Daniel Mutsunaga hopes to have movie with girlfriend Heart Evangelista; sets their trip to Brazil for June

Daniel Matsunaga was a model for the Wrangler fashion show, last night, May 13, at Atrium 2 of SM Mall of Asia, which is part of the celebration of Fashion Week. He says he would like to have an epic-themed movie with girlfriend heart Evangelista.


Kagabi ang pang limang gabi ng celebration ng Fashion Week.

At sa gabing iyon, ang isa sa mga pinaka-inabangan ay ang fashion show ng Wrangler, kung saan kabilang ang Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga.

Talaga namang hindi mapigilan ng mga tao, lalo na ng mga kababaihan, na mapatili nang makitang rumarampa si Daniel lalo na sa kaniyang all-rocker attire.

Ito ang ikalawang beses na rumampa si Daniel para sa Fashion Week. Ilang araw bago ang pagrampa niya ay pumirma siya ng kontrata sa Wrangler para maging endorser nito.

Dagdag nga niya, "This is my first brand as endorser."

Working with Heart. Bukod sa pagiging first-time brand endorser niya, noon lamang Mayo 12, Huwebes, ay ganap na naging miyembro si Daniel ng Regal Entertainment.

Kasama niya ang ilan pang Kapuso stars, na sila C Tiuseco, Ervic Vijandre, Ian Batherson, at Fabio Ide, na itinanghal bilang "Regal’s Desirable Men." (CLICK HERE for related article).

At ngayong under na siya ng Regal, may nakaplano na bang pelikula para sa kanila ng kanyang girlfriend na si Heart Evangelista?

"Siguro meron, peroI can’t say it right now kasi that’s a maybe."

At kung sakali man na gagawa nga sila, iba ang gustong tema ni Daniel. Kung ang tipo ni Heart ay drama, gusto raw ni Daniel na ma-aksyon.

"I would love, yeah, drama. I would like to do romantic-action na lang. Epic movies, I love war movies!"

Flying to Brazil. Bagaman gusto nilang gumawa ng pelikula na magkasama, abala pa silang pareho.

Si Heart kasi ay kasalukuyang nagsu-shooting para sa remake ng classic 80’s Pinoy film na Temptation Island.

Dahil sa kanilang busy schedule, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung matutuloy pa ang matagal na nilang planong byahe sa Brazil?

"We always dreamed about it, and we always talk about it," sagot ni Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Brazil lumaki si Daniel at doon din kasalukuyang nakatira ang kanyang buong pamilya.

Sa tantiya ni Daniel, kapag natuloy ang biyahe, maaaring dalawa hanggang tatlong linggo sila mawawala ni Heart sa bansa.

Aniya, apat na araw ang biyahe pa lang. Dalawang araw papunta at ganun din pabalik.

Excited si Daniel sa pag-alis nila. Bukod sa gusto na niyang makilala si Heart ng kanyang pamilya ay matagal na rin nang huli siyang umuwi sa bansa nila.

"It was kind of long ago. Kasi I’ve been focusing a lot in showbiz ngayon."

Malapit si Heart sa pamilya ni Daniel, lalo na sa mommy nito, kahit pa man hindi sila nagkakasama sa personal.

"They really talk every day," banggit ni Daniel.

Kwento pa niya, excited daw ang kanyang mommy na makilala si Heart.

"My mom is so happy when I told her about it.

"My mom is waiting for her a long time already, more than one year.

"So, they have a lot of plans. they have a lot of plans to bring her to different cities, and we have a lot of places that she can visit."

Ang nasabing pagpunta nila sa Brazil ay nitong Hunyo.

Hindi naman daw sila sigurado kung ano ang petsa. Idedepende daw nila iyon sa schedule ni Heart.

"Kasi ano, madami yung projects niya [Heart Evangelista] ’di ba?

"Meron bagong pelikula, Temptation Island. She only has two to three weeks maximum, so very short schedule sa kanya," paliwanag ni Daniel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN