Aga Muhlach applauds leading lady Angel Locsin’s passion for acting

"Ang maganda sa kanila, alam mo, dumarating sila sa set at mahal nila ang ginagawa nila. ’Yon ang napakalaking bagay. Napakasarap makatrabaho ang tao na ’yon, ’yong mahal nila ang trabaho nila. Hindi sila naghahabol para sa pera. Mahal nila ang trabaho nila. Gusto nilang matuto kahit masigawan sila," says Aga Muhlach about Angel Locsin and other young stars who show passion for their job as actors.


Wala halos maipintas ang award-winning actor na si Aga Muhlach sa young actress na si Angel Locisn, na kapareha niya sa bagong Star Cinema offering na In the Name of Love.

Hinahangaan din ng matinee idol ang dedikasyon ni Angel dahil sa nagagawa niyang pagsabayin ang paggawa ng pelikula nila at ang katatapos pa lamang nitong teleserye na Imortal.

"Hindi siya natutulog. Parang aswang nga ito!" biro pa ni Aga sa press conference ng pelikula kaninang hapon, May 5, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Dagdag pa ni Aga, "Minsan sinasabi ko sa kanya, ’Mapagod ka naman nang magkapagpahinga naman tayo.’ Parang may gano’n.

"’Hindi ka ba magkakasakit? Hindi ka ba mapapagod? Hindi ka ba magagalit?’ Wala, e."

Nagustuhan din ng dating Bagets star ang pagmamahal ni Angel—at ng kasama nila sa pelikula na si Jake Cuenca—sa trabaho.

Hindi niya umano ito nakikita sa ibang aktor na kasing-edad niya.

"Ang maganda sa kanila, alam mo, dumarating sila sa set at mahal nila ang ginagawa nila. ’Yon ang napakalaking bagay.

"Napakasarap makatrabaho ang tao na ’yon, ’yong mahal nila ang trabaho nila.

"Hindi sila naghahabol para sa pera.

"Mahal nila ang trabaho nila.

"Gusto nilang matuto kahit masigawan sila."

WORKING WITH YOUNGER ACTRESS. Sa pelikulang ito, may "intimate scene" sina Aga at Angel.

Wala naman naging ilangan sa pagitan ng dalawa nang gawin ang eksenang ito dahil pinag-usapan muna raw nila, kasama ang direktor nila na si Olivia Lamasan, ang kanilang gagawin.

Dagdag pa ni Aga, "When we do love scenes kasi, alisin natin... Hindi ko iisipin na parang, ’Maganda ang skin nito o maganda ang hips nito.’

"Hindi mo iisipin ’yon, e. Mas poproteksyunan mo pa nga, e.

"Kasi, ang point naman do’n is gumagawa ka ng pelikula, gumagawa ka ng love scene hindi para sa sarili mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, ’yong ginagawa namin, parang, ’Bakit may love scene? Bakit namin ginawa ’yon. Ano ang hinihingi no’n? ’Yon ba, e, you enjoy it or dahil talagang...’ Iba-iba, e."

Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na maipapareha si Aga sa mas nakababatang aktres.

Nakakatambal niya noon sa All My Life (2004) si Kristine Hermosa. Sa pelikulang A Love Story (2007), kasama naman nila ni Maricel Soriano ang dating child actress na si Angelica Panganiban. Samantalang sa pelikulang When Love Begins (2008), naging kapareha naman ng aktor si Anne Curtis.

Ano ang mga napapapansin ni Aga sa tuwing makakatrabaho niya ang mas bata sa kanya?

"Wala naman," sagot niya.

Sabay nagbiro si Aga, "Mas makikita mo lang ang difference ng kutis. Kapag tumitingin ako sa salamin, parang nakikita ko, ’Oo nga, ’no? Iba nga!’

"Parang kapag nakita ko sila sa umaga, parang bagong gising lang sila, gano’n ang dating.

"Ako naman, parang puyat na puyat!"

Nabanggit din ni Aga na hindi naman mahirap ang ganitong sitwasyon.

Aniya, "Hindi naman ako fifty years old. Bata pa naman ako, forty-one lang ako. And I have kids, so I’m still a kid at heart."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN