Prediction of Ian Batherson’s mom that he would be a Regal Baby comes true

"Pero gusto kong ipakita yung self ko naman na more than a pretty face, mas marami akong mga bagay sa sarili ko na gusto ko namang i-improve ang acting ko," says Ian Batherson.


Pinaghihirapan talaga ang magandang pangangatawan.

Tulad na lang sa kaso StarStruck V alumnus at Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway na si Ian Batherson.

Ayon sa half-Pinoy, half-British model-actor, he really works hard to achieve his body now.

"Ang diet ko, it’s low carb [carbohydrates]. Less on carb talaga.

"Tabain akong talaga. Yung katawan ko. Palagi akong tumatakbo sa gym.

"Less on weight kasi kapag nagwe-weight ako, tumataba rin ako. So, more on less carb and healthy eating talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ian sa contract signing cum presscon nila ng kapwa niya Mercator models at GMA-7 talents bilang bagong Regal Babies kagabi, May 12, sa Imperial Palace Suites.

Kasabay na pumirma ng movie contract ni Ian sa Regal Entertainment sina Daniel Matsunaga, JC Tiuseco, Ervic Vijandre, at Fabio Ide. (CLICK HERE to read related story.)

MORE THAN SEX SYMBOL. Positive para kay Ian kung mabansagan man siyang "sex symbol."

"Flattering yun, compliment yun naman," sabi ng 22-year-old model-actor.

"Pero gusto kong ipakita yung self ko naman na more than a pretty face, mas marami akong mga bagay sa sarili ko na gusto ko namang i-improve ang acting ko.

"Kasi, medyo beginner pa ako. Pero bata pa lang ako.

"I feel like that I can be the best I can be with Regal Films.

"At saka, talagang hard work talaga will pay off."

SISID. Kasama si Ian sa upcoming afternoon soap ng GMA-7 na Sisid.

Gaano siya ka-sexy sa Sisid?

"Topless lang po. Kasi medyo yung role ko, Manila boy, mayaman.

"Actually, for that role, I’m more on sexy, pero hindi super sexy. Kasi, hindi ako sa dagat palagi.

"Naka-topless lang. Mabait ako sa role. It’s kinda good," paglalarawan niya sa kanyang role.

Nasa taping daw ng Sisid si Ian nang maganap ang aksidente sa lead star ng serye na Jackie Rice. Napalakas kasi ang sipa ni Jackie sa silya kaya nabali ang isang daliri nito sa paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandoon ako, pero hindi ko siya kasama sa eksena. Sila ni Dom [Dominic Roco].

"So, sabi ko, ’Ano ba ang nangyari kay Jackie?’ So sabi nila, magpapa-X-ray siya.

"Nagulat ako. I was worried. I hope she feels better now.

"Sobrang galing siya. Looking at her, talagang excited ako para sa Sisid."

Ipinagtanggol naman ni Ian si Jackie sa batikos ng ilan na hindi naman daw marunong umarte ang young actress kaya nakapagtataka raw kung bakit ginawa itong bida sa Sisid.

"Well sa mga taong insecure, they will say. Pero para sa akin, marunong siyang umarte.

"Ginagawa niya ang paraan to fit the role. Sobrang laki ng improvement niya ngayon.

"Sobrang proud ako na kasama siya sa first soap ko," sabi ni Ian.

REGAL BABY. Masaya naman si Ian dahil nagkatotoo raw ang sinabi ng mommy niya sa kanya noong bata pa siya at nasa U.S. pa sila.

"Sabi ng mommy ko, ’Puwede kang maging artista.’

"Eight years old yata ako noon, 1997. Sabi niya, ipapakilala raw niya ako kay Mother Lily."

Kaya raw nang malaman niya sa manager niyang si Jonas Gaffud na pipirma na siya ng kontrata sa Regal Films, "sobrang nagulat" daw si Ian.

"Sinabi ko agad sa mommy ko. Sabi niya, ’See?’

"That’s weird, but it happened. So, good things come to those who wait."

Now that he’s a Regal baby, ano ang expectations niya?

"Nag-e-expect po ako na mas mag-i-improve pa ang Tagalog ko, atsaka yung acting kong talaga. Atsaka, good experiences talaga," sagot niya.

Paano niya ba mapu-prove sa mga tao that he’s not just another pretty face in showbiz?

"Wala lang. It just takes hard work talaga.

"Yun lang, walang magic. Talagang old-fashioned hard work talaga."

Mas enjoy raw si Ian sa buhay niya sa Pilipinas kaysa sa Amerika.

"Kesa sa States, mas enjoy ako rito kasi proud Pinoy ako, e. May dugo akong Filipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto kong ipakita sa mga kaibigan ko sa States na I’m Filipino and I became successful dito sa Pilipinas," sabi niya.

NO LOVELIFE. Wala raw lovelife ngayon si Ian dahil trabaho raw ang lovelife niya.

"Puro ako trabaho. Trabaho palagi," sabi niya.

"Pero nakahanap ako ng babae, pero, wala pa rin. Isang taon na rin na wala.

"Kapag may ex ako, gusto ko na matanggap na friendship pa rin. Gusto ko na maging kaibigan pa rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN