Carl Guevara observed market porters to prepare for his role in Blusang Itim

Hunky actor Carl Guevara reprises the role of the late Joel Alano in the TV remake of the 1986 film Blusang Itim.

"Yung role ko nga raw rito, medyo bad boy na handang makipagpatayan maligtas lang si Jessa [Kylie Padilla]. Maraming twists sa ngayon," he says.


Bago para kay Carl Guevara ang role na ginagampanan niya sa upcoming afternoon soap ng GMA-7, ang Blusang Itim.

May pagka-bad boy raw ang role niya rito bilang isa sa leading men ni Kylie Padilla.

"Yung role ko nga raw rito, medyo bad boy na handang makipagpatayan maligtas lang si Jessa [Kylie]. Maraming twists sa ngayon," pahayag ni Carl sa presscon ng Blusang Itim noong Lunes, May 9, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Unang ginampanan ng yumaong aktor na si Joel Alano sa 1986 movie ang role ngayon ni Carl.

Ayon sa model turned actor, nag-audition siya for the role. At hangga’t hindi sinasabing siya na ang napili ay hindi siya naging kampante.

"Actually, tatlong beses akong pinabalik dito," banggit ni Carl.

"Una, marami kami. Hanggang sa ma-trim down na dalawa na lang kami.

"Masaya lang ako kasi we already had out workshop. And up to now, nagwo-workshop pa rin ako kay Direk Gina Alajar kaya marami pa akong natutunan."

Sinunod din daw ni Carl ang naging advice sa kanya ni Direk Gina na gawin niya para ma-inspire sa role na ginagampanan niya.

Kuwento ni Carl, "Sabi sa akin ni Miss Gina, pumunta raw ako sa isang palengke. Tapos, tumingin ako ng isang teenager na nagtatrabaho ro’n.

"Ang role ko rin kasi dito, kargador sa palengke.

"Ginawa ko naman. Nagpunta ako sa palengke ng Kamuning.

"Naghintay-hintay lang ako habang nasa loob ako ng kotse. Inaral ko rin ang galaw nila [mga kargador].

"Dalawang araw kaya akong nagpunta!"

FROM JENNICA TO KYLIE. First time na magkakatrabaho at makakapareha ni Carl sa isang proyekto si Kylie. Ano ang naging reaction niya?

"Siyempre, na-excite naman ako!" sambit niya.

"At saka nanibago rin ako, kasi before, palaging si Jennica Garcia ang kasama ko. Ngayon, si Kylie. Medyo may mga adjustment."

Nami-miss din daw ni Carl si Jennica, lalo pa nga’t sunud-sunod ang pinagsamahan nilang shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nag-usap din naman kami ni Jennica. Kung sino ang unang magkaka-show sa amin, magti-text.

"’Uy, loveteam, meron na akong show.’ Ganun. So, tinext ko siya.

"Happy naman siya para sa akin, pero siyempre, nalungkot din siya.

"Nalungkot din ako kasi, hindi na kami magkakasama sa show unlike before na ilang shows na rin ang pinagsamahan namin."

Nali-link si Kylie kay Aljur Abrenica. Hindi ba siya nagwo-worry na baka pagselosan siya ni Aljur?

"Basta wala akong ipapakitang masama, basta wala akong gagawing kalokohan, bakit ako matatakot?

"Hindi ko pa rin naman nakaka-bonding pa talaga si Kylie. Kasi kung sakali, bukas [May 10] pa lang talaga kami magkakasama sa taping," sagot ni Carl.

Physically, type niya ba ang beauty ni Kylie?

"Maganda si Kylie, maputi at saka mabait.

"Sa akin naman, yung mas maka-bonding ko pa rin siya," sabi niya.

ZERO LOVELIFE. Pagdating naman sa kanyang lovelife, ayon kay Carl, two years na siyang walang girlfriend.

"Wala, wala talaga!" tawa niya.

"Two years na pero okay lang naman, career muna."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN