Winwyn Marquez welcomes role of kontrabida in Blusang Itim; wants to be a beauty queen like aunt Melanie Marquez some day

The morena beauty Winwyn says she was nervous at first: "Natakot ako kasi nga kontrabida, baka awayin ako ng mga tao, na ayaw nila sa iyo. Pero, for me, ang inisip ko na lang, pag hindi ka naging masama or hindi ka naging effective sa mga tao—wala, hindi ka magiging effective na kontrabida."


Sa presscon ng Blusang Itim ng GMA 7, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Winwyn Marquez kung paano siya napapayag na sa first soap opera niya ay kontrabida siya agad.

"Ako naman po kasi, okay naman po ako sa lahat ng binibigay ng GMA," nakangiting sagot ng young morena beauty.

"Opportunity po ito na kailangang i-grab, tsaka po mas okay yung tipong versatile ka, hindi ka namimili ng role, kung ano po yung ibigay masaya na po ako dun."

Hindi raw siya nagkaroon ng second thoughts na tanggapin ang role na Vicky, ang kontrabida sa buhay ng bidang si Jessa, na gagampanan naman ng young mestisa beauty na si Kylie Padilla.

"Hindi po, hindi po. Mixed emotions lang.

"Natakot ako kasi nga kontrabida, baka awayin ako ng mga tao, na ayaw nila sa iyo.

"Pero, for me, ang inisip ko na lang, pag hindi ka naging masama or hindi ka naging effective sa mga tao—wala, hindi ka magiging effective na kontrabida."

Gaano siya kasalbahe sa Blusang Itim?

"As in, ano po, ako po yung magpapabagsak kay Jessa or Jessica, ako yung aapi sa kanya."

Tinanong ng PEP kung napanood niya ang movie version nito, kung saan si Lani Mercado ang kontrabida sa buhay ni Snooky Serna.

"Opo, opo."

Ganun din ba ang pagka-kontrabida niya?

"Mas higit pa siguro po dun kasi medyo more on dramatics, kailangan makuha yung attention ng mga tao."

Anak si Winwyn nina Alma Moreno at Joey Marquez, kaya may mga nagtatanong kung tulad ng ina niya ay magpapa-sexy rin ba si Winwyn.

"Kasi po iba yung pagka-sexy ng nanay ko noon. So for me po ngayon, hindi. Hindi po.

"Una, bata pa po ako, nineteen pa lang ako."

Actually, medyo bata pa rin ang mommy niya nang nagpaseksi noong araw.

"Siya po yun," tumatawang sagot ni Winwyn. "Tsaka papatayin po ako ng mga magulang ko, ayaw talaga nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa siya in-offer-an ng FHM. Ito ang UK-based men’s magazine na nakakapagpatanyag sa mga baguhang artista na papunta sa sexy roles.

Sino ang gusto niyang maging katulad na artista someday?

"Sa ngayon po kasi kontrabida ako, I look up to Ate Glaiza de Castro.

"Kasi po, nung nag-audition ako, siya po yung tumulong sa akin kung paano mag-kontrabida, kung paano umarte.

"Sa kanya po ako lumapit."

Sa Party Pilipinas, ang Sunday noon variety show ng GMA-7, naging close sina Winwyn at Glaiza.

"Nilapitan ko po siya, sabi ko ’Ano, ate Glaiza, paano gawin yung ganito, yung ganyan’.

"So I owe her something na rin."

Hindi nagdamot si Glaiza ng pagbibigay ng pointers?

"Hindi po, hindi po, talaga pong in-explain niya na ganito dapat, ganyan."

Sa mga hindi naman kontrabida, sino ang gusto ni Winwyn?

"Miss Marian Rivera. Kasi versatile siya, kahit saan mo siya ilagay—puwede, puwede siya."

Inamin naman ni Winwyn na gusto niyang maging isang beauty queen.

"Ano po yan, e, childhood dream ko yun.

"Kasi si Tita Melanie [Marquez] beauty queen, si Tita Via [Marquez-Hoffman] ko, model."

Sasali siya sa mga beauty pageants?

"Gusto ko po, pero in time siguro, kung ready na ako.

"Let’s see po, sana if it’s God’s will, why not?"

Saang pageant siya sasali: sa Miss World-Philippines o sa Binibining Pilipinas?

"Yun ang hindi ko alam, ikokonsulta ko muna sa mga tita ko.

"Kokunsulta muna sa parents ko at mga titas kung saan mas magandang sumali."

Tinanong ng PEP kung ano ang pinakamagandang advice ng mommy niya kay Winwyn.

"Pagdating po sa pag-aartista, ang pinakagusto kong sinabi niya sa akin is, ’When you act, kailangan ramdam mo talaga, may pinaghuhugutan ka para hindi magmukhang fake pagdating sa mga tao.’

"So iyon po yung sobrang tumatak sa isip ko, na ang pangit naman kung dadayain mo lahat, so dapat nararamdaman mo talaga yung pag-arte."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang advice ng daddy niya?

"Ang daddy ko po kasi talaga very ano siya sa studies ko e, talagang ’Mag-aral ka, mag-aral ka, tapusin mo ang pag-aaral mo!’ Ganun po siya.

"Ang sabi po niya sa akin is, ’Galingan ang pag-aartista at mag-aral na mabuti,’ iyon po."

Nilinaw naman ni Winwyn ang napabalitang may espesyal na relasyon sila ni Elmo Magalona.

"Hindi po, kasi kami ni Elmo close po kami noon pa.

"Pero hindi po niya ako niligawan, hindi po talaga.

"Kami ni Elmo close lang po kami, lagi kaming magkasama. Three times a week kaming nagkakasama kasi sa rehearsals, then sa Party Pilipinas, kaya hindi po maiiwasan na maging close po kami.

"Pero wala pong ligawan.

"Kasi sa akin po, ayokong magka-boyfriend ngayon.

"Kasi ang daming puwedeng bigyan ng focus, iyon po."

Speaking of Elmo, ang kuya nitong si Frank Magalona ang leading man ni Kylie sa Blusang Itim.

Nandito rin si Carl Guevara, at tampok din sa show sina Lucho Ayala, Andrea Torres, Bodie Cruz at Chariz Solomon.

Pati ang mga veteran stars na sina Marissa Delgado, Jackielou Blanco, Rita Avila, Maureen Mauricio, at Gary Estrada.

Ito ay sa direksyon ni Jay Altarejos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN