Mariel Rodriguez denies stalling Pokwang’s entry to Happy Yippe Yehey!; not too eager now to have a church wedding

"It was just the church wedding na gusto ko sanang magkaroon dahil nga Catholic ako. Kaya lang nga, hindi ina-allow ng Catholic church. So, right now, sa totoo lang, hindi ko na lang siya masyadong pinagtutuunan ng pansin," says Mariel Rodriguez.


Pinabulaanan kaagad ni Mariel Rodriguez ang isyu na siya raw ang dahilan kung bakit ngayon lang nakasama sa kanilang noontime show na Happy Yipee Yehey! ang comedienne na si Pokwang.

Kung may totoo man daw siguro sa isyu, ito ay siya ang pinakamasayang tao ngayong part na ng show nila si Pokwang.

"Palagi ko talagang sinasabi, start pa lang ng show, kahit noong dati-dati pa... Kahit nga noong wala pa akong show, sinasabi ko talaga.

"Si Tito Boy [Abunda, Mariel’s manager] nga, ’Tito Boy, what about Pokey?’

"’Mariel, Pokey’s managed by the network [ABS-CBN].’

"Sabi ko, ’Yeah, but...’

"Tapos, meron akong gustong gawing show, ’Tito Boy, what about getting Pokey for the show?’

"Si Tito Boy, ’Mariel, stop worrying about Pokey.’

"So, sobra ko talagang saya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Mariel sa studio ng Happy Yipee Yehey! noong Sabado, May 7.

Biro tuloy ng entertainment press si Mariel na baka siya na ang mag-manage kay Pokwang balang-araw.

"Gusto ko talaga!" tawa niya.

"Kasi yung energy ni Pokey, performer siya, hindi lang siya comedienne.

"Sobrang bilis ng utak. Sobrang spontaneous.

"At saka, yung puso kasi ni Pokwang bilang isang ina, nanggaling sa hirap.

"Iba yung ganoon. Hindi mo yun maaano, di ba?

"So, for me, perfect talaga siya sa noontime, at masaya ako na nakita rin nila that she really deserves to be part of Happy Yipee Yehey!."

Ano naman ang masasbi ni Mariel sa ratings na nakukuha ng kanilang show kumpara sa katapat nitong programa—ang Eat Bulaga! ng GMA-7?

"Ako kasi, hindi ako tumitingin sa rating. Sinasabi lang sa amin," sabi niya.

"Noong una, siyempre, may part pa rin sa akin na medyo nade-depress ako.

"Pero after a while, hindi ko kasi puwedeng paikutin yung mundo ko do’n sa rating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako pumasok dito para sa rating. Ang pinasok ko, kung hindi para magpasaya ng mga tao.

"At kunwari nagpapa-gas ako, may mga nakikita ako, ngayon, kahit paano, nalalaman na rin nila yung Happy Yipee Yehey!.

"Sobra akong natutuwa na ina-acknowledge nila ang show.

"So, ibig sabihin, slowly, nagpe-penetrate na rin kami sa kanila."

Sabi pa ni Mariel, totoong nakakapagod ang magkaroon ng daily noontime show.

"Ako, right now, sa totoo lang, pagod na pagod ako dahil kanina pa ako nandito.

"Hindi naman kasi ganoon kaaga ang call time. Kanina, 8 o’clock, hinahanap na ako nitong si Pokwang.

"Eight o’clock, hinahanap na ako! Nine o’clock ang call time, di ba?

"Eight, nandito na si Pokwang. Nakakaloka! Hinahanap ako.

"So, sabi ko, ’Di ba, puwede namang maligo muna?’

"Ngayon, kausap n’yo ako, sobra na akong pagod!"

CHURCH WEDDING. Ang isyu ngayon kay Mariel ay ang plano sana nila ni Robin Padilla na magpakasal sa simbahan.

Pero hindi sila pinayagan ng simbahang Katoliko dahil isang Muslim si Robin.

Kaya sabi ni Mariel, ang dream wedding na lang niya, "Basta nandoon si Robin."

Ano nga ba ang nangyari sa supposedly planong pagpapakasal nila ni Robin sa church?

"Kasal na naman kaming talaga," sabi ni Mariel.

"It was just the church wedding na gusto ko sanang magkaroon dahil nga Catholic ako.

"Kaya lang nga, hindi ina-allow ng Catholic church.

"So, right now, sa totoo lang, hindi ko na lang siya masyadong pinagtutuunan ng pansin.

"Pero for a time, it did cross my mind that, sabi ko, mag-convert na lang kaya ako [into Muslim]....naisip ko naman siyang talaga.

"Pero sabi ko, hindi naman tama na ngayon ko tatalikuran ang paniniwala ko porke’t merong problema. Porke’t meron kaming hindi napagkakasunduan.

"Hindi naman ibig sabihin, tatalikuran mo, di ba? Ang pangit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nabanggit ko yun noong magkaroon kami ng presscon sa Lingayen.

"Pero, never kong sinabi na magko-convert ako dahil na rin sa paniniwala ko."

Hindi siya hinihikayat ni Robin na mag-Islam?

"Yun nga ang sabi ko, in Islam, there’s no compulsion in Islam. Walang sapilitan sa Islam.

"So, para magkaroon ako ng dream wedding, magko-convert ako, it doesn’t make sense kasi kinasal ako sa Muslim rites.

"So, hindi ko kinailangang mag-convert.

"So, hindi yun ang magiging daan para ma-achieve ko yung pangarap ko."

May plano raw si Robin na sulatan ang Pope?

"Hindi ko alam po, e. Hindi naman na po namin pinag-uusapan," sabi ni Mariel.

"Kasi, si Archbishop [Oscar Cruz], nagpadala siya ng letter of requirements.

"Noong una, sobra akong...pero kinakalma ako ni Robin.

"Ngayon, ayoko na siyang masyadong ma-stress over."


HAPPY YIPEE MARIEL. Pero walang alinlangan kung gaano kasaya ngayon si Mariel.

"Sobrang saya!" sambit niya.

"Kapag nag-uusap kami ni Toni [Gonzaga], sinasabi ko sa kanya, ’Ang sarap-sarap ng ganito!’

"Tapos, sinasabi ko sa kanya kung ano ang dapat kapag mag-asawa na.

"Palagi ko siyang bini-brief na, ’Dapat talaga, tayong mga babae...’"

Pinagluluto ba niya si Robin?

"Hindi ako marunong magluto," pag-amin ni Mariel.

"Pinagpi-peel ko lang siya ng mga fruits.

"Buti na nga lang, hindi mahilig sa mga pagkain si Robin. Mga fruits lang ang gusto niya.

"Gabi-gabi, prutas lang. Oatmeals and fruits, masaya na siya.

"Kapag kumakain, sinasabi niyang pinapataba ko siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN