PEP EXCLUSIVE: Arnell Ignacio denies allegation that his Porsche is a "hot car"

"Nag-iimbento sila ng kuwento. Niyurakan nila ang pagkatao ko. Huwag nilang ilihis ang isyu. Simpleng kaso ng pangongotong ang nangyari. Pinaghirapan ko na bilhin ang kotse, napag-tripan nila ako. Ipinaglalaban ko lang ang karapatan ko," says Arnell Ignacio about the allegation of Atty. Carlos Pormento that his Porsche is a "hot car." Pormento is the legal counsel of the three patrol officers sued by Ignacio for "grave misconduct, robb


Sinagot ni Arnell Ignacio ang akusasyon ni Atty. Carlos Pormento na "hot car" diumano ang kanyang luxury car na Porsche.

Si Atty. Pormento ang abugado ng tatlong pulis na kinasuhan ni Arnell ng grave misconduct, robbery, at intimidation. (CLICK HERE to read related story,)

Ayon kay Atty. Pormento, walang certificate of registration ng kotse ang dokumento na hawak ni Arnell.

May duda rin daw siya na posibleng sampung taon nang walang plate number ang Porsche ng komedyante dahil ini-release noong 2007 ang sasakyan, pero 1998 pa raw ito nakarehistro.

Sa panayam kay Atty. Pormento ng ABS-CBN News, sinabi nito na walang mga papeles na dala si Arnel nang hulihin ito ng kanyang mga kliyente.

Dagdag niya, nang lumabas ang verification, pilipit umano ang mga dokumento dahil hindi ito tumutugma sa sasakyan.

Sinabi ng abugado ng mga akusado na may hinala siya na nagdemanda si Arnell para mapagtakpan daw ang anomalya sa kanyang sasakyan.

NOT A HOT CAR. Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arnell kaninang hapon, May 13, pinabulaanan nito ang mga bintang ni Atty. Pormento at ng mga akusado.

"Kumpleto ang papeles ng kotse ko," diin niya.

"Naka-finance ang kotse ko at hindi maaaprubahan ng bangko ang aking car loan kung may problema.

"Huwag nila akong pagbintangan dahil makapal ang mga dokumento na hawak ko.

"Dumating sa Pilipinas ang sasakyan noong 1998 at 2006 nang bilhin ko.

"Hindi ako ang original owner, pero dinala ito sa akin ni Miguelito Jose ng PGA.

"Mahilig ako sa kotse kaya binili ko ang Porsche sa halagang P6.5 million, at ang Maybank ang nag-finance.

"Nag-release na rin ang LTO [Land Transportation Office] ng clearance na nagpapatunay na hindi hot car ang kotse ko.

"Kung hot car ang sasakyan ko, bakit mahal ang presyo? Bakit mahal ang tax na binayaran ko?

"Kung hot car ’yon, ang ibig sabihin, nagkaroon kami ng connivance ng bangko at LTO?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PURSUING THE CASE. Itinanggi rin ni Arnell na nagpunta sa bahay niya ang tatlong pulis na kinasuhan niya para tingnan kung totoo ang mga dokumento ng sasakyan niya.

Aniya, "Nagpunta sila sa bahay dahil sa P100,000 na hiningi nila sa akin.

"Puwede naman silang humingi sa akin ng pera na hindi nila ako kailangan na takutin.

"Ano ang ginawa nila? Lasing sila, hinampas nila ako, at sinabihan na huwag nang magtawag.

"Inilawan pa nila ako at pinagbintangan na nandadaya ng mga papeles.

"Nag-iimbento sila ng kuwento. Niyurakan nila ang pagkatao ko.

"Huwag nilang ilihis ang isyu. Simpleng kaso ng pangongotong ang nangyari.

"Pinaghirapan ko na bilhin ang kotse, napag-tripan nila ako.

"Ipinaglalaban ko lang ang karapatan ko."

Kuwento pa ni Arnell, "Noong minsan, nagpunta ako sa Camp Crame at kumain ako sa canteen. Dumating ang tatlong pulis na kinasuhan ko.

"Ano ang nangyari? Hindi sila tumuloy sa pagpasok sa canteen nang makita nila ako."

APPEAL TO SHOWBIZ PERSONALITIES. May apela rin si Arnell sa kapwa niya mga taga-showbiz.

"Sana suportahan nila ako dahil para sa lahat din naman ang magiging magandang resulta ng reklamo ko.

"Yung iba kasi, matapang lang sa Twitter at Facebook.

"Sumisigaw sila ng pagbabago, pero wala naman ginagawa. Kung anu-anong kalandian lang.

"Kaya nga nagpapasalamat ako kay Edu Manzano dahil kahit hindi ko siya nilapitan, tumawag siya at nagbigay ng lawyer.

"Si Phillip Salvador, hindi kami masyadong close, pero tinawagan niya ako bilang suporta.

"Ganoon din si Candy Pangilinan."

WRONG NOTION ABOUT THE POLICE. Nilinaw naman ni Arnell na hindi lahat ng pulis ay kagaya ng mga "nangotong" sa kanya.

"Alam mo, marami naman ang mabubuting pulis at nadadamay lamang sila sa mga kasalanan na ginagawa ng kanilang mga kasamahan.

"Hindi salbahe ang mga pulis natin. Marami sa kanila ang matitino.

"Kapag pumupunta ako sa Camp Crame, marami ang lumalapit sa akin at nagsasabi na ituloy ko ang laban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tama raw ang ginagawa ko," sabi ni Arnell.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN