Louise delos Reyes explains relationship with leading man Alden Richards and suitor Enzo Pineda

Young actress Louise delos Reyes gears up to move to the primetime slot together with leading man Alden Richards. Louise’s afternoon drame-fantasy series, Alakdana, will conclude its successful run this coming Friday, May 13.


Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ni Louise delos Reyes ngayong malapit nang matapos ang GMA-7 afternoon series na Alakdana.

"Kasi nung natapos kaming mag-taping, parang may kulang sa sistema ng katawan ko. Parang hinahanap ko yung aga ng gising, yung taping namin—yung masayang taping," banggit ni Louise nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 10, sa Executive Lounge ng GMA Network Center sa Quezon City.

Maraming fond memories si Louise habang ginagawa ang Alakdana, at ibinida niya na bagamat seryoso ang lahat sa trabaho every taping day ay hindi naman nawawala ang masayang samahan between the cast members and the production staff.

"Kasi kalimitan, parang ang mentality ng mga artista, may taping na hindi masaya, puro pressure. And may taping naman na puro saya, pero walang ganun [pressure].

"Pero dito gumagaling ka, pero at the same time, parang ang gaan ng feeling," sabi ni Louise.

Masasabing experimental ang Alakdana sa parte ng Kapuso network management sa dahilang kadalasang inilalagay sa gabi o primetime ang mga programang may elemento ng fantasy.

Karaniwan kasi ay drama shows ang inilalagay sa hapon, at naging matagumpay naman ang diskarteng ito kung pagbabasehan ang ipinakita ng mga naunang programa katulad ng Kaya Kong Abutin Ang Langit (2009), Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (2010), Gumapang Ka Sa Lusak (2010), at Koreana (2010).

Maging si Louise ay nagulat sa magandang performance ng kanilang programa considering na bukod sa fantasy-drama ang Alakdana ay pareho pa silang baguhan ni Alden sa showbiz.

"Hindi naman siyempre natin alam kung talagang magugustuhan nila yung adventure ng isang babaeng alakdan, kasi first time din yun na magkaroon ng fantaserye sa hapon kaya nakakatuwa lang.

"Natatapos na yung ibang mga shows, tapos ikaw patuloy pa rin. Parang wow! Ang saya naman nito!

"Nagulat lang din ako ’tsaka natuwa," pahayag ng dalagang aktres.

ON ENZO AND ALDEN. Malaking bahagi ng tagumpay ng Alakdana ay ang onscreen chemistry sa pagitan nina Louise at Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero in real life ay hindi naman ikinakaila ng dalawa na magkaibigan lang sila, at ang tunay na manliligaw ni Louise ay ang fellow Kapuso artist na si Enzo Pineda. (CLICK HERE to read related article.)

"We’re very good friends," sagot ni Louise nang kamustahin ang kasalukuyang estado nila ng kanyang masugid na manliligaw for four months now.

"Nanliligaw po siya, pero napag-usapan naman po namin na hindi pa ako ngayon handang makipag-boyfriend. And tingin ko, marami pa siyang dapat patunayan."

Pinuri ni Louise ang pagiging "mabait" ni Enzo at masaya rin daw kasama ang binata.

Dagdag pa niya, "Mabait yung family niya. Ngayon, parang mas kinikilala namin ang isa’t isa."

Nilinaw naman ni Louise ang lumabas na isyu noon na diumano’y may alitan sa pagitan nina Alden at Enzo.

Hindi raw kasi nagustuhan ni Alden ang ginagawang pagdalaw sa set ng dating StarStruck V First Prince bilang hudyat ng panliligaw sa kapareha.

"Twice lang po siya [Enzo] dumalaw, and around the area lang siya kaya napadaan at may dalang pagkain," sambit ni Louise.

KNOWING ONE’S MOTIVE. Wala bang pagkakataon na nagparamdam sa kanya si Alden noong nagsisimula pa lang ang kanilang loveteam?

"Kasi kaming dalawa ni Alden, iba yung treatment, e. Iba yung relasyon sa kanilang dalawa.

"Si Alden, talagang super close kami, siya yung tinatanong ko kung ’Tama ba ’to? Tama ba ’tong desisyon ko? Mali ba ’tong ginagawa ko?’

"Si Enzo rin, iba yung relasyon naming dalawa.

"Matagal na kaming magkakilala ni Alden, even before Alakdana pa.

"So, parang nandun na yung foundation ng friendship. Parang nasanay na kami na ganito yung treatment namin sa isa’t isa.

"Si Enzo, from the start pa lang, napaalam na niya agad na iba yung intensiyon niya."

Mas gusto raw kasi ni Louise na sa umpisa pa lang ay alam na niya ang motibo ng isang lalaki para nga naman malinaw sa kanya kung ano ang dahilan ng pagiging mabait nito o sweet, at para maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa bandang huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang babae, kahit ako, hindi talaga ako nag-a-assume na, ’A, nanliligaw sa akin ’to.’

"Gusto ko sinasabi sa akin and pinapaalam sa akin kung ano talaga yung intensiyon para hindi ako nangangapa.

"Kasi natatakot din ako ma-misinterpret. ’Tsaka para alam ko yung igagalaw ko kung nandiyan siya," paliwanag ni Louise.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN