Katrina Halili denies storming Kris Lawrence’s house

"Kasi dati po, priority ko maghanap ng boyfriend, e. Pero ngayon, tama na, stop na. Ang haba ng panahon na yun, ’no! So, siguro magparamdam naman ako sa pamilya ko at sa kaibigan ko," says Katrina Halili.


Walang inamin si Katrina Halili sa mga isyung ibinato sa kanya nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong GMA-7 primetime series na Munting Heredera noong Martes, May 3.

Mariin niyang itinatanggi ang napabalitang nagkabalikan sila noon ng singer na si Kris Lawrence kaya nakikita sila minsan na magkasamang lumalabas.

"Hindi po! Kasi, ang sarili ko muna ang priority ko. Ayusin ko muna ang sarili ko," sabi niya.

Dagdag pa ng seksing aktres, "Kasi po, pag na-inspire ako, hindi ko na magagawa ang trabaho ko.

"Iba sa akin, e. Hindi ako marunong magtimbang.

"Kailangan ayusin ko muna ang sarili ko, di ba?

BLIND ITEM. Idinenay rin ni Katrina ang lumabas na blind item—na obvious na siya ang tinutukoy—tungkol sa pagsugod daw nito sa bahay ni Kris at pagbuhos daw nito ng Whey protein sa kotse ng singer.

Ayon sa blind item, ito raw ay dahil sa nakita ni Katrina na may katabing babae si Kris nang nakikipag-inuman sa ilang kaibigan.

"Grabe naman, brutal? Hindi! Wala po. Ayaw ni Tatay Rommel!" sabi niya, na ang tinutukoy ay ang manager niyang si Rommel Gacho.

Pagkatapos daw ng matinding iskandalong pinagdaanan niya—ang sex-video scandal nila ni Hayden Kho Jr.—napagtanto raw ni Katrina na mabuting mag-focus muna siya sa kanyang sarili, sa trabaho, sa pamilya, at mga malalapit na kaibigan na laging nakasuporta sa kanya.

Pero aminado naman si Katrina na si Kris pa rin ang lalaking pinakamalapit sa kanya. Pero hanggang friends na lang daw talaga.

Ayon kay Katrina, "Hindi naman kailangang may boyfriend para ma-inspire ka.

"Hindi ka ba puwedeng ma-inspire sa buhay mo dahil gusto mo at maging maayos ka?

"Kailangan ba ng isang lalaki para maging maayos ka?

"Basta priority ko ang sarili ko ngayon, ang trabaho ko, family ko, friends ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi dati po, priority ko maghanap ng boyfriend, e. Pero ngayon, tama na, stop na.

"Ang haba ng panahon na yun, ’no!

"So, siguro magparamdam naman ako sa pamilya ko at sa kaibigan ko."

FHM’S SEXIEST. Malaki rin ang pasasalamat ni Katrina dahil nandiyan pa rin daw ang mga supporter niya na patuloy na sumusubaybay sa kanya.

Kaya nagulat siyang kasali na naman siya sa Top 10 ng FHM’s Sexiest Pinay.

Patuloy pa rin ang botohan at natutuwa siya dahil hindi naman siya nalalaglag sa Top 10.

BEAUTY SECRETS. Kahit walang boyfriend, hindi puwedeng mawala ang mga gamit pampaganda at pang-maintain sa kaseksihan ni Katrina.

Kailangan lagi niya itong dala-dala.

Dati, kahit saan siya magpunta, bitbit ni Katrina ang mga apparatus na ginagamit niya pampapayat.

Pero ngayon ay nakabili na raw siya ng portable na gamit, gaya nitong Humony na dala-dala niya kahit sa taping.

Kahit marami raw siyang nakakain, nagagamit niya ito para pampatunaw at pati na rin daw pampaputi at anti-ageing.

"Nag-fruit diet pa rin po ako. Pero kumpleto na po ako sa gamit, na dinadala ko ang iba.

"Nakikita nila ako minsan sa taping na ginagamit ko yun!" natatawa niyang kuwento.

"After sa nangyari sa akin, mas priority ko ang sarili ko ngayon.

"Ayusin ko muna ang sarili ko, physically at emotionally," sabi ng aktres na sinasabing mabait ng mga nakakakilala sa kanya sa industriya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN