Ara Mina on her non-showbiz boyfriend: "I hope siya na kasi nakakapagod yung paiba-iba."

"Parang nakikita ko sa aming pareho priority pa namin ang magtrabaho," says Ara Mina when asked about plans of settling down with her non-showbiz boyfriend Raymond Ilusorio-Yap.


Noong Lunes, May 9, ay pumirma na ng kontrata si Ara Mina sa Viva Entertainment matapos siyang i-handle ng manager niyang si Dondon Monteverde sa loob ng 16 years.

Mahabang pangungumbinsi ang nangyari bago napagdesisyunan ni Ara na bumalik sa kanyang unang handler, ang Viva. (CLICK HERE for related article).

ON SETTLING DOWN. Kasabay ng pagtatanong tungkol sa kanyang sudden career move, hindi naiwasang pag-usapan ang estado ng relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Raymond Ilusorio-Yap.

"Wala pa kasi busy siya sa work and ako, gusto ko pa mag-work," sagot ni Ara nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may plano na ba silang magpakasal ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Dagdag pa ng aktres, "Parang nakikita ko sa aming pareho priority pa namin ang magtrabaho.

"Gusto namin mag-end up together, pero nakikita ko yung sarili ko sa kanya na workaholic.

"So, we’ll see, dadating din tayo diyan," sabi niya.

Matatandaan na nagbitaw ng salita noon si Ara na after four years ay saka niya lamang masasabi na handa na siya para magpakasal.

Ngayon, three years na lamang ang natitira sa apat na taong palugit na ibinigay niya. Pero aniya, ang palugit na yun ay sariling desisyon niya.

"Siyempre ang iniisip ko dun, yung sinasabi nga nila, mahirap magka-baby pag more than 35.

"I think that’s the right age na puwede akong mag-settle down," saad niya.

Kaya naman daw habang wala pa siyang baby, "Hihirit muna ako na magtrabaho nang magtrabaho para may maipon pa."

Hindi pa man buo ang loob ni Ara na magpakasal sa ngayon, gusto niya na ang current boyfriend ang siyang makatuluyan niya.

"I hope siya na kasi nakakapagod yung paiba-iba," sabi niya.

SISTER ACT. Katulad ni Ara, ang kanyang kapatid na si Cristine Reyes ay mayroon ding karelasyon ngayon—ang young actor na si Rayver Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, hindi naiwasang itanong kung paano kapag nauna pa magpakasal ang kanyang kapatid na si Cristine.

"Ay, hindi. May usapan kami!" bulalas ng aktres.

Pero hindi naman daw seryoso ang usapang ’yon.

"Hindi naman namin exactly napag-usapan na, ’Uy, mauuna ako sa ’yo, ha.’ Hindi ganun.

"Kumbaga, alam na niya yun na, ako si Ate, dapat mauna muna si Ate.

"’Tsaka she’s too young," saad ng 32-year-old actress tungkol sa kanyang 22-anyos na kapatid.

Okay naman daw ang relasyon nilang magkapatid ngayon. Si Cristine pa nga raw ang nagsabi sa kanya na dapat siyang umarte ulit.

"Sabi niya sa akin, ’Ate, dapat gumawa ka ng movie kasi magaling ka umarte.’

"So, parang napaisip din ako. Parang, oo nga naman, sayang yung time.

"I’m not getting any younger, so puwede pa tayong gumawa ng pelikula."

Napansin din daw ni Ara na malaki na ang pinagbago ng kanyang kapatid simula nang makarelasyon nito si Rayver.

"I can see naman na nagma-mature na siya compared before.

"’Tsaka happy ako na wala nang intriga sa kanya lately, mas tahimik.

"’Tsaka hindi na siya masyado nagtu-Twitter ngayon. Kaya din siguro tahimik ang buhay niya."

Ang mahalaga raw kay Ara ngayon ay maayos ang takbo ng career at buhay ng kanyang kapatid.

Hindi pa rin naman din daw niya nakikita na pumapasok na sa isip ni Cristine ang pag-aasawa.

Payo niya sa kapatid, "Basta maganda yung may inspiration ka, yung nandiyan lang habang parehas naman kayong may career.

"Boto kasi kaming lahat kay Rayver, but it doesn’t mean na mag-asawa na sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN