Model-actor Mikael Daez signs exclusive contract with Kapuso network

"One thing that I can assure everybody and anybody is, I will give two-million percent of what I can. Iyon lang magagawa ko," says Mikael Daez about being an exclusive talent of Kapuso network.


Matapos ang tatlong malalaking projects na ibinigay sa kanya ng GMA-7, pumirma na ng exclusive contract si Mikael Daez sa Kapuso network.

Kasama si Mikael sa kauna-unahang epicserye ng GMA-7, ang Amaya, bilang isa sa leading men ni Marian Rivera.

Pero bago ito ay napanood siya sa Spooky Nights Presents Bampirella, kunsaan nakasama niya rin si Marian.

Sa kanya namang unang pelikula, kasama siya sa cast ng remake ng 1980 cult classic na Temptation Island, mula sa GMA Films at Regal Entertainment.

Muli, makakasama ni Mikael dito si Marian, pati sina Heart Evangelista, Lovi Poe, Rufa Mae Quinto, Solenn Heussaff, John Lapus, Tom Rodriguez, at Aljur Abrenica.

Biglaan ang pagkakasali ni Mikael sa Temptation Island. Kinailangang mag-backout ng original choice para sa role na si Paulo Avelino dahil nagkasakit siya. (CLICK HERE for related article.)

EXCLUSIVE KAPUSO. Ngayong exclusive Kapuso na siya, ano ang pakiramdam niya?

"Well, I haven’t experienced anything else. But so far, I’m really happy," sabi ni Mikael nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing niya sa GMA Network Center kaninang tanghali, May 11.

Dagdag niya, "I’m so happy ’tsaka yung work, masaya siya kasi I learned a lot... It’s the kind of environment na nagustuhan ko talaga."

Binanggit din ng Chairman at CEO ng GMA-7 na si Atty. Felipe Gozon na kilala niya ang lolo’t lola ni Mikael.

"Ang kaibigan ko talaga, yung lolo niya, si Rony Daez," sabi ng big boss ng Kapuso network.

Ganunpaman, hindi raw iyon ang dahilan kaya kinuha nila bilang exclusive talent si Mikael.

"Well, you can see him. Even now I think he has a lot of potential," pahayag ni Atty. Gozon.

Ngayong exclusive na si Mikael sa GMA-7, ano ang mga dapat abangan sa kanya ng mga manonood?

"One thing that I can assure everybody and anybody is, I will give two-million percent of what I can. Iyon lang magagawa ko," nakangiting sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOWBIZ UNEXPECTEDLY. Si Mikael ay nag-graduate last year sa Ateneo de Manila University ng kursong Business Administration.

Kaya naman hindi inakala ng kanyang pamilya na papasukin niya ang industriya ng showbiz.

"Na-shock sila, natawa nang konti," sabi niya.

"We laugh about it. Kinukuwento ko sa kanila paano ba yung trabaho ko dito, anong ginagawa ko.

"And for them, naninibago din sila."

Ganun pa man, nananatili naman daw ang suporta ng pamilya niya sa kanya.

Pero inamin ni Mikael na maging siya ay hindi niya inakala na papasukin niya ang pag-artista.

"At first, oo, akala ko businessman ako," sabi niya.

Pero handa naman na raw siya sa anumang dapat niyang kaharapin sa industriyang ito, kagaya ng intriga.

"Hindi naman yung intriga ang nagpapadala sa isang tao, e," sabi niya.

"Ang mindset ko dun, focus on acting, try to get better, tapos focus lang sa skills na magpapagaling sa’yo."

HAPPY DECISION. Ang focus ni Mikael ngayon ay ang mapaghusay ang kanyang performances sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

Hindi man daw planado at nakakagulat ang lahat ng mga nangyari sa kanyang career, masaya niyang tinanggap ang mga oportunidad na ito.

"I’m so happy with my decision," sambit niya.

"Sobrang saya ko sa decision ko kasi it gave me this experience that I got in Temptation Island—one of a kind."

Masaya din daw siya sa suportang ibinibigay sa kanya ng network at ng mga kasamahan niya sa kanyang mga proyekto.

"Mahirapan, like in terms of keeping up, hindi rin. Kasi yun nga, kaya rin akong sobrang saya dito sa GMA because nagtutulungan kaming lahat."

Bagamat karamihan ng kanyang mga kasama sa trabaho ay sanay na umarte sa harap ng camera, hindi naman daw nahihiyang humingi ng tulong si Mikael.

"Like how you block it out in front of the camera, tatanungin ko, hindi ako nahihiya, sasabihin ko, ’Direk, okay lang ba ’to?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit ako lang yung nagtatanong nun, at least hindi na sila mahirapan. Alam naman nila gusto ko matuto."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN