiya din.

"Nahihiya ako and, at the same time, nahihiya ako to work with him.

"Kasi alam naman po natin kung gaano siya kahusay bilang isang artista.

"’Tsaka nung nakatrabaho ko siya, ang gaan, tawa lang kami nang tawa.

"Ang gusto lang naman ni Mark, simple lang.

"Gusto niya lang may kakuwentuhan siya at may ginagawa siya. Kumbaga, he doesn’t want to be bored."

SCHOOL OWNER. Bukod sa pagiging aktres ay abala pa rin si Camille bilang administrator ng kanyang sariling pre-school, ang Divine Angels Montessori sa Cainta, Rizal.

"Actually, yung bakasyon yung pinaka-busiest time namin coz we’re preparing for the coming school year.

"And this is when we entertain a lot of inquiries na mag-e-enroll sa amin , o ito yung busiest time," banggit niya.

Hindi ba siya nahihirapan na hatiin ang kanyang oras sa pag-aartista at pagma-manage ng kanyang eskuwelahan, bukod pa sa pagiging isang ina at asawa?

"Tapings is every other day. Tapos, if I finish early, or even if I don’t, I go to the office.

"Kasi I have to be there hanggang 12 noon, and then I come home at lunch time to spend quality time with my family naman," sabi ni Camille.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN