John Estrada does not know how to make the first move to reconcile with Willie Revillame

It has been more than three months since John Estrada and Willie Revillame had a falling out after John accepted the hosting job in Happy Yipee Yehey!. Since then, the long-time friends have not spoken to each other.


Naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John kung kumusta na sila ng kaibigan niyang si Willie Revillame, na nakasamaan niya ng loob.

Matatandaang nagtampo si Willie kina John at Randy Santiago dahil sa pagtanggap ng mga ito ng hosting job sa sisimulan pa lang noon na noontime show ng ABS-CBN, ang Happy Yipee Yehey!.

Ayon kay Willie, may inaayos na sana siyang noontime show sa TV5 para sa mga kaibigan niya. Pero tila binalewala ito nina John at Randy.

Inamin naman ni John na simula ng nagka-isyu sila ay hindi pa sila nakakapag-usap ni Willie.

"Hindi pa kami nagkakausap," sambit niya.

"There was a time na gusto ko siyang i-text, noong nagkaproblema siya."

Ang tinutukoy ni John ay ang kontrobersiyang nilikha ng March 12 episode ng programa ni Willie sa TV5, ang Willing Willie, kunsaan nagsayaw ng "macho dance" ang isang anim na taong gulang na contestant.

Ani John, "Pero hindi ako nag-text kasi ayoko naman na isipin na naawa... Actually, medyo I feel for him.

"Kilala ko yung kaibigan ko na yun. Baka he might take it the wrong way.

"So, I just kept quiet na lang. I think that’s the best thing to do."

Marami ring celebrities ang nag-react sa nangyari. On his part, ano ang naramdaman niya when he found out about the issue on Willie?

"Well, katulad ng sinabi ko nga, I feel for the guy.

"I’m sure, hindi niya alam ang extent ng ginawa niya.

"Dahil nga nilagay ko ang sarili ko ro’n, baka hindi ko rin alam na masama pala yun at hindi pala puwede yun.

"Ang ano ni Willie ro’n, ang alam ko na iniisip niya ro’n, ay magpasaya lang," sabi ni John.

Bilang host, may mga pointers daw na nakuha si John sa nangyari kay Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, talagang aral sa aming lahat yun bilang mga host.

"Hindi mo pala puwedeng ganunin ang isang bata. Para sa ’yo, kasiyahan lang yun, pero hindi pala."

Masaya naman daw si John sa balitang babalik na sa ere ang Willing Willie bukas, May 9.

"Ako ang isang tao na... I mean, I feel for my co-actors and actresses, you know.

"Kung may trabaho ang isang tao, masaya ’ko para sa kanila.

"Hindi ako ang tipo ng tao na hinahangad yung pagbagsak or hindi pag-asenso ng isang artista," saad niya.

MAKING THE FIRST MOVE. Sa palagay ba ni John ay magkakaayos pa rin silang dalawa ni Willie?

"Siguro, in time. Hindi ko lang alam kung kailan yung time na yun," sagot niya.

Kung sakali ngang dumating ang time na yun, willing ba si John na siya ang gumawa ng first move?

"Hindi ko alam ang first move, e. Kasi, kung alam ko ’yan, matagal ko nang ginawa.

"Baka gawin ko ang second move, third move. Pero ang first move, hindi ko alam kung paano gawin," sabi ni John.

Kaibigan pa ba ang turing niya kay Willie?

"Oo naman," mabiis niyang tugon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN