Krystal Reyes graduates from child roles; now part of love triangle in Munting Heredera

Krystal Reyes (main) assures fans of Joyce Ching (inset, top) and Kristoffer Martin that their roles in Munting Heredera will be strictly for reel.


Hindi na bata pero alanganin pa ring matawag na dalaga ang 14-year-old na si Krystal Reyes.

Isa si Krystal sa mga nagbida sa seryeng Princess Charming noong 2007. Ang huling pambatang role niya ay sa drama series na Bantatay.

Ngunit ngayon ay kasama na si Krystal sa isang love triangle sa bagong series na Munting Heredera sa GMA-7.

Gaganap siya bilang si Gemma, isa sa mga scholars ni Doña Anastacia (played by Ms. Gloria Romero).

Ma-i-involve siya sa isa pang scholar, si TJ (played by Kristoffer Martin), na may gusto naman kay Kyla (played by Joyce Ching), na isang spoiled at malditang apo ni Doña Anastacia.

Nag-alinlangan daw si Krystal bago tanggapin ang nasabing role, lalo pa’t may fan base na ang team-up nina Kristoffer at Joyce, na parehong cast members ng Reel Love Presents Tween Hearts.

Pero dahil sa okay naman daw ang character, at lalabas siyang api-apihan, kaya napa-oo ito sa series.

"Na-explain naman nila sa akin kung ano ang magiging role ko talaga.

"At first kasi, parang nagdadalawang-isip pa ako kasi nga may mga fans na sila Kristoffer at Joyce. Baka magalit naman sa akin ang mga fans nila.

"Pero nang sabihin na ako ang aapihin ni Joyce, pumayag na ako. Hindi naman kasi bagay sa akin na ako ang magkontrabida, ’di ba?

"Ang liit-liit ko pa naman at mas sanay na akong inaapi sa mga roles ko.

"Kaya okey na ito ang first time kong maging part ng isang love triangle sa isang TV drama," ang sabi ni Krystal nang makapanayam namin siya sa GMA Network Center.

Magkakaibigan naman daw sila nina Kristoffer at Joyce. Nagkakilala ang tatlo noong nag-taping si Krystal for Tween Hearts na kinunan sa Boracay.

Naka-bonding na niya ang dalawa kaya expected niyang magiging maayos ang pakikipagtrabaho niya sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa Tween Hearts kasi, kay Derrick [Monasterio] ako na-pair pero against sa kanya yung kuya ko.

"Kaya pasulput-sulpot lang ako sa Tween Hearts. Magte-taping ulit ako for Tween Hearts soon.

"Noong mag-taping ako sa Boracay episode nila, naging close ako sa kanilang lahat.

"Kaya noong mag-story conference for Munting Heredera, natuwa naman ako na magkakasama kami nila Joyce at Kristoffer," ang mahaba ngunit masayang kuwento ng dating child star.

Hindi pa raw nakakapag-taping si Krystal for Munting Heredera, pero nagkausap na raw sila ni Joyce tungkol sa magiging eksena nila.

Ang lahad pa ni Krystal, "Si Joyce kasi ang mean girl dito kaya tataray-tarayan niya ako, kasi nga scholar ako ng lola niya.

"’Tapos naging close pa ako sa crush niyang lalake kaya lalo niya akong aapihin.

"Magaling na kontrabida si Joyce kasi napanood ko siya sa Endless Love. Maiinis ka talaga sa pagiging kontrabida niya.

"Pero alam naman namin na trabaho lang at gagawin naman namin ang makakaya namin para maganda lalabas ang mga eksena namin."

Natutuwa naman si Krystal sa pag-aagawan nilang lalake ni Joyce na si Kristoffer, na ayon sa kanya ay feeling guwapo raw.

"Nakakatuwa si Kris [nickname of Kristoffer] kasi nga feeling niya hunk siya, kasi dala-dalawa kami ni Joyce na pag-aagawan siya.

"Kapag nagkakasama kami, lagi siyang nagbibiro na huwag daw namin siyang pagkaguluhan at mahina raw ang kalaban.

"Sobra siyang nakakatawa kasi guwapung-guwapo siya sa sarili niya!" tawa pa ni Krystal.

Dasal lang ni Krystal na huwag magalit sa kanya ang mga fans nila Kristoffer at Joyce. Wala raw siyang balak na manggulo sa loveteam ng dalawa.

"Alam ko naman na mababait ang mga fans nila kaya hindi nila ako aawayin, ’di ba?

"Ang maganda ay suportahan nila ang show na kinabibilangan naming tatlo na Munting Heredera para masaya ang lahat," ang nakangiting sabi ni Krystal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN