Charlene Gonzalez says love scene of Aga Muhlach and Angel Locsin is one of her favorite scenes in In The Name of Love

Charlene Gonzalez on making movies: "Noong mag-asawa na kami, usapan na namin ’yan, na siya na lang ang gagawa. Sabi ko, o, sige dahil supportive ako, siya na lang ang gagawa."


Ikalawang beses na raw napanood ni Charlene Gonzalez-Muhlach ang pelikulang In The Name of Love noong premiere night nito sa SM Megamall last Tuesday night, May 10. Palabas na ito ngayon sa mga sinehan.

Pero napansin namin na kahit ikalawang beses na, tila galing pa rin sa pag-iyak ang mata ni Charlene sa mga napanood na eksena sa pelikula.

Masaya nga niyang sabi nang kamustahin namin sa kanya ang movie sa after-party nito, "It’s my second time, and it is even gets better the more you watch it.

"Sobrang ganda. Sobra ’kong proud sa asawa ko, kay Angel [Locsin], kay Jake [Cuenca], kay Direk Olive.

"I would say it’s one of the best performances I’ve seen."

Kung si Aga Muhlach ang tatanungin, at sa tuwing magkukuwento ito tungkol sa pelikulang almost one year in the making, madalas nitong sabihing part ng pelikula si Charlene.

Paano nasasabi ng asawa niya ’yun?

"Well, kasi, si Aga kapag gumagawa ’yan ng pelikula, sobra siyang involved.

"Pati sa bahay, talagang dalang-dala niya. Minsan, dala-dala pa rin niya ang character.

"But he really loves doing movies. ’Yun talaga ang first love niya.

"’Yang buong year na ’yan, I’m so happy, I’m so proud."

Tinanong namin si Charlene kung paano niya iko-compare ang mga past movies ni Aga sa In The Name of Love.

Aniya, "Iba...iba rin ’to. Dito talaga...Aga is an actor, at kahit asawa ko ’yun, parang nahihiya rin ako na magsabi at pumuri sa asawa ko.

"Siyempre, asawa ko siya, but I just get amazed by my husband and his talents, sobra!"

Yung love scene nina Aga at Angel sa movie ay pinalakpakan ng husto. Paano naging reaction niya ro’n bilang misis ni Aga at kasamang nanonood?

"Ako, gustong-gusto ko ’yung eksenang ’yun. It’s one of my favorite scenes in the movie kasi, ayokong magkuwento, baka ma-spoil sa ibang viewers, pero ang galing!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang galing talaga from the beginning, middle to the end, mahirap ikuwento, di ba?

"’Yung mga favorite scene mo kasi, malalaman din nila ang story.

"But very, very nice," nakangiti niyang sabi.

Malaking iling naman ang sinagot agad ni Charlene nang tanungin namin ito kung, personally, especially after watching movies of her husband, hindi ba dumarating sa kanya ang urge or pagka-miss to do movies again?

"No, no...pinag-usapan na namin ’yan ni Aga.

"Noong mag-asawa na kami, usapan na namin ’yan, na siya na lang ang gagawa.

"Sabi ko, o, sige dahil supportive ako, siya na lang ang gagawa."

Pero dugtong din niya, "Pero siyempre, alam mo, kapag kasama ka sa industriya, you will always like to try different things.

"Pero sa ngayon, mas importante naman sa akin na mas maging buo ang pamilya ko at mas maging maayos ang samahan namin.

"For now, okay muna ’yan."

Masaya rin at, obviously, may pagmamalaki si Charlene na 10 taon na silang nagsasama bilang mag-asawa ni Aga ngayong May 28.

Nang kausap namin si Charlene pagkatapos ng premiere night, sinabi nitong wala pa raw silang anniversary plan ni Aga.

Aniya, "As of now, wala pa. Tinapos muna namin ang movie. Hindi pa talaga kami nag-plano until matapos na ang premiere and first day of showing.

"Siguro kapag natapos na, like, second day of showing, doon na kami magpa-plano."

Natatawa siya habang sumasagot.

Out of the country kaya?

"Baka...baka. Kasi, up to the last minute, usapan namin, tapusin muna namin...tapusin pala niya," natawa niyang sabi.

"Feeling ko kasama ’ko sa movie, hindi pala ’ko kasama."

Renewal of vows, may plano ba sila?

"We will be...we will be doing something. We will be doing that," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN