Bea Alonzo jokes about being linked to Zanjoe Marudo: "Parang masama kung ili-link siya sa iba."

"Okay naman. Parang wala namang masama. Parang masama kung ili-link siya sa iba. Joke lang!" Bea Alonzo said playfully when asked about being linked constantly to fellow Kapamilya star Zanjoe Marudo.


Abala na muli si Bea Alonzo sa trabaho matapos siyang maospital ng apat na araw dahil sa throat infection.

Para sa Kapamilya actress, memorable experience ang pagkakasakit niya kamakailan dahil "first time ko na na-admit [sa ospital]!"

Nakausap si Bea ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na dumalo sa media launch ng kanyang iniendorsong shampoo product, ang Clear, kahapon, May 12, sa Midas Hotel sa Roxas Boulevard, Pasay City.

Patuloy pang kuwento ni Bea, "Kasi, ayaw ko ng hospitals, e.

"First time kong nagpa-admit so, ibig sabihin, kapag nagpa-admit ako, it was really, really painful."

Dahil sa pagkakaospital nga ni Bea, napagtanto niya, "Health is wealth talaga."

Hindi raw kasi sanay si Bea na pumirmi sa ospital. Kaya naman natatawa siya nang inaalala niya ang mga araw na namalagi siya sa St. Luke’s Hospital sa The Fort, Taguig.

"Alam mo, four days pa lang ’yon, ha, hindi ko na kaya. Bored na bored na ako.

"Doon ko napatunayan na hindi ko kayang mag-PBB," pagtukoy ni Bea sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.

Dagdag niya, "At saka nade-depress ako, nagiging sensitive. Kasi, parang feeling ko, mag-isa lang ako kahit na marami naman ding tao.

"Ayaw ko nang ma-hospitalize. At saka ang pangit, nakakapangit!

"Kapag nandoon, di ba, may dadalaw sa ’yo, ’tapos makikita kang gano’n ang hitsura mo?

"Ayaw ko talaga. Nakakahiya namang mag-lipstick kung nasa hospital ka.

"Wala kang choice kung hindi fresh ka lang, mabangong-mabango ka lang. Pero ang hitsura mo, parang gano’n lang.

"Parang ayaw kong nakikita nila ako that way," saad ng young actress.

ZANJOE VISITS BEA. Bagamat nabagot siya sa loob ng ospital, natutuwa naman ang dalagang aktres na bumisita ang kanyang mga malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Kasama na rito ang kasalukuyang nali-link sa kanya na si Zanjoe Marudo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin kung may dala bang mga bulaklak at prutas si Zanjoe nang bumista ito, napangisi si Bea.

"Normal naman ’yon, di ba? Para namang hindi normal na hindi siya magpapadala."

Pagkatapos ay kinumusta ng TV5 reporter na si Morly Alinio si Bea kung sila pa rin ba ni Zanjoe.

Tumingin ang aktres sa reporter at pabirong sumagot ng: "Sinabi ko ba sa ’yong kami na?"

Ang sumunod na tanong sa kanya ay: "Ano naman ang masasabi mo na patuloy kayong nali-link ni Zajoe?"

"Okay naman. Parang wala namang masama.

"Parang masama kung ili-link siya sa iba. Joke lang!" natatawang sagot ni Bea.

WORKING WITH ROBIN PADILLA. Ilang araw matapos ang kanyang pagkakaospital ay balik-trabaho na muli si Bea.

Sa ngayon ay abala ang Kapamilya star sa kanyang nalalapit na bagong teleserye, ang Guns and Roses, kasama si Robin Padilla.

Kumusta ang pakikipagtrabaho niya sa action star?

"It’s been fun at saka inspiring," sagot niya.

"Nase-sense ko talaga ’yong passion niya sa trabaho, so talagang mahahawa ka."

Bukod dito, tulad ng sinasabi ng mga nakaraang leading ladies ni Robin, inilarawan din siya ni Bea bilang "gentleman."

Dagdag pang sabi ng award-winning actress, "Ang sarap mag-taping kasi laging busog ang tenga ko sa magagandang bagay.

"At saka, di ba, may mga araw na parang ang feeling mo ang pangit mo? May mga gano’n ako na ’Hindi ako maganda ngayong araw na ’to.’

"Sasabihan ka niya ng mga compliment na parang you’ll feel good."

Hindi naman nababahala si Bea na baka maging ugat ito ng pagseselos ng asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez.

Mabilis na depensa ni Bea, "Gano’n naman siya sa lahat, e. He’s really romantic talaga na tao.

"Pero it doesn’t mean na mayroong ano...wala naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN