Ai-Ai delas Alas on Aljur Abrenica: "Nanay lang ang tingin niya sa akin!"

Ai-Ai delas once again answered issues linking her to young hunk Aljur Abrenica at her launching as Flawless’ newest endorser earlier today, May 12. "Nung nakita ko yung billboard niya, ang guwapo niya dun sa billboard niya sa may Edsa. Ang guwapo niya!" says the comedienne about the Kapuso star.


"Nanay lang ang tingin niya sa akin!" natatawang pagtukoy ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa pagli-link sa kanila ng Kapuso young actor na si Aljur Abrenica.

"Totoo ’yon, loveless ako," diin pa niya.

Pero aminado ang four-time Box-Office Queen na may paghanga siya kay Aljur.

"Oo!" sambit niya.

"Lalo na nung nakita ko yung billboard niya, ang guwapo niya dun sa billboard niya sa may Edsa. Ang guwapo niya!"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ai-Ai sa presscon na inihanda para sa kanya ng Flawless kaninang tanghali, May 12, sa 55 Events Place sa Tomas Morato, Quezon City.

Si Ai-Ai ang napili ng Flawless na maging endorser ng kanilang line of anti-aging products, partikular na ang SkinLift Nutraceutical tablet at Anti-Aging product kit.

Muli ring nilinaw ni Ai-Ai na hindi pa sila personal na magkakilala ni Aljur.

"Actually, nag-usap lang kami nun sa phone. Hindi naman talaga kami nagkita in person.

"Nakita siya ng driver ko, naglalakad sa may Mercury. Sabi niya, ’Ma’am, Ma’am, si Aljur, o!’

"Sabi ko, ’Nasaan?’ ’Wala na, nakaalis na, Ma’am.’

"Pero nakita ko ang billboard, ’Wow, ang guwapo-guwapo pala ni Aljur! Kaya pala.’"

YOUNGER MEN. Inamin ni Ai-Ai na nakaka-boost ng confidence niya ang pagkaka-link niya sa hunky young men, na ang iba pa nga ay foreigners.

Oo. Nakakatuwa," sabi niya.

"At saka kasi, kumbaga, desisyon ko na rin ’yon sa buhay ko. It’s a decision.

"Kasi simula nung... hindi naman nasira, pero simula no’ng...

"Kasi, di ba, alam naman natin na may asawa si Miguel, tapos ang gulo-gulo ng buhay ko, ’pinangako sa sarili ko na never na akong papatol sa may-asawa."

Ang dating singer na si Miguel Vera ang pinakasalan noon ni Ai-Ai, pero nalaman niya na kasal pala ito sa ibang babae. May dalawa silang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Ai-Ai, "Okay lang na intrigahin nila ako, kunwari bata, basta hindi ako nakakasira ng pamilya."

So, ayaw na niya sa kasing-edad niya o mas matanda sa kanya?

"Kung walang asawa, bakit naman hindi?" sagot ng 46-year-old actress.

"Huwag lang yung papunta na sa 100! Kasi, parang wala nang mangyayari sa amin no’n, di ba?

"Ang tanda...hindi naman matanda, ageless ako. Pero kung ganun naman katanda, ano pa ang sarap no’n, wala na!" natatawa pa niyang sabi.

Ano naman ang reaction ng mga anak niya kapag nali-link siya, o kapag nagkakaroon siya ng boyfriend na mas bata sa kanya?

"Yun pa namang dati kong naging ka-date... Ka-date lang naman ’yon, hindi naman boyfriend, pero tinatanong nila.

"Siyempre nag-o-opinyon din ang mga bata kung ano yung ginagawa, kung ano trabaho, gano’n. May question-and-answer portion.

"So, meron na silang say ngayon. Hindi na puwedeng basta-basta ’puwede na iyon.’

"Pero parating ang main point nila—’Kung saan ka masaya, basta huwag ka lang nilang sasaktan.’"

SUGAR MOMMY. Inamin din ni Ai-Ai na sa isang punto ng buhay niya ay naging "sugar mommy" siya.

"Dati!" natatawang sabi niya. "Alam n’yo naman yung experience, ba’t ikukuwento ko pa?"

Nang ma-link nga siya kay Aljur ay muli siyang nasabihan na "sugar mommy," dahil inakalang totoong Porsche ang ibinigay niya rito.

"Okay lang, naiinggit lang sila!" biro niya.

Pero paglilinaw ni Ai-Ai, "Hindi, ano lang, joke-joke lang ’yon.

"Pero totoong binigyan ko siya ng ano...sunod Lamborghini naman. At least, bubuksan yung mga pinto nung mga kotse."

Toy car o miniature car ang tinutukoy ng komedyana.

Pero kung saka-sakali ba ay matatagalan niya ang makipagrelasyon sa isang lalaki na kasing-edad ni Aljur?

"Kasi na-experience ko na, so siguro, ngayon hindi na," sagot niya.

"Kasi sinasabi ko, magbo-boyfriend ako, 27 and above.

"Kasi si Aljur yata, 22 lang. E, two years lang ang gap nila ng anak ko... Kahit man lang [sana] five years ang gap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa totoo, 21 years old pa lang si Aljur, samantalang ang panganay na anak naman ni Ai-Ai, si Sancho, ay 20.

Sabi pa ni Ai-Ai, "Enjoy yung mga bata. Kaya lang kapag yung usapan na, wala kayong mapag-usapan.

"Kasi iba yung era nila sa era ko, e.

"Pero masaya sila. Sa laro, oo. Pero pag seryosohang usapan, mahirap din.

"Kasi iba ginagawa nila, e. Di ba, yung iba, naglalaro lang?"

Pero aminado si Ai-Ai na nakakabata ang magkaroon ng mas batang boyfriend.

"Kasi sabi nila, di ba, ang love, nakakabata?

"Pero ako, 27 and above pa rin ako. Kasi na-experience ko na yung 22.

"At ano pa ako no’n ha...six years ago pa ’yon. Medyo bata pa rin ako.

"Hindi pa rin kaya. Yung wavelength n’yo, hindi talaga pantay, masyadong malayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN