Vic Sotto extends happiness to people through his TV shows, movies, and endorsements

"Ang mahalaga naman sa akin ay nakakapaghatid tayo ng saya sa maraming tao... Ito ay ang saya na wala kang ini-expect na kapalit. Basta makita ko silang happy, okey na iyon para sa akin," says Vic Sotto.


Hindi maipagkakaila na isa si Vic Sotto sa pinaka-effective na product endorsers ngayon.

Masasabing kahilera na niya ang mga malalaking endorsers—tulad nina Manny Pacquiao, Sharon Cuneta, Kris Aquino, Aga Muhlach, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Michael V, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Anne Curtis, at Kim Chiu.

Sunud-sunod ang mga malalaking TV commercials at endorsements ni Bossing Vic.

Kaya nga hindi kataka-takang matawag si Vic bilang isa sa pinaka-bankable commercial endorsers today.

Natawa nga si Bossing Vic nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang feeling na isa na siya sa pinaka-effective at "pinaka-expensive" na commercial endorsers ngayon.

Sabi niya, nagkataon lang na nagugustuhan din niya ang products na inilalapit sa kanya kaya niya ito ini-endorse. Secondary na lang daw ang kikitain niya.

"Sinusuwerte lang siguro tayo," sabi ni Bossing Vic sa rehearsal niya sa pagbabalik ng TV5 game show na Who Wants To Be A Millionaire? sa KB Studios sa Cainta, Rizal last May 2.

"Tapos, gusto ko rin naman ang products na nilalapit nila sa akin. Kaya bakit ko naman hindi gagawin?

"Mapili rin naman tayo. Hindi naman lahat ay dahil sa pera o ang ibabayad sa iyo.

"Malaki nga ang talent fee mo, e, kung hindi mo naman gusto ang product at nagkukunwari ka lang na gusto mo—it will show, di ba?

"Kaya unang-una para sa akin ay ang maniwala muna ako sa produkto bago ko siya i-endorse.

"Masasabi ko naman na I am proud of the products I am endorsing. Kasi nga, sobra ang paniniwala ko sa kanila at may tiwala naman sila sa akin bilang endorser nila."


WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE. Bukod sa kanyang TV commercials, sabay-sabay rin ang kanyang TV shows—Eat Bulaga! sa GMA-7; at Laugh or Lose, My Darling Aswang, at ang Who Wants To Be A Millionaire? sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa sixth season na ang Who Wants To Be A Millionaire? at kinatutuwa ni Vic ay siya pa rin ang nakaupong game show host dito.

Ipinagmamalaki nga ni Bossing Vic na higit sa P13 million in total prize na ang naipamigay ng programa sa unang limang seasons nito sa TV5.

"This season," sabi niya, "mas malaki ang mga premyo at maraming bagong pakulo ang Who Wants To Be A Millionaire?."

"Bukod sa 50-50 at Phone-A-Friend lifelines, idinagdag pa namin ang People Speak at Switch.

"May magiging participation ang studio audience namin sa naglalaro at makakauwi rin sila ng malaking premyo.

"Ganyan kabigat ang Who Wants To Be A Millionaire? ngayon, at gusto namin ay maraming maging masaya dahil makakabago ng kanilang buhay ang makaupo at makapaglaro sa show."

Sa pilot episode ay puro honor students ages 9 and 10 years old ang magiging contestants ni Bossing.

Inunahan na ni Bossing Vic na dumaan sa legal na proseso ang contestants nilang mga menor de edad.

"Kaya walang problema kasi game show naman ito na Q&A. Puro mga honor students ang kinuha namin from different schools sa Metro Manila.

"Tsaka we make sure na this will be all fun para sa kanila. May natutunan na sila, nag-enjoy pa sila," nakangiti niyang sabi.

BOX-OFFICE KING. Kasabay ng magandang TV career ni Vic ay ang patuloy na paggawa niya ng box-office hit movies.

Kaya naman hinirang sila ni Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. bilang Box-Office King ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation para sa pelikulang Si Agimat At Si Enteng Kabisote.

Malakas din daw ang kasalukuyang ipinapalabas na Star Cinema comedy niya with Bea Alonzo na Pak! Pak! My Dr. Kwak!.

"It is very overwhelming!" sambit ni Bossing Vic.

"Kung sa akala n’yo ay sanay na ako, hindi pa rin. Siyempre, may mga bagay pa rin na ’kinakagulat ko at hindi inaasahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I thank the Lord for all that. Kahit sa edad natin ngayon, nandiyan pa ang mga blessings.

"At pinapamahagi natin ang mga blessings na ’yan sa ibang tao, lalo na sa kabataan."

Vic turned 57 last April 28.

Isa lang naman daw ang gusto ng award-winning comedian and TV host. Ito ay ang maging masaya ang mga tao sa paligid niya, lalo na ang mga tagasubaybay ng kanyang shows at pelikula.

"Ang mahalaga naman sa akin ay nakakapaghatid tayo ng saya sa maraming tao.

"Kahit na hindi mo sila kilala at nasa ibang lugar pa sila, I just want them to feel na part sila ng buhay ko.

"Mapa-TV, mapa-commercial or sa pelikula, pare-pareho lang ’yan, e. You want to extend your happiness sa kanila.

"Ito ay ang saya na wala kang ini-expect na kapalit. Basta makita ko silang happy, okey na iyon para sa akin," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN