Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo celebrate second wedding anniversary with barbecue party

"Wala namang effort to do birth control... It’s just that pag wala sa mood, wala sa mood, walang pilitan!" says Judy Ann Santos about her private moments with husband Ryan Agoncillo.


Nag-agree ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na wala silang ireregalong anuman sa bawat isa sa second wedding anniversary nila last April 28.

Pero nag-effort pa rin ang aktres.

"Binigyan ko siya ng gift na T-shirt na may picture ko nung Ula!" ang natatawang kuwento ni Judai/Juday sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX na ipinalabas kahapon, May 7.

Ula, Ang Batang Gubat ang pinakaunang pinagbidahang programa sa telebisyon ni Juday noong 1988 nang siya ay 10 years old pa lamang.

Dagdag pa niya, "Hindi niya alam kasi usapan talaga namin wala nang regaluhan."

Sa hiwalay na panayam naman kay Ryan, sabi niya, "Natuwa ako, sinuot ko agad."

Sa simpleng barbecue party lang idinaos ng mag-asawang Juday at Ryan ang kanilang second wedding anniversary.

Kuwento ni Ryan, "Bale nung Linggo... Kasi April 28 yung anniversary namin, it fell on a Thursday, kami-kami na lang ang nag-celebrate nung mismong araw.

"Pero nung May 1 [Sunday], nagpa-celebrate kami ng mass with Father [Tito] Caluag, with family and friends.

"And then, yun, pagkatapos, beer and barbecue na lang. Party-party na lang."

LUCHO’S FIRST BIRTHDAY. Six months na si Baby Lucho. Pinaghahandaan na ba ng mag-asawa ang first birthday nito?

"Definitely medyo malaki ng konti, kasi first birthday. Pero hindi masyadong glamorosa kasi hindi naman niya maaalala ’yan, hindi ba?" sabi ni Judy Ann.

Susundan na ba nila ang kanilang bunsong anak?

"Kung bibiyayaan kami ng isa pang anak, why not, di ba?" sagot ni Ryan.

Ayon naman kay Judy Ann, "Napag-usapan namin ’yan.

"Nung kapapanganak ko lang, sabi ko, ’Halika na, sundan na natin para tapos na itong anong ito!

"Oo, para isang papayatan na lang! ’Ewan ko sa ’yo,’ ginaganun niya ako.

"Tapos nung... After a while, nung nakikita ko kung gaano kahirap mag-alaga ng dalawang bata at the same time.

"Considering na Yohan is six years old already, and she’s also big enough to understand what you’re saying, mahirap pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, iniisip ko na hindi ko pala kaya. Kung itong six months si Lucho, tapos magbubuntis ako uli, one year si Lucho, manganganak ako!

"E, batang-bata pa nun si Lucho, hindi ba?

"So, mahirap! Sabi ko, sige, huwag na muna."

PRIVATE MOMENTS. Kumusta naman ang private moments nina Ryan at Juday bilang mag-asawa?

Sabi ni Ryan, "Number one diyan, yung asawa siyempre. Kasi buong araw siya yung nag-aalaga sa mga anak namin.

"So, pag-uwi, uunahin ko muna si mommy, di ba? Pagbati ko sa mga anak ko, hi-hello sa mga kids muna, konting hug-hug.

"Tapos, the rest of the night, siyempre kailangan nakatutok na ako kay mommy."

Natatawa namang sinabi ni Judy Ann ,"Tama lang, tama lang! Kasi, palagi kaming pagod, e. Enough lang, enough lang.

"Pareho naman kasi kaming malambing, e. Kahit magkayakap lang kami sa kama bago matulog, okay na kami.

"Wala namang effort to, you know, to do birth control or something. It’s just that pag wala sa mood, wala sa mood, walang pilitan!"

BETH TAMAYO. Hiningan naman ng pahayag si Judy Ann tungkol sa best friend niyang si Beth Tamayo, na napagkamalan umanong si Elizabeth Batain, ang Pinay drug mule na binitay sa China.

Aniya, "Nung una, natawa ako. Tapos after a while, naisip ko, parang hindi magandang biro ’ata. Nakakatawang nakakainis.

"Yun ba yung gusto nilang mangyari para makapagsalita... Para magsalita si Beth, gagawan na lang ng isyu?

"Ang importante, masaya naman siya kung nasaan siya ngayon.

"And sabi ko sa kanya, kung anuman ang kailangan niya, nandito lang kaming mag-asawa para sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN