Kim Chiu visits abandoned babies as part of her post-birthday celebration

"Mas malapit loob ko sa mga babies kesa sa mga cancer patients, kasi alam ko rin yung pakiramdam nung walang nag-aalaga. Walang totoong care ng mga tunay na magulang," says Kim Chiu.


Kitang-kita ang kasiyahan ni Kim Chiu sa blessings na dumarating sa kanyang showbiz career ngayon.

Kaya naman bilang bahagi ng kanyang post-birthday celebration ay pinili niyang makapiling ang mga sanggol na nasa pangangalaga ng Grace To Be Born sa Pasig City.

Ang mga sanggol na ito ay inabandona ng kanilang mga magulang pagkasilang pa lang sa kanila.

Binisita ni Kim ang mga sanggol sa nasabing institusyon noon Martes, May 2, pagkatapos ng birthday presscon na ibinigay sa kanya ng Star Magic.

Taun-taon ay ginagawa ni Kim ang mga ganitong charitable acts bilang parte ng kanyang birthday celebration.

Nagdiwang ng kanyang 21st birthday si Kim noong April 19.

ABANDONED CHILDREN. Last year daw ay sa Fabella Hospital siya nagbigay ng tulong at ngayon naman ay sa Grace To Be Born.

"Parang ang saya sa pakiramdam kasi ng makatulong sa kapwa," sambit ni Kim nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"’Saka ako yung successful, ako yung nagkaroon ng magandang buhay.

"Di ba, maganda namang i-share ko rin naman sa iba yung mga blessing na natatanggap ko sa mga nangangailangan?"

Ano ang mga ibinigay niyang tulong sa mga sanggol sa Grace To Be Born?

"Ayan, nagbigay ako ng ilang goods.

"Tapos, nung binisita ko nga sila sa loob, mukhang kulang pa ’yang binigay ko, dami pala nila dito.

"Pero nangako ako sa kanila na babalik ako rito para bigyan ko pa sila ng mga kailangan nila."

Ipinaliwanag naman ni Kim kung bakit mga bata o sanggol ang kadalasan niyang binibigyan ng tulong.

"Noong last year, sa Fabella Hospital ako nagpunta.

"Yung kulang sa incubator, yung mga batang namamatay dahil kulang sa buwan, kulang sa incubator, kulang sa pag-aalaga.

"Yung namamatay sila nang ganun-ganun na lang. Kaya sila yung naisipan kong bigyan ng tulong.

"Pero itong mga baby dito sa Grace To Be Born, mas nakakaawa dahil tinatatapon lang sila ng mga magulang nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba, ang sarap-sarap ng feeling na magkaroon ng baby?

"Pero sila, matapos nilang i-enjoy ang pagiging magdyowa nila, bigla na lang nila iiwan yung baby nila.

"Ayun! Sayang! Kawawa naman sila."

Pagpapatuloy niya, "Parang ako, wala rin naman akong magulang. Lola ko lang ang nagpalaki sa akin.

"Kaya siguro mas malapit yung loob ko sa kanila. ’Saka mas nakaka-relate ako sa mga babies.

"Mas malapit loob ko sa mga babies kesa sa mga cancer patients, kasi alam ko rin yung pakiramdam nung walang nag-aalaga. Walang totoong care ng mga tunay na magulang."

May balak ba siyang mag-ampon ng sanggol mula sa Grace To Be Born?

"Ampon? Naku, wala pa sa isip ko yun!" tila nagulat niyang sagot.

"Sinabi nga sa akin kanina nung caretaker dito sa Grace To Be Born, ’Gusto mo bang mag-adopt ng isa rito, pili ka lang.’

"Sabi ko sa kanila, ’Naku, sister, di pa po ako ready mag-ampon. Bata pa po ako. Hayaan n’yo po, pag-iisipan ko.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN