Kathryn Bernardo’s character in Mara Clara begins to fight back

"Siyempre po, sobrang saya ko at naming lahat na nasa Mara Clara, kasi hanggang ngayon ay patuloy ang walang-sawang pagsuporta ng mga tao sa amin gabi-gabi. Sana po hanggang sa dulo ay samahan nila kami dahil pinapaganda at ginagawa namin ito lahat para sa kanila," says Kathryn Bernardo.


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Mara Clara star na si Kathryn Bernardo last Sunday, May 1.

Isa siya sa Kapamilya stars na sumuporta sa special screening ng bagong primetime series ng ABS-CBN, ang 100 Days to Heaven, sa Cinema 7 ng Robinsons Galleria.

Manghang-mangha ang teen actress sa acting na ipinakita ng child star na si Xyriel Manabat sa serye.

"Ang galing-galing ni Xyriel at natatawa ako sa kanya kapag pinapanood ko.

"Effective talaga si Xyriel dito, para siyang batang matanda. Lalo na kapag sinasabi niya yung ’kuha mo!’" sabi ni Kathryn, na ginaya pa ang dialogue ni Xyriel.

MARA FIGHTS BACK. Tungkol naman sa pinagbibidahan niyang teleserye, Mara Clara, maraming manonood ang natutuwa dahil nagiging palaban na ang karakter niyang si Mara.

Napanood na nga this week ang pakikipagsampalan at sabunutan niya kay Clara (Julia Montes).

"Marami pa pong highlights na mangyayari rito, so kailangan nilang abangan talaga gabi-gabi. Dahil maraming twists na mangyayari po talaga," sabi pa niya.

Makakabawi at makakaganti na ba siya kay Clara?

"Iyon po ang dapat nilang abangan, kung paano mas magiging palaban si Mara at kung ano ang mga pangyayari sa amin ni Julia. Pati yung mga pasabog sa Mara Clara," sagot ni Kathryn.

THE SUCCESS OF MARA CLARA. Nagpahayag din ng labis na kagalakan ang 15-year-old young actress sa dami ng tumatangkilik sa kanilang drama series na Mara Clara. Patuloy kasi ang pangunguna nito sa ratings.

"Siyempre po, sobrang saya ko at naming lahat na nasa Mara Clara, kasi hanggang ngayon ay patuloy ang walang-sawang pagsuporta ng mga tao sa amin gabi-gabi.

"Sana po hanggang sa dulo ay samahan nila kami dahil pinapaganda at ginagawa namin ito lahat para sa kanila," nakangiting saad niya.

Ano sa palagay niya ang sikreto ng Mara Clara at nag-click ito sa publiko?

"Siguro kasi po, pang-masa talaga iyong story niya. At saka nakatulong yung hatid nitong moral values sa mga bata, pati na rin po sa matatanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun po siguro," sagot ni Kathryn.

Nilinaw naman ng teen actress na wala silang gagawing movie version ng Mara Clara. Ibang project daw ang nakatakdang pagsasamahan ng kanilang grupo sa seryeng ito.

"Hindi po siya Mara Clara The Movie, ibang movie po siya.

"Pero ngayon po, wala pa po. Hindi pa namin alam kung kailan siya mag-i-start," sabi niya.

LOVE TRIANGLE. Ano naman ang masasabi niya sa kanyang karakter sa Mara Clara na pinag-aagawan ng dalawang lalaki—si Albie Casiño (as Christian), at ang anak ni Cesar Montano kay Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga (as Derrick)

"Siyempre po, nakakatuwa. Kasi yung mga tao talaga, naniniwala sila sa ganoon.

"Pero okay naman po, kasi sinusuportahan ng mga tao kahit na sino yung partner ko.

"Nakakatuwa nga po kapag nalalaman kong kinikilig ang ibang fans, lalo na yung mga teenagers," nakangiting sabi ni Kathryn.

Pero in real life ba, pinag-aagawan din siya ng mga nanliligaw sa kanya?

"Hindi naman po!" tawa ng dalagita.

"Bawal pa, e. Hindi pa po talaga puwede. Bata pa po ako, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN