Zsa Zsa Padilla is proud of her kids Zia Padilla Quizon and Karylle

"I trust my kids that they will make the right decisions. Siyempre, hindi naman namin hahayaan ni Dolphy na mapariwara ang mga anak namin, di ba? Si Karylle naman is of age na to make her own decisions. Pag kailangan niya ng advice, that’s when I get in," says the Zsa Zsa Padilla about her daughters Zia Padilla Quizon and Karylle.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla bago siya sumailalim sa Ulthera procedure na mismong si Dra. Vicki Belo ang nagsagawa sa Belo Clinic sa Medical Plaza Makati kahapon, May 11.

Siyempre pa, naitanong kay Zsa Zsa kung kinailangan ba niyang magpaalam sa partner niyang si Dolphy at sa mga anak nila para sa ia-undergo niyang bagong beauty procedure.

"Hindi na. Sinasabi lang nila minsan, ’You look younger!’" natatawang sabi ni Zsa Zsa.

Ano naman ang reaksyon ng Comedy King kapag nakikita nitong mas bumabata ang hitsura ni Zsa Zsa?

"Sasabihin niya, ’Ako nga, yung eyebags ko.’ Yun ang palagi niyang drama.

"Sabi ko, I think it’s kind of too late for you. Natatawa lang siya.

"Pinagtatawanan lang namin. Siyempre sa lalaki iba naman, di ba?

"Baka naman ma-shock na lang kayo isang araw na hindi na siya mukhang Dolphy, at mukha na siyang bagets na bagets.

"He’s turning 83 na naman.

"Kumbaga, minahal na siya ng mga tao sa ganung hitsura niya."

DOLPHY’S HAPPINESS. Kumusta naman si Dolphy ngayon?

"He’s good naman. He still tapes naman sa TV5.

"He loves to do that, yung Pidol’s Wonderland. Happiness niya yun, e.

"Talagang, alam mo yun, ang showbiz parang nakakabata in a sense.

"Because you’re surrounded by a lot of people na ang ganda-ganda ng energy, very positive yung energy, kaya nake-carry yun, e.

"Kumbaga, nadadala niya yun hanggang pag-uwi niya."

ZIA PADILLA QUIZON. Bukod kay Karylle, pumasok na rin sa showbiz ang isa sa mga anak niya kay Dolphy na si Zia Padilla Quizon.

Tulad nila ni Karylle ay singer din daw si Zia.

Kamakailan ay nag-undergo si Zia ng dance workshop under G-Force at nagkaroon ng dance concert ang mga workshoppers.

Tuwang-tuwa naman si Zsa Zsa nang mapanood na sumasayaw ang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, konting-konti nga lang yung participation niya dun kasi she has been doing corporate shows already.

"So, I’m so proud of her.

"Sabi nga ni Dolphy isang araw, ’Kumikita na talaga yung anak natin.’

"’Oo nga, tuluy-tuloy na yan,’ sabi ko naman.

"But she’s still studying. Naka-break lang siya now, kaya she’s busier with her career.

"Sana tuluy-tuloy yung pagwo-workshop niya kasi palagi ko siyang niloloko na, ’Buti na lang nagmana ka kay Dolphy kasi marunong kang sumayaw.’

"Kasi I have two left feet, I can’t dance talaga. I’m always forced to dance.

"Hindi lang alam ng mga tao na, before, when I’m asked to dance, I cry.

"Kasi noong ’80s pa lang, ang ka-partner ko na noon, si Gary Valenciano na ganun kahusay sumayaw. Tapos ang dancers namin Hotlegs.

"So, ang pagtingin ko sa sayaw ganun kataas talaga."

PROUD OF OTHER SHOWBIZ KIDS. Hindi lang daw si Zia ang nasa dance concert kundi ang iba pang anak ng mga artista.

"I’m proud of all the other showbiz kids.

"I saw the kids of Ruby Rodriguez, Ai-Ai delas Alas, talagang pang-dancer level na.

"I’m so proud of these kids. Na naaalala mo, ’Yan na ba ang anak ni Ruby?’

"Parang nata-time warp ka na. Ang gagaling nila!

"Sila na talaga yung magiging next generation of artista.

"Tapos ang cute nung anak ni Valerie Concepcion, sumasayaw rin!

"Madami pang ibang showbiz kids doon."

LETTING HER KIDS DECIDE. Supportive daw siya kung ano man ang mapiling pasukin ng mga anak niya, whether it be showbiz or not.

"I’m just here to guide them and support them.

"I trust my kids that they will make the right decisions.

"Siyempre, hindi naman namin hahayaan ni Dolphy na mapariwara ang mga anak namin, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Karylle naman is of age na to make her own decisions. Pag kailangan niya ng advice, that’s when I get in."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN