Mac Alejandre embraces the pressure and hardship of directing "the biggest and most expensive" TV series of GMA-7

"There’s one thing about Marian that people don’t know—iyakin ’yan. She’s very kindhearted and iyakin. Yung sinasabi nilang taray, hindi taray ang tingin ko ro’n. Ang tingin ko ro’n, spunk. You’re spunky. You speak your mind out," says director Mac Alejandre about Amaya lead star Marian Rivera (inset).


Kahit kasagsagan ng taping para sa Amaya, naglaan pa rin ng kanyang oras si Direk Mac Alejandre sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na bumisita sa taping nila sa Pagsanjan, Laguna, noong Miyerkules, May 11.

Siyempre pa, ipinagmalaki ni Direk Mac ang kauna-unahang epicserye ng GMA-7, na tinatayang "biggest and most expensive" na primetime series na ginawa ng Kapuso network.

THE PRESSURE. Unang tanong nga ng PEP kay Direk Mac, sobrang pressure na ba ang nararamdaman niya bilang direktor ng pinakamalaking proyekto sa kasaysayan ng GMA-7?

"Ano ang pressure? We live in pressure every day!" natatawa niyang sabi.

"Mahirap ba? Sukdulan ng hirap. Napakahirap. Pinakamahirap.

"But then again, I always believe that nothing that’s good comes easy, di ba?

"And ano siya, given siya sa nature ng material. Wala kang choice.

"The only way to do it is to embrace everything. Embrace the story. Embrace the setting. Embrace the situation.

"Mahirap, yakapin mo, and then be consumed by it.

"Dahil extraordinary siyang proyekto, dapat ang atake mo is extraordinary.

"Dapat ano siya, bahagi ka ng kabuuan. Dapat you’re passionately into it.

"Hindi puwedeng hindi, sa hirap niyang gawin."

"Pinakamahirap" na TV series nga raw na ginawa ni Direk Mac ang Amaya.

"Ito ang pinakamahirap by virtue na ang nire-recreate natin ay isang moment in history na hindi written.

"Meaning, lahat siya documented based on oral history. Wala siyang picture. Lahat interpretation or description.

"So, you try to be as accurate as possible.

"So, gaano siya kalaki? May research siya.

"Pagkatapos ng research niya, may scripting siya.

"Pagkatapos, babalik ’yan sa team ng historian to validate.

"Dalawang levels kasi ’yan. Yung una, yung konteksto ng panahon.

"So, para mabuo mo ang konteksto ng panahon, you try to be as accurate as possible sa kasaysayan.

"In terms of architecture, materials, clothes—yun, e, isang malaking stumbling block na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After that, ie-execute mo ’yan," paliwanag ng direktor.

Patuloy ni Direk Mac, "Ang pinaka-heart ay ang kuwento. Kuwento ’yan ni Amaya. Buhay, pakikipaglaban.

"It’s a journey. It’s a woman’s journey. It’s a family’s journey. It is a journey of the entire nation.

"Ang maganda nito, pinili ang panahon bago tayo sakupin. Wala pang impluwensiya mula sa West.

"Ang impluwensiya lang sa atin, karatig-bansa natin."

MOST EXPENSIVE. Marami ang Korean series na ipinalabas na dito sa Pilipinas na ang tema ay historical at naka-costume ang mga bida.

Gaya ng Jewel in The Palace, Jumong, at Queen Seon Deok—na pawang naging hit.

Dito kaya sa Pilipinas, tinanong ng PEP kung sa palagay ni Direk Mac ay handa na ang Pinoy audience sa ganitong klase ng teleserye?

"Palagi silang handa sa isang magandang istorya," sagot niya.

"Ang magandang istorya ay puwede mong balutan ng isang simpleng damit, or puwedeng mag-change costumes ten million times."

May dalawang historians daw mula sa University of the Philippines ang Amaya na nagga-guide sa kanila.

Kalahating taon naman daw ang naging research nila para sa proyektong ito.

Lahat ng telang ginamit na costumes ay nanggaling pa sa Indonesia, Thailand, at Malaysia.

Ang ginagamit na warship, na tinawag nilang Karakoa, ay talagang pinagawa, at nagkakahalaga ng mahigit sa isang milyon piso.

Bukod pa rito ang mga itinayo nilang sets at iba pang props.

Gaaono kalaki na o ilang milyon na ang nagagastos ng network para sa Amaya?

"Puwede kong sabihin na hundreds of millions," sabi ni Direk Mac.

"Puwede kong sabihin na ito ang pinakamahal na ginawa ng GMA.

"Posible kong sabihin na ito ang pinakamahal na ginawang drama sa Philippine television."

Ang target audience daw nila ay lahat.

"Ito ang pinakamagandang comment na narinig ko... Napanood na ng mga boss yung mahaba-habang edited.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ng mga boss, after a couple of minutes na nakita mo na silang naka-costume, you forget na naka-costume sila and then you get involved with the story.

"Yun ang gusto kong mangyari. Konteksto siya.

"Ang bida ay kuwento. Na ang konteksto ay ganito.

"I’ll give you another example—a real event. Pero ang bida, sina Jack at si Rose.

"Naka-context sila sa isang bahagi ng kasaysayan na naganap, pero hindi naman totoo ang kuwento.

"Niyakap natin sina Jack at Rose sa isang konteksto na ganoon.

"Everything becomes matter of fact...

"Habang ginagawa, naiisip mo, ang laki nito, naka-topless, totoo yun.

"Lahat nagaganap kasi wala pang alam na istorya ang audience.

"Kapag napanood na nila, that takes a back seat. Ia-usher in noon ang tamang story.

"Ito yun. Ito ang bida. Ang kasaysayan ni Amaya.

"It’s a beautiful, beautiful journey."

MARIAN RIVERA. Isa si Direk Mac sa madalas na nakatrabaho na sa iba’t ibang projects ang bida ng Amaya na si Marian Rivera.

Nagkasama na sila sa Marimar, Endless Love, at sa pelikulang One True Love.

Kaya marahil isa si Direk Mac sa makakapagsabi kung ano nga talaga ang totoong pag-uugali ni Marian.

"Ako, I’m very proud. Maybe I am one of the few directors na nakatrabaho ni Marian sa pelikula, sa telebisyon, at sa commercial.

"Ginawa ko yung SanMig light nila ni Dingdong [Dantes] na nagseselos, ako gumawa no’n.

"Gumawa kami ng mga TV shows ni Marian, gumawa kami ng pelikula at nagkatrabaho kami even before Marimar," sabi niya.

Tanong ng PEP: Base sa pagkakakilala niya kay Marian, may katotohanan ba ang mga nasusulat na hindi raw maganda ang ugali ng aktres—o kabaligtaran ito ng mga paratang sa aktres?

May napansin ba siya sa attitude ni Marian gaya ng mga nasusulat?

"Absolutely wala!" mabilis na sagot ni Direk Mac.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And what’s so funny, the way I knew her before Marimar was the same Marian."

Ano ang nagiging reaction niya kapag naririnig o nakakarating sa kanya ang negative write-ups sa bida ng Amaya?

"Maling konteksto ang feeling ko. Nakuha sa maling konteksto," sabi niya.

Pinabulaanan din ni Direk Mac ang balitang nale-late si Marian sa taping ng Amaya at ito pa raw ang parang galit.

Aniya, "Hindi totoo ’yan. Hindi totoo ’yan. Hindi siya ganoon, e.

"Bibigyan ko kayo ng example of how I work with Marian.

"Meron kaming ginawa, One True Love. Labing-apat na araw kami nag-shooting. Araw-araw.

"Napa-pack-up kami ng alas-dos ng umaga. Dumarating alas-siyete, alas-ocho, ang saya-saya namin.

"Alam n’yo si Marian, hindi ’yan nali-late. Malambing ’yan."

Dagdag ng direktor, may ugali raw si Marian na hindi alam ng karamihan.

"There’s one thing about Marian that people don’t know—iyakin ’yan. She’s very kindhearted and iyakin.

"Yung sinasabi nilang taray, hindi taray ang tingin ko ro’n.

"Ang tingin ko ro’n, spunk. You’re spunky. You speak your mind out.

"Ganoon ako. Ganoon ang maraming tao na kakilala kong gusto ko. But si Marian, iyakin ’yan.

"Marami akong kuwento tungkol diyan na hindi ko puwedeng ikuwento because it’s very, very personal. Kasi, ang tagal na ng pinagsamahan namin.

"She’s a very kindhearted and very gentle person."

Bukod sa Amaya, si Direk Mac din ang direktor ng Ang Panday 2 kung saan kasama rin si Marian.

Ani Direk Mac, "She is doing the most expensive television series and she is a part of what may be the most expensive film of 2011, di ba?

"We are all so blessed. We are all so lucky.

"Kung sino ang binibiyayaan, dapat mong suklian ng higit sa ibinibigay sa ’yo."

TOPLESS. Tinanong din si Direk Mac kung totoo ba na hindi niya ina-allow na mag-brief ang male cast ng Amaya at tanging bahag lang ang suot nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po ako yun. We try to be authentic.

"Amaya got the best. Bago po makarating sa akin yun, na-screen na nila.

"Kapag dumating po sila sa set, meron silang suot na thong. Hindi puwedeng mag-brief.

"Kanya-kanya silang costume. Kanya-kanyang kultura," paliwanag niya.

Si Marian ay totoong nag-topless din daw katulad ng ibang mga babaeng nasa cast.

"It was never an issue," sabi ni Direk Mac.

"Nakatakip naman ng buhok. Sanay na sanay naman na sila. If you notice, lakad lang sila nang lakad.

"Noong una, naiilang, pero ilang araw na kaming nagsu-shooting.

"Si Marian naman, ginawa na niya sa Dyesebel, di ba?"

STARS WHO BACKED OUT. Natanong din si Direk Mac tungkol sa diumano’y pagba-backout ng dalawa sa original cast ng Amaya na sina Rocky Salumbides at Paolo Contis.

Paliwanag ni Direk Mac, "Actually, yung kay Rocky, nag-workshop na kami.

"Ang sabi, kaya siya umalis dahil may kailangan siyang ayusin. Yun ang nakarating sa amin.

"Pero handa na kami. Nakahanda na kami."

Pinalitan sina Rocky at Paolo nina Ryan Eigenmann at Dion Ignacio, respectively.

Itinanggi ni Direk Mac yung sinasabing dahil matagal daw gawin ang set bago mag-taping kAya nag-backout ang dalawang aktor.

"Hindi totoo yun. Kasi, naka-timetable na kami bago simulan.

"Naka-time table na kami na kukunan muna lahat ng walang set."

Sa pagta-tattoo na nga lang daw ay inaabot na sila ng ilang oras.

Nasa 250 katao kasi ang nilalagyan ng tattoo.

Kaya madaling-araw pa lang daw ay nilalagyan na ang first batch ng tatoo at binibigyan ng instruction na hindi na sila puwedeng maligo pagkatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN