Aljur Abrenica explains agreement with Heart Evangelista on their kissing scene for Temptation Island

"Yun ang sinabi niya sa akin, itikom ko lang daw ang bibig ko. Pero sabi ko, ’No, Heart. Ikaw ang magtikom ng bibig. Ako yung medyo magbubukas dito kasi ako yung..." says Aljur Abrenica about his kissing scene with Heart Evangelista.


Hirap man sa naranasang shooting ng remake ng Temptation Island, masaya si Aljur Abrenica sa naging karanasan niya habang ginagawa ang kanyang mga eksena na kinunan pa sa Paoay, Ilocos Norte.

"Para talagang nasa desert kami," simula niyang kuwento nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Sobrang init at kahit naka-standby kami, may tent naman, pero minsan sa location namin, pagbaba namin mula sa 4x4, walang tent. So, talagang tutok kami sa init ng araw.

"Sa sobrang hirap, para talagang nasa disyerto talaga kami."

KISSING SCENE WITH HEART. Ang kapareha ni Aljur sa Temptation Island ay si Heart Evangelista.

Ibinalita ng young actor na nakunan na ang kissing scene nila ni Heart.

Nagtaka lang si Aljur sa balitang pinagsabihan daw siya ni Heart na huwag nitong ilabas ang kanyang dila habang kinukunan ang kanilang eksena.

Diin ng aktor, wala raw ganoong pangyayaring pinagsabihan siya ni Heart.

"Unang-una, di ba, bawal naman talaga ang dila sa telebisyon? Wala. Walang sinabing gano’n. Walang nanggaling kay Heart mismo na gano’n.

"Basta ang sabi lang niya sa akin is by character. Character kasi ni Heart, conservative, e. So, hindi siya masyadong ano.

"Ako yung atat dito. Kasi ako yung lalaking virgin. Parehas kaming virgin.

"Pero ang lalaking virgin, atat, e. So, ako yung medyo aggressive. Siya yung medyo reserved."

Sa pagkakatanda raw ni Aljur, ang sinabi sa kanya ni Heart ay itikom lang nito ang kanyang bibig sa kanilang kissing scene.

"Yun ang sinabi niya sa akin, itikom ko lang daw ang bibig ko.

"Pero sabi ko, ’No, Heart. Ikaw ang magtikom ng bibig. Ako yung medyo magbubukas dito kasi ako yung..."

FIRST KISS. Pinigil ni Aljur ang susunod na sasabihin nang maalala niya ang una niyang karanasan ng tunay na halikan.

"Kasi as I remember, no’ng virgin pa...yung first kiss ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi madalas daw kapag virgin ang lalaki, tapos makakaranas ng first kiss, nakabuka yung bibig.

"Ako, gano’n, e. First kiss ko, nakabuka yung bibig ko," kuwento niya.

Mabilis si Aljur na linawing hindi si Kris Bernal ang kanyang first kiss kundi isang non-showbiz girl.

Wala raw naramdamang pagkapahiya sa sarili si Aljur nong sabihan siya ni Heart na itikom niya ang bibig niya sa kissing scene nila.

"No, wala akong naramdamang parang na-offend ako. Walang gano’n.

"Sinabi niya sa akin yun kasi, di ba, conservative si Heart?

"Alam natin na sa career niya, ang image niya, conservative siya. And sa totoong buhay, conservative talaga siya.

"No’ng sinabi niya sa akin na ako yung magsara, sabi ko, ’Hindi, ikaw ang magsara.’

"Sabi niya, ’Okay.’

"Nakunan na namin yung eksena, nagawa na namin nang tama, and it all went well," masaya niyang pagbabalita.

Nakatatlong takes daw sila sa kanilang kissing scene, ayon kay Aljur. Hindi dahil nagkamali sila sa kanilang ginawa kundi para sa mga camera angles.

Aminado naman si Aljur na nailang siya kay Heart sa kanilang eksena.

"Nailang ako. Medyo kinabahan din. Si Heart, parang, wow!

"Matagal ko na siyang gustong makatrabaho. As I know, yung dati pa, alam kong may chemistry kami, e.

"Matagal ko na siyang gustong makatrabaho at first time ko siyang nakatrabaho.

"At sa Temptation Island, kissing scene agad. So, nailang ako.

"No’ng nakasama ko siya, okey naman pala siya. At napag-usapan namin na open siya, naging open na rin ako.

"At dahil doon, naging kumportable kami."

KYLIE PADILLA. Hindi itinanggi ni Aljur na binanggit niya sa nali-link sa kanya ngayon na si Kylie Padilla ang kissing scene nila ni Heart.

"Hindi naman exactly na ipinagpaalam. Kuwentuhan kami ni Kylie.

"Kinukuwento ko sa kanya before na kunan yung eksena. Kasi nabasa ko na yung script. So, kinukuwento ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan may batuhan kami ng mga dialogues... Kasi, medyo coño ako dito, nag-i-Ingles. E, si Kylie, nag-i-English, English-speaking.

"Minsan ibinabato ko yung lines sa kanya at nagpapaturo ako ng diction."

Walang nakikitang malisya si Aljur sa pagkukuwento niya ng kissing scene niya with Heart kay Kylie.

"Yes, we’re friends. What are friends for?" rason niya.

Totoo nga bang magkaibigan lang sila ni Kylie?

"Sasabihin ko rin naman kung may namamagitan na sa amin ni Kylie," nangangakong pahayag ni Aljur.

Ayon sa young actor, wala pa raw ligawang nangyayari sa kanila.

"Alam n’yo naman. Aminado naman ako na gusto ko siyang ligawan talaga," sabi niya.

Paliwanag ni Aljur, abala raw sila pareho ni Kylie kaya hindi pa nangyayari ang ligawan. Pero hindi kaya takot lang siya sa ama ni Kylie na si Robin Padilla?

"No, no...hindi ako natatakot kay Sir Robin," tanggi niya.

"Unang-una, wala naman akong hinahangad na masama.

"Alam naman po ni Tito Binoe sa mga lumalabas na gusto ko talaga si Kylie. Alam niya yun.

"Friends pa rin kami ni Kylie.

"Gusto kong mag-stay muna doon kasi ini-enjoy namin yung samahan namin.

"Nag-e-enjoy ako sa company ni Kylie. Ayaw ko munang mabago yun.

"And when the right time comes na puwede na, doon na."

Ayon kay Aljur, dalawang taon ang nakararaan mula nang maramdaman niya ang "enjoyment" na nararamdaman niya ngayon kay Kylie.

At si Kris Bernal daw ang babaeng nagparamdam ng kasiyahang iyon sa kanya.

MACHETE. Napag-usapan ng PEP at ni Aljur ang tungkol sa nagwakas na niyang serye sa GMA-7, ang Machete.

Pinasinungalingan nito ang balitang lumabas noon na pinutol agad ng nasabing network ang show niya dahil bumaba nang todo ang ratings nito.

Aniya, "No, ang Machete po talaga, para malinaw, ang kontrata ko diyan talaga was eight weeks lang. Yun lang talaga ang ibinigay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman lagi panalo, e. May ups and down din naman ang tao.

"Sa mga naririnig ko sa mga bossing [GMA-7 management], malakas naman daw yung series namin.

"Wala naman daw akong dapat na... Kasi I felt bad, e. Kasi pinupuntirya yung acting ko, yung rating.

"Sobra talaga! Sobrang na-down ako.

"Ibinigay ko ang best ko, lahat ginawa ko, pero gano’n ang nangyari.

"Tinanong ko sa mga boss ko kung ano ang nangyari.

"Sabi naman nila, ’Don’t feel bad.’ Huwag daw akong malungkot dahil nag-rate naman daw ang Machete.

"Pero dahil sa mga naririnig ko... Kasama yun, kasama yun. Tanggap ko naman."

May reaksiyon din si Aljur sa mga nagsasabing hindi nakatulong ang pagpasok ni Kris Bernal sa mga huling linggo ng show para umangat ang ratings nito dahil bumulusok pa rin daw pababa ang programa.

"Well, para sa akin, looking on the other side, yung tulong pa lang ni Kris para sa akin, nakatulong na yun.

"The fact na pumayag siyang makapasok sa Machete, para makasama ko ulit, para sa akin, hindi na importante yung ibang bagay.

"Ang importante, yung pinagsamahan namin ni Kris," sabi ni Aljur.

Sa halip daw na maging negative ang tingin ni Aljur sa mga bumabatikos sa kanya sa Machete, mas nagsilbing challenge pa raw ito sa kanya.

"Mas na-challenge ako. Mas natuto akong mag-accept ng mga bagay na hindi maganda na nangyayari.

"Kailangan mo yun—yung acceptance," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN