Jackie Rice eager to recover from her fractured toe to resume taping of Sisid

"Gusto ko nang bumalik sa taping, e. Ang daming natetengga dahil, di ba, dahil lang sa paa? Kaya ’yan, gagaling ako kaagad. First show ko ’to, oo, kailangan. Kailangang magdikit siya," says Jackie Rice about her fractured toe.


Sa taping ng upcoming GMA-7 afternoon series na Sisid noong Martes, May 10, isang aksidente ang nangyari habang kinukunan ang eksena ng bidang si Jackie Rice at ng isa sa leading men niya, na si Dominic Roco.

Kuwento ni Jackie sa Startalk TX, "E, galit ako. Galit po ako dun sa eksena, kahit ano gagawin ko, sisipain ko kahit ano.

"Yung [silya], nasipa ko siya nang mali."

Ito ang dahilan ng pagkabali ng buto ng isa sa mga daliri sa kanyang paa.

"Ito, sa right foot ko, nagka-fracture.

"Masakit nga po siya, tuwing gabi hindi na ako nakakatulog.

"Wala pong opera [surgery], wala.

"Hinihintay lang yung buto na gumaling, magdikit. Naghiwalay kasi, e."

Nang mangyari ang aksidente, tinuloy at tinapos pa rin daw ni Jackie ang kanyang mga eksena kahit may iniinda siyang sakit.

"Nahihiya rin po ako siyempre, nag-antay sila," sabi niya.

"Tsaka siyempre yung production, yung GMA mismo, ginastusan nila yung araw na yun, tapos mahihinto lang dahil sa akin.

"Kung kaya naman, bakit naman hindi?

"Actually, hindi naman po namin ginusto ito, e.

"Kaso nangyayari daw talaga ang aksidente.

"Actually, hindi pa ako nao-ospital, first time kong ma-ospital dahil dito.

"Parang binebeybi ako na kailangang naka-wheelchair.

"Ayoko nga ng may saklay, pero bawal siyang ilakad."

Umaasa naman si Jackie na mabilis siyang gagaling para makabalik na siya sa taping ng Sisid, na mapapanood na sa Mayo 30, sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

"Sabi sa akin, mga four to six weeks.

"Pero sana mas maaga kasi hinihintay talaga na magdikit ang buto.

"Nagka-fracture, so bali mismo yung buto niya.

"Gusto ko nang bumalik sa taping, e.

"Ang daming natetengga dahil, di ba, dahil lang sa paa?

"Kaya ’yan, gagaling ako kaagad.

"First show ko ’to, oo, kailangan. Kailangang magdikit siya," sabi ni Jackie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN