Manny Pacquiao wins fight against Shane Mosley via unanimous decision

Filipino boxer Manny Pacquiao won a lopsided 12-round decision, retaining his welterweight title in a fight that was roundly booed over the late rounds because Shane Mosley refused to trade punches.


Tulad ng inaasahan, nagwagi ang Filipino boxing champ na si Manny Pacquiao sa laban nila ng American boxer na si Shane Mosley.

Pagkatapos ng 12-rounds, iniskoran ng judges ang laban ng 119-108, 120-108, at 120-107—isang lopsided na panalo para kay Pacquiao.

Ginanap ang laban nina Pacquiao at Shane sa jampacked MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, Sabado ng gabi, May 7, sa U.S., o Linggo ng umaga, May 8, sa Pilipinas.

Ayon sa gate receipts, 16,412 ang nanood ng laban nina Pacquiao at Mosley sa MGM Grand.

Bagamat umabot hanggang 12 rounds ang laban, dismayado ang karamihan ng mga nanood dahil sa kakulangan ng aksyon sa ibabaw ng ring.

Habang panay ang sugod ni Manny, panay naman ang atras ni Mosley na halatang umiiwas mapuruhan ng Pinoy boxer.

Ayon nga sa isang boxing expert, limang combos lamang ang pinakawalan ni Mosley sa kabuuan ng laban nila ni Pacquiao.

Mabibilang din ang exciting moments sa laban.

Kabilang na rito ang knockdown ni Mosley sa third round pagkatapos siyang mapuruhan ng straight left ni Manny.

Sa Round 10 ay tumumba si Manny na naging dahilan upang bilangan siya ng referee na si Kenny Bayless.

Pero kitang-kita sa slowmo na hindi knockdown ang nangyari sa Pambansang Kamao kundi push o slip lamang pagkatapos siyang maitulak ni Mosley.

Napatawa na lamang si Manny sa nangyari.

Pero hatalang nanggigil siya pagkatapos nito dahil pinaulanan niya ng suntok si Mosley, na walang nagawa kundi ang yumakap na lamang kay Manny upang maiwasan ang mga suntok nito.

Sa post-fight interview, inamin ni Manny na hindi iyon ang "best performance" niya.

“It wasn’t my best performance. I did my best. I did not expect this result," sabi niya.

Sabi naman ni Mosley, “I fought the best fighter in the world. He has exceptional power, power that I’ve never been hit like this before.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang guaranteed prize money ni Manny sa labang ito ay $20 million minimum, samantalang $5 million naman para kay Mosley.


OTHER HIGHLIGHTS. Ang Filipino international singing sensation na si Charice ang kumanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas.

Ang Hollywood actor-singer na si Tyrese Gibson (Fast Five) naman ang umawit ng National Anthem ng USA.

Ang entrance theme ni Manny ay "Eye of the Tiger" na inawit nang live ng Survivor singer na si Jimi Jamison.

Ang entrance theme naman ni Mosley ay "Mama said Knock You Out" ng rapper na si LL Cool J.

Yellow ang kulay ng gloves ni Manny.

Ayon sa Filipino boxer, simbulo ito ng pagkakaisa ng mga Pinoy at ang kanyang kampanya laban sa kahirapan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN