Rufa Mae Quinto attracts an admirer on Temptation Island shooting in Ilocos

Rufa Mae Quinto reprises the role of Deborah Sun as yaya in the remale of the 1980 cult classic Temptation Island.

"Ini-enjoy ko na yung role ko. At least, comfortable na ako sa shooting. Maganda kasi bago... Yaya, ganoon. Alipin. Parang ako ang inaapi rito. Si Lovi [Poe] ang amo ko. Parang kakaiba," she says abour her role.


Kasalukuyang nagbabakasyon si Rufa Mae Quinto sa California.

Bago siya umalis last week ay nakausap muna siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Comedy Bar.

Si Rufa Mae ang pansamantalang humalili kay Eugene Domingo nang dumalo ang huli sa isang film festival abroad.

Pagbalik ni Rufa Mae mula sa maikling bakasayon sa U.S., magre-resume ang shooting ng pelikulang Temptation Island sa Subic.

Pagkatapos, segue ang buong cast sa disyerto ng Paoay, Ilocos Norte kung saan dumanas din siya ng init at hirap sa shooting.

ALIPIN. Sa Temptation Island, ginagampanan ni Rufa Mae ang role ng isang yaya, na unang ginampanan ni Deborah Sun sa original 1980 movie.

Kuwento ng sexy comedienne, "Ini-enjoy ko na yung role ko. At least, comfortable na ako sa shooting.

"Maganda kasi bago. Hindi katulad ng iba kong role na fashionista, ganyan.

"Dito, parang nilakihan ang kilay ko. Tapos, yaya, ganoon. Alipin.

"Parang ako ang inaapi rito. Si Lovi [Poe] ang amo ko. Parang kakaiba."

Ano ang mga pasabog niyang gagawin sa movie?

"Merong production number. Di ba, nagsayaw kami lahat?" banggit niya tungkol sa eksenang nasaksihan namin nang dumalaw kami sa shooting nila sa Ilocos Norte noong last week ng April.

"Pero yung role ko, may sariling production number talaga.

"Buga-buga ng apoy. May cartwheel. Talagang hataw!"

May chance ba siyang ipakita rin ang kaseksihan niya sa pelikula, gaya ng ibang mga kasama niya sa cast na sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, at Solenn Heussaff?

"Meron kasing part doon na naka-sexy talaga. Two-piece kami," sabi ni Rufa Mae.

"Yun yung hallucination, so ako ang pinaka-sexy doon. Parang gaganda rin ako sa hallucination.

"Sa whole movie, pang-yaya lang!" tawa pa niya.

SHOOTING IN A DESERT. Kumusta naman ang working relationship niya kina Marian, Lovi, Solenn, at Heart?

"Ayun, lalo kaming naging close—lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, wala kaming standby area. Masaya. Naging mas maganda yung chemistry kasi lahat close.

"Kahit mahirap ang ginagawa namin, nag-e-enjoy kami kasi gusto namin ang ginagawa namin," sabi ni Rufa Mae.

Ano lang ang ayaw niya sa shooting?

"Of course, mainit!" sambit niya.

"Tapos, hindi naman makapasok... Naglalakad kami nang malayo.

"Hindi naman makapasok ang sasakyan kasi sand nga. E, desert ’yon ng Pilipinas.

"Yun ang mahirap, ang mainit. Lahat napapaso, e. Hindi namin kayang mag-paa dahil super-init!

"Okey lang yung araw. Pero ito talaga, pati buhangin.

"Nagkaroon pa ng isang beses ng sandstorm. Na-experience namin ’yon.

"Lahat kami nakatalukbong kasi yung hangin, may kasamang... Kasi humahampas ’yon.

"Parang ako naman, ini-enjoy ko na lang. Tinatapos ko na lang."

MALE CAST. Kanino naman siya mas close sa male cast ng pelikula na sina Aljur Abrenica, Tom Rodriguez, at Mikael Daez?

"Well, una kong na-meet diyan si Tom," banggit ni Rufa Mae.

"Si Aljur, Kabalen ko ’yon. Kapampangan at kasama ko sa GMA. Close din kami.

"Kaya lang, nauna dumating [sa shooting] si Tom at si Mikael kaya mas nagkaroon kami ng time mag-bonding.

"Parang pare-parehas lang, e. Maging silang tatlo, close din.

"May show si Aljur, sumasama sila. Ganoon kami, e, barkada.

"Pero pinaka-close ko... Kasi nagba-badminton ako... Ay, nagpi-pingpong ako, so si Tom ang lagi kong kasama, pati sa food.

"Nakikihingi pala! Kaya ko pala sinasabi kasi may lunch box siya!" natatawang kuwento niya.

RUFA MAE’S ADMIRER. Pero balitang may pulitikong na-attract sa kanya habang nagsu-shooting sila sa Ilocos Norte. Totoo ba ito?

"Well, marami namang na-attract. Ultimo ngang driver, di ba?" sabi ni Rufa Mae.

"Hindi ko nga alam, e. Katulong na nga ang hitsura ko doon. Hindi pa ako naka-two piece or...

"Ewan ko. Baka siguro nakukyutan!" tawa niya.

Nakukyutan lang ba sa kanya?

"Ewan ko! Nagugulat ako. Parang, ’Bakit?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko lang iniisip na malakas pala ang appeal ko sa mga Ilocano. Kasi maraming mayors!" tawa muli ni Rufa Mae.

Biro namin, malakas din ang appeal niya kay Fabio Ide na nali-link sa kanya. Mukhang nagiging close na sila ng Brazilian-Japanese model/actor?

"Close naman talaga kami, di ba?" tawa na naman niya.

Lalo na ngayong "loveless" siya?

"Siya din naman. E, depende sa kanya. Charing!"

BIRTHDAY DREAM. Sa May 28 ay ise-celebrate na ni Rufa Mae ang kanyang 33rd birthday. Nagwi-wish pa din ba siya?

"I dream! Sagot ni Charlene [Gonzalez] ’yon. Just dream," sabi niya.

Ano ang dini-dream niya?

"Number one, gusto ko good health. Hindi ako lang, pati ang buong pamilya ko. Yun talaga ang pinaka-wish ko.

"Para sa sarili ko, mas mahalin ko pa, alagaan ang sarili ko.

"Yun ang plano ko ngayong kaarawan ko."

May material things pa ba siyang wini-wish?

"Wala na akong wini-wish sa material things. Lahat kasi nabili ko na.

"Parang wala na akong gana sa material things. Kasi, nakakasawa rin pala," sabi niya.

Sa personal niyang buhay, meron pa siyang wish?

"Well, siyempre, iwi-wish ko ring may ma-meet akong guy na mahihirapan siya bago niya ako mapasagot ng oo.

"Yes! Hindi puwede ang basta-basta. Kailangang kilalanin ko mabuti.

"Friend-friend muna para malaman mo kung magkakasundo kayo. Or love ba ’yon, o crush.

"Ayokong magmadali. Ayoko na kasing makipaghiwalay kapag nagka-boyriend na ako.

"Gusto ko siya na agad-agad!" tawa ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN