Jake Cuenca denies breakup with Melissa Ricks: "Kami pa rin."

"Pero siguro ako, based on my experience, wala akong takot magmahal. Kapag ako nakapili ng taong mamahalin ko, or minahal ko, ipaglalaban ko sila," says Jake Cuenca.


Sa press conference ng In the Name of Love kahapon, May 5, marami ang nag-abang kung ano ang sasabihin ni Jake Cuenca tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

Napabalita kasi noong nakaraang buwan na break na sila ng kanyang girlfriend na si Melissa Ricks.

Ganunpaman, walang narinig na kumpirmasyon o pagtanggi mula sa kampo ng dalawang Kapamilya stars.

Pero sa presscon sa Dolphy Theater kagabi, pinabulaanan ito ni Jake.

"Wala pa namang breakup or anuman," sabi ng young actor.

"Kumbaga, puwede naman sa ngayon na busy kaming dalawa.

"Okay kami. Nag-uusap kami.

"Kaya lang naman kami hindi madalas magkita ngayon, because of our schedules. Pero, okay kami."

Sa diretsahang tanong, sila pa rin ba?

"Oo, kami pa rin," sagot ni Jake.

Pagkatapos nito ay marami naman ang nakapansin na tila ayaw na nitong pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Melissa, kaya hindi na rin siya inusisa ng press.

IN THE NAME OF LOVE. In the name of love, ano ang mga kaya niyang gawin?

"Alam ko na marami pa akong gagawin in the future.

"And in the name of love, marami pa akong dapat ma-experience.

"Pero, siguro ako, based on my experience, wala akong takot magmahal.

"Kapag ako nakapili ng taong mamahalin ko, or minahal ko, ipaglalaban ko sila.

"Nagawa ko na yun in the present in the name of love," saad ni Jake.

Ginawang example ng ilan sa entertainment press ang co-star ni Jake na si Aga Muhlach.

Nakaya raw kasi ni Aga ang mag-lie low sa kanyang showbiz career para sa kanyang pamilya.

Sa part ni Jake, kaya rin niya itong gawin?

"Siguro po, sa tamang panahon," sagot niya.

"Sa ngayon, parang hindi pa. Sa ngayon, I’m in love with my work.

"Siyempre, marami ka pang gustong patunayan.

"Pagdating ng araw that I will settle down, siguro when that time comes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ba niyang i-give up si Melissa Ricks because of his career?

"Wala pa naman. Wala namang ginive-up," sabi ni Jake.

A DIFFERENT JAKE. Malaki rin ang role na ginagampanan ni Jake sa pelikulang In the Name of Love.

Dito siya ay isang aspiring politician na magiging kaagaw ni Aga sa pag-ibig ni Angel Locsin.

Ayon sa young actor, ibang-ibang Jake ang mapapanood rito.

"Actually, ano, yung challenge ng pelikula, binago ni Direk [Olivia Lamasan].

"Hindi ako si Jake Cuenca diyan. Walang angas, walang yabang.

"Ultimo lakad ko iniba ni Direk, pananalita ko.

"Tulad nga ng sinabi ko kanina, iniba ako ng pelikula. This movie changed my life," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN