Mo Twister not giving up on Rhian Ramos; regrets tweeting about their intimate moments together

"I cry every day. Hindi ako makakain. Hindi ako makatulog. Affected talaga ako," says Mo Twister about how his rumored breakup with Rhian Ramos devastates him.


Bago pa man umere ang showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi noong Linggo, May 8, ay kapansin-pansin na ang pagiging tahimik ng isa sa mga host ng programa na si Mo Twister.

Opening na ng programa, pero matamlay pa rin siya. Malayo sa Mo Twister na nakasanayan na ng lahat na bukod sa katabilan ng kanyang dila ay maharot at mahilig manlaglag o magbuking sa co-hosts niyang sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, at Ruffa Gutierrez.

Pero noong Linggong ’yon nga ay parang wala siya sa sarili at tila namumugto pa ang kanyang mga mata.

Halatang affected talaga si Mo ng kung anumang problema sa relasyon nila ni Rhian Ramos.

Naging masyadong maintriga ang nangyaring hiwalayan nila ni Rhian. Lalo pa’t nagkapalitan pa sila ng medyo maaanghang na tweets sa kanilang Twitter accounts. (CLICK HERE to read related story.)

Paliwanag ni Mo sa kanyang mga co-host, dala lang daw ng kanyang hindi na nakontrol na emosyon ang naging isyu nila ni Rhian sa Twitter. Nagulat raw kasi siya na biglang may tweet na lang sa kanya ang aktres na break na sila.

Mas lalo pang tumindi ang intriga nang may mga tweet si Mo na patungkol sa pagka-miss nito na katabi si Rhian. ’Yong meron pang "please come home," at saka may nabanggit pang toothbrush na ginamit ng aktres, at hibla ng buhok nito na naiwan sa banyo. (CLICK HERE to read related story.)

Ang naging dating kasi sa iba pang mga nakabasa nito ay nagli-live-in na sila ni Rhian bago nangyari ang kanilang breakup. Mariin namang itinanggi ito ng TV host. (CLICK HERE to read related story.)

Hindi rin daw umano si Rhian ang tipo ng babae na makikipag-live-in nang hindi pa kasal. At lalo umanong hindi hahayaan ng parents nito ang gano’n.

"Yong "please come home" na nasa tweet niya, hindi raw literal na coming home ang ibig niyang sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Home kasi is me and Rhian," paliwanag ni Mo. "So what I mean by please come home—come back to me."

Wala silang inamin ni Rhian tungkol sa kanilang relasyon. Tapos biglang-bigla, heto siya at vocal sa kanyang nararamdaman tungkol sa problema sa relasyon nila.

UNANSWERED QUESTIONS. Mahaba-haba rin ang interview kay Mo ng mga co-host niya. Pero hindi pa rin klaro ang kuwento sa likod ng anumang problema sa relasyon ngayon nila ni Rhian.

Kaya pagkatapos umere ng Paparazzi, nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mo para sa mga tanong na hindi namin narinig na nabigyan niya ng direktang kasagutan.

Ano nga ba ang naging cause ng "breakup" nila?

"’Yon nga, misunderstanding," sagot ni Mo.

"Konting argument lang. Tapos medyo lumaki.

"Bago pa ’yong tweet niya sa akin na break na kami, meron na kaming misunderstanding. Na very small at minor na minor lang.

"Kaya nga masakit kasi we were at our best, tapos isang maliit na bagay lang ang naka-affect sa amin dito."

Kinulit namin si Mo na tukuyin kung ano nga ba ’yong maliit na misunderstanding sa pagitan nila ni Rhian na pinagsimulan ng lahat. Pero talagang ayaw niyang sabihin.

"Kasi it’s between us... ’yong argument. Wala lang...misunderstanding, tapos pumasok sa Twitter.

"Akala ko siya ang nag-tweet. Hindi pala. Nag-react naman ako.

"Kasi feeling ko, nainsulto ako. At ’yong mga nasabi ko, medyo masama. Nasaktan din siya," pag-amin niya.

BLAMING TWITTER. Sa Twitter daw niya naidaan ang paglalabas niya ng kanyang saloobin dahil wala na raw kasi silang communication ni Rhian.

Hindi na raw niya alam ang bagong number ng young actress. Kaya Twitter ang kanyang naging medium ng mga gusto niyang iparating sa aktres.

Na later na lang niya raw na-realize na mali.

Sising-sisi siya kung bakit hinayaan niya ang kanyang sarili na matangay ng kanyang emosyon para mag-tweet ng mga aniya’y hindi nga maganda for Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na feeling niya, kahit panay ang hingi niya ng patawad sa aktres at sa mga magulang nito, parang huli na.

Ano ba sa tingin niya ’yong pinakamasakit na nasabi niya kay Rhian through Twitter?

"I don’t know. Hindi ko siya nakausap, so... Hindi ko alam kung ano doon ang pinakamasakit. Siguro itanong mo na lang sa kanya."

Noon pa man, napapabalita na ring matindi ang pagtutol sa kanya ng mommy ni Rhian na si Mrs. Clara Ramos para maging boyfriend ng young actress. May tsismis pang madalas silang mag-away nito.

Ano nga ba ang totoo rito?

"More of misunderstanding. Hindi naman away," paglilinaw ni Mo.

"Kung away, e, di sana hindi ako puwedeng pumunta sa bahay nila.

"E, recently naman, do’n ako pumupunta sa bahay nila. Do’n ako dumadalaw kay Rhian.

"Pumapayag naman ’yong mommy.

"So, minsan may misunderstanding. Pero hindi naman sa level na away."

Iniisip ng iba, baka naman may third party?

Baka may ibang admirer o suitor si Rhian na pinagselosan niya? O di kaya, siya ang nabuking ni Rhian na may iba?

"No. I think if you know me, and how much I love Rhian, you’ll realize that I will never do that to her," sagot niya.

Kung sabagay, para sa isang lalake na umiyak nang dahil sa babae, mukhang mahal nga niya si Rhian.

"I cry every day. Hindi ako makakain. Hindi ako makatulog. Affected talaga ako," pag-amin ni Mo.

Kung hindi si Rhian ang nag-tweet na break na sila, sino sa palagay niya ang gumawa nito?

"I don’t know. I don’t want to speculate naman.

"Nangyari na ’yon. The damage has been done. I hope na lang na maayos ito."

NOT GIVING UP. Sa naging sitwasyon nila ni Rhian ngayon, may mga nagsasabing si Mo raw ang dapat sisihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit daw ba kinailangang sa pamamagitan ng Twitter siya mag-react? Kung hindi man niya alam ang bagong cell number ni Rhian, puwede naman daw siyang pumunta sa bahay ng mga ito para magkausap sila at magkalinawan.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Hindi, kasi... I have to respect the rules na hindi puwedeng tumawag sa kanya. May dahilan naman kung bakit wala siyang cell phone ngayon, e.

"So if that’s the case, you just have to respect it. Baka mas lalo silang magalit sa akin kung...

"I don’t know kung dahil sa akin kaya siya nagpalit ng number. If ever na iyon ang rule o in-instruct sa kanya," saad niya.

Dagdag niya, "It’s tough to be in this scenario. Akala ko, kaya namin ni Rhian to get over it."

So, naggi-give up na siya?

"No," mabilis niyang sagot.

Ipaglalaban pa rin niya ang pag-ibig niya kay Rhian?

"I don’t know. I’m just lost now. And, ’yon nga, medyo nahihirapan akong kumain...matulog."

Hanggang kailan niya titiisin na ganito ang sitwasyon nilang dalawa? Is he not planning to make any move para personal silang magkausap at magkalinawan?

"Maybe down the line. Sana. If ever."

Ano ba ang nakakapigil for him na gumawa ng hakbang so they can talk? Kailan ba sa palagay niya ang tamang panahon?

"Right now, I have to be honest lang kasi.

"It’s more like, I just have a hard time getting through the day. I can’t even plan for the future."

MISERABLE. Buong pamilya ni Mo ay nasa U.S. Mag-isa lang siyang namumuhay dito sa Pilipinas.

Kaya mahirap para sa kanya na sa pinagdaraanan niya ngayon ay wala man lang siyang balikat na maiyakan o masandalan. Lalo sa mga sandaling ramdam na ramdam niya ang kanyang pag-iisa.

"Miserable!" nailing at malungkot na sabi ni Mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya nagku-cope sa panahong ganito na tila nalulunod siya sa sobrang lungkot at depression? Nagri-resort ba siya to drinking or anything para makalimot sa problema o sa emotional pain na kanyang nadarama?

"Not really. I don’t drink.

"Basta nasa kuwarto lang ako. Madilim. Do’n ako nakahiga."

RHIAN’S IMAGE. Aware ba siya na naka-affect sa wholesome image ni Rhian ang mga tweet nga niya tungkol sa toothbrush o hibla ng buhok ni Rhian sa banyo, o ’yong sleeping beside her...mga gano’n?

"I don’t know," sagot ni Mo.

"Like I said, it’s not as bad as ’yong mga tao, parang feeling nila nagli-live in kami and stuff like that.

"It really is just...we spent so much time together. Kung mga free time ko o free time niya, magkasama kami.

"Mangyayari iyon kung halimbawa kailangan niyang mag-toothbrush. Na minsan lumalabas kami, tapos may garlic ’yong kinain namin, tapos ’Puwede maki-toothbrush?’

"Na, ’O sige, bilihan na lang kita ng toothbrush.’ Hindi naman ibig sabihin no’n nagli-live in na.

"Naiintindihan ko naman kung bakit ang mga tao ay ia-assume iyon sa nai-tweet ko. At do’n ako medyo sorry at regretful."

Inihahalintulad ni Mo ang love story at naging relasyon nila ni Rhian to a great movie na aniya’y maa-appreciate nang husto ng sinumang makakapanood.

"I just said that kasi parang it’s a really good love story. Better than any movie that I have seen.

"And if ever you get to read about it one day, you’ realize also na it was amazing," sabi niya.

Sa ngayon, tila huminto ang pag-ikot ng mundo para kay Mo matapos silang mag-break ni Rhian.

When will he start moving on?

"I don’t know. I just need to survive first. And then we’ll see."

Kapag nakita niyang may bagong boyfriend na si Rhian, do’n pa lang ba niya matatanggap na talagang nag-end na ang love story nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, mangyayari naman talaga iyon, e. Eventually, I’m sure she’ll find somebody new.

"And if that’s the case, sana love her like I did. Kasi she’s very worth it."

With that, parang sinabi na rin niyang tanggap na nga niyang hindi na sila magkakabalikan pa?

"Hindi naman tanggap. But eventually, mangyayari naman talaga iyon," sabi niya.

Pero kung siya ang tatanungin, ano ang ending na gugustuhin niya sa love story nila ni Rhian?

"That we work things out and everything will be okay."

Magkaroon ng part two?

"Sana!" sambit niya.

RHIAN’S SIDE. Samantala, hindi pa rin nariringgan ng anumang pahayag ang kampo ni Rhian.

Pero lumabas sa PEP Alerts na kinuha na ng kampo ng Kapuso young actress ang serbisyo ni Atty. Lorna Kapunan upang maging legal counsel nito.

Si Atty. Kapunan na raw ang sasagot ng lahat ng mga tanong tungkol sa relasyon nina Rhian at Mo.

Sa pagpasok ni Atty. Kapunan sa eksena, nangangahulugan ba na may balak ang kampo ni Rhian na magsampa ng reklamo laban kay Mo?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN