Melai Cantiveros moves to the house she won in PBB; tired of feeling jealous in relationship

"Hindi na ako nagseselos kasi wala lang din naman. Sayang lang. Ako selos nang selos, tapos wala naman. E, di wag na lang magselos. Kakapagod lang," says Melai Cantiveros about relationship with boyfriend Jason Francisco.


Nakatira na ngayon si Melai Cantiveros sa isang subdivision sa Binangonan, Rizal. Ito ay bahagi ng kanyang napanalunan sa Pinoy Big Brother Double Up.

Umalis na si Melai sa condo na tinitirhan niya noon, kung saan din nakatira ang boyfriend niyang si Jason Francisco.

"Yung condo, sobrang pagkaliit. Mabait naman yung may-ari, pero naku, bahala siya sa buhay niya! Yung kuryente, walang resibo!

"Sabi namin, ’Puwedeng makahingi ng resibo?’ Parang magalit ka ba, siyempre alam mo ang resibo.

"Isang aircon lang... Wala naman ako do’n, pagka-taping.

"Yung kuryente, yung tubig, pagka-mahal! Kaya umalis na kami do’n ni Jason.

"Ang laki ng aming [renta]—15,000 [pesos] a month, plus kuryente pa, plus tubig.

"Mamatay ka na! E, ang liit lang. Almost 30,000 [pesos] din ang binabayaran."

Ito ang kuwento ni Melai nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng Happy Yipee Yehey! noong Sabado, May 7.

LIVE-IN ISSUE. Dahil ilang beses binanggit ni Melai ang pangalan ng boyfriend na kasama niya sa condo, naungkat tuloy ang dating isyu kung nag-live-in ba sila ni Jason.

"Hindi, ay! Dati na yung isyu.

"Kasi fourth floor siya, ako fifth floor.

"Di n’yo ba alam yun? Di ba, sinagot ko na yun dati pa?" paliwanag ng komedyana.

Dahil malayo na ang tinitirhan niya, bumili na si Melai ng sarili niyang sasakyan.

Si Jason naman daw ay umupa muna ng apartment sa may Scout area sa Quezon City.

May selosan pa rin ba sa kanila ni Jason?

"Naku, hindi na!" mabilis niyang sagot.

"Hindi na ako nagseselos kasi wala lang din naman. Sayang lang.

"Ako selos nang selos, tapos wala naman. E, di wag na lang magselos.

"Kakapagod lang," natatawa niyang sabi.

POKWANG. Ngayon ay magkasama na sina Melai at Pokwang sa noontime show na Happy Yipee Yehey!.

Ano ang pakiramdam ni Melai na madalas sabihin na sa bakuran ng ABS-CBN, siya ang susunod sa yapak ni Pokwang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, thank you very much naman na pina-partner ako kay Ate Pokey.

"Sobrang pagka-overwhelm naman yun. Kasama ko naman siya sa Banana Split," sabi niya.

May pressure ba sa part niya dahil ngayon ay isang live show ang pagsasamahan nila ni Pokwang?

"Hindi. Hindi ako napi-pressure, kasi iba naman siya. Iba naman ako.

"At saka si Ate Pokey, komedyante naman siya. Ako naman, parang disgrasya lang akong komedyante!

"Kumbaga, nadisgrasya lang ako na naging komedyante kaya hindi naman ako na-pressure," sabi ni Melai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN