Happy Yipee Yehey! host John Estrada admits it’s hard to topple "Eat Bulaga!" from noontime slot

"Mahirap talaga. Lahat ng live setting na show, e, medyo mahirap. Kailangan niyan ng perfect combination. Kailangan energetic ka palagi. Kailangan niyang focus ka sa ginagawa mo palagi. Kailangan mabilis ka kung paano ka makakahalubilo sa mga contestants mo. Kung paano kayo magkakasagutan sa isa’t isa..." says John Estrada about hosting a noontime show.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John Estrada sa dressing room ng Happy Yipee Yehey! kahapon ng tanghali, May 7, habang break nito sa pagho-host ng kanilang noontime program sa ABS-CBN.

Kinamusta ng PEP kay John ang show nila na halos tatlong buwan nang umeere.

"Ayos naman," sambit niya.

"Every week nagmi-meeting kami para pagandahin pa ang show at makapagbigay kami ng magugustuhan ng mga tao.

"Ang gauge naman namin—management. Basta masaya ang management, masaya ang mga tao, masaya rin kami, di ba?

"But, of course, hindi kami kampante. We’re doing a lot of things—from maliliit na bagay hanggang sa malalaki talagang papremyo—para tuloy-tuloy ang ligaya."

Kumusta naman ang rating ng Happy Yipee Yehey!?

"Well siyempre, hindi natin matatanggal yun. Negosyo naman ’to kaya talagang naniniwala kami na medyo ang target namin ay slowly but surely.

"Paano naman namin babanggain ang isang institusyon katulad ng Eat Bulaga! na nariyan na for 35 years, di ba?

"Basta ang thrust ng show namin ngayon, ang hangad namin ay magbigay ligaya. Magbigay ng tulong sa mga Kapamilya natin," saad ng actor-TV host.

Hindi na bago kay John ang mag-host ng noontime show, having hosted Magandang Tanghali Bayan, from 1998 to 2005, with Randy Santiago and Willie Revillame.

Alam daw niya ang difficulty sa ganitong klaseng show.

"Mahirap talaga. Lahat ng live setting na show, e, medyo mahirap.

"Kailangan niyan ng perfect combination. Kailangan energetic ka palagi. Kailangan niyang focus ka sa ginagawa mo palagi.

"Kailangan mabilis ka kung paano ka makakahalubilo sa mga contestants mo. Kung paano kayo magkakasagutan sa isa’t isa.

"Siyempre, hindi naman puwedeng palaging serious ang usapan n’yo, di ba? So, kailangan mag-isip ka ng mga punchline.

"So, mahirap, mahirap siya," saad ni John.

POKWANG. First day ni Pokwang sa Happy Yipee Yehey! kahapon bilang bagong dagdag na host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya raw si John sa pagpasok ni Pokwang sa kanilang programa.

"Masaya, masaya kami," ngiti niya.

"Matagal na naming gustong kuhanin si Pokwang. Kaya lang, ang dami niyang concerts abroad kaya na-delay nang na-delay.

"Ito na nga ang perfect timing. Naniniwala naman kami na lahat ng bagay ay nasa perfect timing ’yan.

"Hindi mo naman mapipilit kung hindi pa talaga, at hindi mo na rin naman dapat pang i-delay."

Naniniwala siya na malaki ang maitutulong ni Pokwang sa show.

"Kumbaga sa isang menudo, di ba, lahat kami, sahog-sahog?

"So, si Pokwang siguro, since hindi naman puwede ang menudo na walang pasas, di ba? So, si Pokwang ang pasas namin.

"Para maging menudo yun, kailangan ng pasas," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN