Gabby Eigenmann still not on speaking terms with half-sister Maxine Eigenmann

by Rose Garcia
May 5, 2011
"Nandoon din kasi ako sa feeling ko, worried siya na baka galit na galit ako. Feeling ko lang. Baka naman pareho kaming naghihintayan na, 'Baka galit si Kuya.' Ako naman, baka kailangan niya ng privacy, or baka feeling niya galit ako sa kanya. Yung mga gano'n," says Gabby Eigenmann about half-sister Maxine Eigenmann, who is now pregnant with her second child.

Sa press conference ng kinabibilangan niyang primetime series sa GMA-7, ang Munting Heredera, ay kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gabby Eigenmann ang kanyang half-sister na si Maxine Eigenmann

Pareho ng ama sina Gabby at Maxine—si Mark Gil—pero magkaiba sila ng ina; si Irene Celebre ang ina ni Gabby, at si Bing Pimentel naman ang ina ni Maxine.

Ang aktor na si Sid Lucero ang buong kapatid ni Maxine.

Nang mapabalitang buntis si Maxine, wala na halos narinig o hindi na siya nakausap ng press tungkol sa kanyang kalagayan.

Hindi na rin naman ito nakakapagtaka dahil mismong si Gabby ay hindi pa rin daw nagkakaroon ng pagkakataon na makausap ang kapatid sa ama.

Ayon sa aktor, "I think okay naman. Binabalitaan naman ako ni Sid.

"I think, she's due sometime June, and I heard it's a boy again.

"Minsan kasi, ako na ang nagtatanong kay Sid kung kumusta na ito."

Pangalawang pagbubuntis na ito ni Maxine sa pagkadalaga, at sa magkaibang lalaki.

Bilang kuya, bakit hindi siya nag-initiate ng move na magkausap sila ng nakababatang kapatid?

"Ayoko kasing makialam," sagot ni Gabby.

"Feeling ko...Well, dinadaan ko na lang sa iba. Kung umabot man sa kanya na nangangamusta ako, e, di good.

"Nandoon din kasi ako sa feeling ko, worried siya na baka galit na galit ako. Feeling ko lang.

"Baka naman pareho kaming naghihintayan na, 'Baka galit si Kuya.'

"Ako naman, baka kailangan niya ng privacy, or baka feeling niya galit ako sa kanya. Yung mga gano'n.

"Tingin ko, mag-e-end up as miscommunication na naman. Pero, okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm just here. I'm just a text away."

May tampo ba siya kay Maxine?

"Oo, normal naman yun being a kuya. Pero galit, wala.

"Kasi, wala naman nang magagawa ang galit ko. Matatanda na kami.

"Pangalawang baby na niya ito.

"She's old enough to know what's wrong and what's right, and whatever na dinadaanan niya."

CARLA AND THE EIGENMANNS. Samantala, natuloy pala ang pagsasama ng mga Eigenmann at ang pamilya ni Carla Abellana sa isang hotel sa Manila noong nakaraang Holy Week.

Si Carla ang girlfriend ng pinsan ni Gabby na si Geoff Eigenmann.

Ang original plan nga raw nila sana ay out-of-town. Pero at the last minute, sa isang hotel dito sa Manila sila nag-decide na mag-stay.

Kuwento ni Gabby, "Magkakasama kami nina Geoff, Ryan [Eigenmann], Tita Gina [Alajar], family ni Carla.

"Pero iba-ibang kuwarto kami. Tapos, nagkikita-kita kami sa isang kuwarto to have lunch, dinner.

"Three days din kami, from May 21 to May 24. For me, it was relaxing. Masaya.

"Although, there are days na tiring kasi luto ka nang luto. Nagluluto ako.

"Masaya kasi magkakasama kami. So, okay naman. Malamig."

WORKING WITH THE QUEEN. Natutuwa naman si Gabby dahil after a long time, muli niyang makakatrabaho si Ms. Gloria Romero sa Munting Heredera.

"Nakasama ko siya sa Palibhasa Lalake," banggit ng aktor sa dating sitcom ng ABS-CBN.

"Kahit hindi na kami nagkaroon na magkatrabaho after that, magkakilala naman.

"Kasi, my lolo, my lola [Eddie Gil and Rosemarie Gil]... Kilala ko ang anak ni Tita Gloria [Maritess Gutierrez]. At saka yung apo niya [Chris Gutierrez].

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Noong nagkita kami, wala. Parang magkakilala kami.

"Ang nakakatawa noon, pareho kami ni Mark [Anthony Fernandez]. Kasi, last time din niyang nakatrabaho si Tita Gloria sa Palibhasa Lalake.

"So, ako naman, 'Pareho lang pala tayo.'

"Ngayong nandito na siya [sa GMA-7], we were looking forward na makatrabaho, at nagkataon na naging part ako ng Munting Heredera."

PROFESSION. Gabby's last regular show on GMA-7 was Endless Love (2010). Pero thankful daw siya sa network dahil sa mga panahong wala siyang regular show ay nakakapag-guest naman siya sa ibang Kapuso shows hanggang sa mabigyan nga siya ng bagong serye.

"Happy ako kasi, sabi ko nga, ang pagiging artista for me now is a profession. It's a job.

"Ever since na pumasok ako sa industriyang ito, hindi ko naman hinangad na maging superstar.

"Ang sa akin lang, I love my job. I love entertaining people. Mapa-hosting, mapa-acting, mapa-singing...which is funny.

"First love ko ang acting, but I excel in singing because I won a couple of awards. Pero ngayon, parang ang dating nga, kung kumakanta pa ba ako.

"I still never found my niche yet. Pero ang laging bansag sa akin, kontrabida.

"Baka nga ro'n, baka yun ang tinatahak ng career ko.

"Sabi ko nga, the race for me is over. Ang question na lang is hanggang kailan dito.

"I've been here in this business and I'm grateful for that.

"I wanna do good in everything I do.

"Nandoon ang passion ko, pero hindi ko na hinahangad yung sobra-sobra."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nandoon din kasi ako sa feeling ko, worried siya na baka galit na galit ako. Feeling ko lang. Baka naman pareho kaming naghihintayan na, 'Baka galit si Kuya.' Ako naman, baka kailangan niya ng privacy, or baka feeling niya galit ako sa kanya. Yung mga gano'n," says Gabby Eigenmann about half-sister Maxine Eigenmann, who is now pregnant with her second child.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results